leichte kavallerie

May nabasa ako dati na effective daw ang pakikinig ng classical music sa pagdedevelop ng utak ng mga bata. Dahil siguro sa nakaka-relax na epekto nito at sa mga imaheng posibleng binubuo ng musika, mas napapabilis ang paghasa at paglago ng kaisipan ng mga bata.

Nitong nakaraan, nawiwili din ako sa pakikinig sa mga classical pieces nina beethoven, chopin, debussy, vivaldi at von suppe. Pakiramdam ko umeepekto pa din naman siya sa akin. Alam kong developing pa din naman ang utak ko. Isa pa, madalas isip bata pa din ako kaya tiyak may impact pa din ang classical music sa akin. Masarap kaya. Tamang nakaka-relax na trip sa byahe sa tren ilalim ng lupa at sa bus araw-araw.

Yun bang tipong kahit bumulaga sa iyo pagmulat ng mata mo mula sa pagkakahimbing sa tren eh maduming american etits na pag-aari ng lasing na tanders na homeless, di ka maaning.tamang chillax lang. Classical music keeps your cool.

Malaki din ang naitulong ng pakikinog ko sa classical music sa pagpapakalma ng sarili ko sa mga pagkakataong sinasagad ng bigbosing ang aking pasensiya sa trabaho. Yun bang tipong pagta-typin ka ng higit tatlong lipong mga addresses sa excel tapos tatanungin ka kung matatapos mo yun n a couple of hours habang di ka magkandaugaga kakasagot sa telepono, di ka matapos-tapos kakakuha ng orders mula sa mga shungaers na customers at di ka mapirmi dahil sa walnag tigil nilang mga utos. Oohyeh!

Naisip ko, dahil din siguro sa classical music kaya kung ano ano napapanaginipan ko nitong nakaraan. Andiyang love team daw si Juday at Sam Milby at hinahabol ko pa daw ang shooting nila sa may putikan sa bukid. Andyang naghahalikan si Agot Isidro at Geoff Eigenmann na parehong tauhan sa Maalaala mo kaya ni Ate Charo. Andyang may matandang lalapit sa akin at sasabihing propeta daw ako. Labo. Sana makita ko na sa panaginip ko yung kasagutan sa mga problema namin dito.

Naalala ko tuloy yung dating christian living education teacher namin noong highschool na kamukha ni Jesus na na-demote/na-promote (depende sa pananaw ninyo) bilang librarian. Susme. Sukat ba namang lagyan ng higanteng krus ang pintuan ng library. Makakakita ka din ng higanteng rebulto ni Mama Mary sa gitna. Ang pinaka-panalo sa ginawa niyang transformation ng library eh yung pagpapatugtog niya ng classical music doon. Siguro naisip niya na pampatalino yun. Tamang tama sa madaming mga batang mayayaman na walang ibang alam kundi kaartehan at kayabangan.

Anyways, inaantok na naman ako. Gawa kaya ito ng classical music? Umaatake na naman ata ang heart burns ko. Nawala na ito pansamantala nung napalitan ng sobrang umaapaw na saya dulot ng pag-ibig eh. Hmm.

0 Response to “leichte kavallerie”


  • No Comments

Leave a Reply