Ipot

Nabulabog ang papahimbing ko nang tulog kagabi dahil sa tawag ng Tito ko mula sa Pinas. Isang malakas na “ANO?” ang gumising sa akin mula sa tatay ko. Aba siyempre napa-:ANO?” din ako sa isip ko. Base sa naulinigan ko at sa mga sumunod na kwento ni itay, naggantso daw sina Tito at Lola sa Pinas. May nagtext daw sa kainla na may bagong roaming number na ang tatay ko at paulit-ulit daw nagpa-load ng 500. Naka tatlong libo daw silang load sa hinayufak na mapagpanggap na texter. Hirap nga naman ng buhay sa Pinas oh.

Kaya nanggagalaiti itong si Itay sa galit, sinabi na pala niya noon pa kay Tito na wala na at sira na yung roaming niya, Alam mo yung di sila nanghinayang magload ng sunod-sunod na 500 (ehem, 500 load susme! Never akong nakaranas nun!) hanggang maubos na lang ang pera nila tska palang nila kinumpirma sa amin kung totoo ba iyon. Tsktsk. Kilala daw kasi sila. Kinukumusta pa nga siya pati daw si Mamang (si lola) kaya naniwala naman siya agad.

Ang nakakatanga kasi dito, kakapadala lang naming ng pera sa prubinsiya, Ok lang eh. Pero madalas silang dumaing. Uhm, di po kami nagbubuhay hari at reyna dito. Kung ganun san age lang, magwaldas tayo ng cash. Pero hindi ganun eh. Pahirapan din naman ang perang kinikita dito.

Sa kabilang banda, nakakatanga din na sa tanda na ni Tito, (siya ang panganay sa kanilang magkakapatid nina Itay) eh nagpaloko pa din siya. Isang malaking buntong hininga na lang. Haaaaaaay.

Chura ng mga manggagantso sa load.

Hangga’t di siya nagtitika sa ginawa niya, may sumpa ang telepono niya. Chura niya.

———

Pagdating ko sa opis, tenen! Natuklasan kong naiputan ang bag ko ng Amerikan ibon. Greenish na maputi, Takteng yan. Pasalamat na lang ako hindi sa ulo ko nag-landing ang ipot.

0 Response to “Ipot”


  • No Comments

Leave a Reply