To be Samjuan, not just any Juan

Bata pa lang ako may pakiramdam na ako na special ako. Yun bang tipong alam kong may misyon ako sa mundo at di ako magiging isang basta bastang nilalang.

Sabi ko sa sairli ko, kahit na ayaw akong pag-auditionin ng nanay ko sa 5 and Up, kahit ayaw niya akong pasalihin sa mga piano at violin lessons para maging talentadong bata ako katulad ng mga promil kids sa patalastas, mamamayagpag ako at makakaroon din ng awards at hindi magiging basta bastang uhuging bata lang sa kalye.

Tanda ko pa, Best in Memory Verse yung kauna-unahang ribbon at award na natanggap ko noong bata ako. Salamat sa Afternoon Bible study Catechism group namin noon. Nakisali ako sa mga batang nagbabasa ng Bibliya sa ilalim ng puno habang nakaupo sa kahoy na upuan sa may putikan sa isang kanto sa lugar na tinitirahan namin noon sa may Fairview. Nakatulong ng malaki yung pagbabasa namin ng Bibliya sa paghahasa ng aking kakayahan sa pagbabasa.

Di gaya ng iba kong mga kalaro na mayayaman at may magagandang mga laruan, di gaya ng mga batang talentado sa telebisyon, di gaya ng ibang mga batang pinagpala ng likas na kagwapuhan at kagandahan, pinili kong maging matalino. Well, hindi naman talaga nasusukat ang katalinuhan. Pero pinili kong maging matalino sa mata ng nakararami. Pinili kong maging matalino ayon sa panukat ng paaralan at ng lipunan. Dahil ang talino, gaya ng sabi ng mga matatanda sa amin, ay yaman na hindi basta basta nananakaw. Natutunan ko na kapag matalino ka, makakakuha ka ng tulad o mas higit pang atensiyon kesa mga batang mayayaman o may natural na angking kagandahan.

Ok na din na pinili ko ang ganung landas mula pagkabata. Mula Prep, palagi akong nas atop 10. DI bumaba sa 80 ang grades ko, at may competitive factor din sa estudyanteng ako.

Valedictorian ako nung Prep. Pero nyemas, may kasalo ako sa title. Sino kaya yun. Oh well, may ka-tie ako sa una kong award sa skul. Oha, sharing ang lesson sa graduation noong mga panahon iyon.

Grades 1-2 nasa top 5 ako. Grade 3, escort ako. Ay, teka honors pala, uhm 8th? Basta nasa top 10 pa din. Haha. Grade 4-6 2nd honor. Naks! 1st year hanggang 2nd year, dko tanda. Basta nasa top 5. Third year, 4th sa buong batch? Naks! Tapos noong 4th year highschool na, favorite numero ko ang rank ko- 18! Yehey! Sabi ng mga tao sa guidance at admin, “Mabait ka naman Sam eh.” “Sorry pero di make-credit ang extra-curriculars mo.” “Wag ka mag-alala nasa top-10 ka sa mga pinakamamabait sa paaralan.” Anak ng tokwang banal! Aanhin ko yun diba? Noon ko ata nasabi sa kanila, “Ok lang. Wala sa grades ang sukatan ng galing ng isang tao, Nasa diskarte yan at kung paano mo haharapin ang buhay!” Sounds ampalaya, pero seryoso ako noon kahit na tunog pa-profound. Haha.

Anyway, noong kolehiyo naman, kung-laude ako. yes, kung laude, kasi muntik lang ma-laude. Haha. Ayus naman. Masaya naman ang college life ko. Apat lang kami noon sa highschool batch ko na nakapasok sa pamantasang kumupkop sa akin ng apat na taon sa kolehiyo. Dahil doon, masaya ako at proud naman sa sarili ko kahit papaano.

Ngayon, ako ay patuloy na gumagawa ng iba’t ibang mga bagay at paraan para mas lalo ko pang mapaunlad ang sarili ko. Kung may mga papuri man akong natatanggap ngayon, yun eh dahil sa sarili kong mga pagsisikap at kagustuhan. Basta, alam ko, kapag ginusto mo ang isang bagay, walnag imposible at lahat pwed emong gawin.

Alam ko isip bata pa din ako, at alam kong special ako at di basta basta. Sorry na, pero filingero ako na may misyon talaga ako sa mundo (kahit di ko pa alam kung ano talaga iyon). I will make it big, I will be someone! Someday.

1 Responses to “To be Samjuan, not just any Juan”


  • ibang klase talaga pananaw mo……d best….

    ung eldest son ko parang kaw…prep top 1 sya…..at sya p pinakabata s lahat….hanggang s graduate sya ng grade six…kasama sya s top 10 ng klase nila……

    now, 1st year n sya….aside sa ksama sya s top ng klase member din sya ng Student Body…..sya ang rep ng 1st year…..

    i’m so proud to my son…..at sana nga someday….katulad ng sabi mo….to be samjuan not just any juan…..

    gud luck s mga achievement mo pang makakamit….

Leave a Reply