Monthly Archive for February, 2010

tinga

Nakakatawa mga tao dito. Ambilis mataranta at magreklamo kapag medyo kumapal lang ng onti yung tao. Kumusta naman kasi late yung tren sa subway kaya naipon nang naipon yung mga tao.Ayun. Yung mga di pa ata nakakaranas ng Mrt sa EDSA eh panic galore. Akala mo naman ikukulong kami lahat sa ilalim ng lupa tapos lulunurin ng tubig na may kuryente o kaya iso-suffocate kami ng hangin na may lason o kaya nakakapagmutate ng katauhan. Haha.Nakakaloko. Ansakit ng ngipin kong ginambala ng nag-tresspass na piraso ng baka na ulam ko kaninang tanghali.Madaling indahin yung kirot,oo. Pero yung pakiramdam eh para kang nagsuot ng underwear na yari s kulambo tapos puno ng mga pulang langgam. Andaming tao ngayon.Lunes na lunes eh.Tsktsk.

Unang isang oras sa Estados Unidos

 

 

Naninibago. Nag-aadjust pa din ang mata sa madilim na kapaligiran. Eto na ba yun? Amerika na ‘to? Bakit andilim? Tinetext ko ng tinetext ang kaibigan kong si Nene sa Pinas. “D2 na kmi. Ampangit d2.” Ampanget naman kasi talaga ng unang impression ko. Yung airport na binabaan naming eh mas maganda pa yung sa NAIA. Then, puro mababa ang mga buildings. Mga tindahan halos puro isang palapag lang. Mayaman talaga ang Amerika. Madami pa silang lupa at mga bakanteng lupa na pwedeng pagtayuan ng mga kabahayan. Di gaya sa Pinas at sa mga karatig bansa nito sa Asya na pataasan ng palapag ang labanan ng mga gusali para magamit ng husto ang mga kakapirangggot na lupang natitira para magtamnan ng mga ari-arian.

Gaya ng inaasahan ko, puro mga paying Amerika ang una naming natamo mula sa mga malalayong kamag-anak na sumundo sa amin sa airport. Alam mo yun, yung tipo ng pag-uusap na mararamdaman mong sila yung tama at may authority kasi sila yung mas nauna at mas matagal na ditto sa Amerika. Tapos siyempre, todo benta sila sa bansang ito. Todo kwento ng mga matatanggap na benefits, ng mga maaring marating lalo na ng isang college graduate daw na tulad ko, kung papaano daw kami makakakuha ng trabaho, etcetera etcetera. Maswerte daw kami kasi buong pamilya (well, halos. Si inay ay nasa gitnang silangan pa din nagtatrabaho) eh nakatuntong na ng Amerika. Muli nilang inulit sa amin kung gaano daw kadaming mga tao ang naghahangad na makarating sa bansang ito, mga tipong nagsasangla pa ng mag ari-arian para lang maaprubahan ng consul ang visa, pero hindi nagtatagumpay. Napakaswerte daw naming, Kasi sila, may naiwan pa daw silang anak sa Pinas. Mabilis akong inaantok, Medyo hilo pa din ako di dahil sa byahe, kundi sa sitwasyon at sa katotohanan na kami ay nasa ibang bansa na, may tig-iisang maleta, at may baon na pag-asa para sa mas ayos at maliwanag na kinabukasan. Continue reading ‘Unang isang oras sa Estados Unidos’

To be Samjuan, not just any Juan

Bata pa lang ako may pakiramdam na ako na special ako. Yun bang tipong alam kong may misyon ako sa mundo at di ako magiging isang basta bastang nilalang.

Sabi ko sa sairli ko, kahit na ayaw akong pag-auditionin ng nanay ko sa 5 and Up, kahit ayaw niya akong pasalihin sa mga piano at violin lessons para maging talentadong bata ako katulad ng mga promil kids sa patalastas, mamamayagpag ako at makakaroon din ng awards at hindi magiging basta bastang uhuging bata lang sa kalye.

Tanda ko pa, Best in Memory Verse yung kauna-unahang ribbon at award na natanggap ko noong bata ako. Salamat sa Afternoon Bible study Catechism group namin noon. Nakisali ako sa mga batang nagbabasa ng Bibliya sa ilalim ng puno habang nakaupo sa kahoy na upuan sa may putikan sa isang kanto sa lugar na tinitirahan namin noon sa may Fairview. Nakatulong ng malaki yung pagbabasa namin ng Bibliya sa paghahasa ng aking kakayahan sa pagbabasa. Continue reading ‘To be Samjuan, not just any Juan’

Ipot

Nabulabog ang papahimbing ko nang tulog kagabi dahil sa tawag ng Tito ko mula sa Pinas. Isang malakas na “ANO?” ang gumising sa akin mula sa tatay ko. Aba siyempre napa-:ANO?” din ako sa isip ko. Base sa naulinigan ko at sa mga sumunod na kwento ni itay, naggantso daw sina Tito at Lola sa Pinas. May nagtext daw sa kainla na may bagong roaming number na ang tatay ko at paulit-ulit daw nagpa-load ng 500. Naka tatlong libo daw silang load sa hinayufak na mapagpanggap na texter. Hirap nga naman ng buhay sa Pinas oh.

Continue reading ‘Ipot’

leichte kavallerie

May nabasa ako dati na effective daw ang pakikinig ng classical music sa pagdedevelop ng utak ng mga bata. Dahil siguro sa nakaka-relax na epekto nito at sa mga imaheng posibleng binubuo ng musika, mas napapabilis ang paghasa at paglago ng kaisipan ng mga bata.

Nitong nakaraan, nawiwili din ako sa pakikinig sa mga classical pieces nina beethoven, chopin, debussy, vivaldi at von suppe. Pakiramdam ko umeepekto pa din naman siya sa akin. Alam kong developing pa din naman ang utak ko. Isa pa, madalas isip bata pa din ako kaya tiyak may impact pa din ang classical music sa akin. Masarap kaya. Tamang nakaka-relax na trip sa byahe sa tren ilalim ng lupa at sa bus araw-araw. Continue reading ‘leichte kavallerie’