Naninibago. Nag-aadjust pa din ang mata sa madilim na kapaligiran. Eto na ba yun? Amerika na ‘to? Bakit andilim? Tinetext ko ng tinetext ang kaibigan kong si Nene sa Pinas. “D2 na kmi. Ampangit d2.” Ampanget naman kasi talaga ng unang impression ko. Yung airport na binabaan naming eh mas maganda pa yung sa NAIA. Then, puro mababa ang mga buildings. Mga tindahan halos puro isang palapag lang. Mayaman talaga ang Amerika. Madami pa silang lupa at mga bakanteng lupa na pwedeng pagtayuan ng mga kabahayan. Di gaya sa Pinas at sa mga karatig bansa nito sa Asya na pataasan ng palapag ang labanan ng mga gusali para magamit ng husto ang mga kakapirangggot na lupang natitira para magtamnan ng mga ari-arian.
Gaya ng inaasahan ko, puro mga paying Amerika ang una naming natamo mula sa mga malalayong kamag-anak na sumundo sa amin sa airport. Alam mo yun, yung tipo ng pag-uusap na mararamdaman mong sila yung tama at may authority kasi sila yung mas nauna at mas matagal na ditto sa Amerika. Tapos siyempre, todo benta sila sa bansang ito. Todo kwento ng mga matatanggap na benefits, ng mga maaring marating lalo na ng isang college graduate daw na tulad ko, kung papaano daw kami makakakuha ng trabaho, etcetera etcetera. Maswerte daw kami kasi buong pamilya (well, halos. Si inay ay nasa gitnang silangan pa din nagtatrabaho) eh nakatuntong na ng Amerika. Muli nilang inulit sa amin kung gaano daw kadaming mga tao ang naghahangad na makarating sa bansang ito, mga tipong nagsasangla pa ng mag ari-arian para lang maaprubahan ng consul ang visa, pero hindi nagtatagumpay. Napakaswerte daw naming, Kasi sila, may naiwan pa daw silang anak sa Pinas. Mabilis akong inaantok, Medyo hilo pa din ako di dahil sa byahe, kundi sa sitwasyon at sa katotohanan na kami ay nasa ibang bansa na, may tig-iisang maleta, at may baon na pag-asa para sa mas ayos at maliwanag na kinabukasan.
Blangko ang isip ko kasi panibagong simula na naman ito. Back sa ilalim ng food cain. Back to basics. Kung naka-survive kami sa PIlipinas, naniniwala akong makakasurvive din kami dito. Nakakainit ng damdamin. Alam mo yun, yung tipong shet, eto na, laban na to, wala nang atrasan tangina andito na eh. Yun bang parang handing hand aka nang kumana sa laban na kakaharapin mo bukas pakagising mo.
Malamig. Siyempre nanibago naman ang aking balat sa klima. Namimiss ko pa din mag kaibigan ko. Wala akong ginawa sa sasakyan kundi basahin ng paulit-ulit yung mga mensahe nila.
Bago matapos ang isang oras, naating na naming yung bahay na magkukupkop sa amin pansamantala. Mga malalayong tito at tita sa Pinas na noon ko pa lang talaga nakita at nakilala. Panalo ang batian.” Ay, kagwapo naman nito! Siya na ba si Sam?!” Panalo lang. May talab pa din pala yung charms ko dito. Haha. Anyways, pagkatapos ng bola bolahan, kami ay pinagpahinga na at binigyan ng maliit na espasyo sa may carpeted na sahig sa isang kwarto. PAsensiya na daw muna. Nagpasalamat kami. Napapikit ako sa pagod. Napapikit ako habang umaasang mawala na agad yung takot buhat ng pag-aalinlangan sa puso ko. Nakakaloko. Tangina nasa Amerika na ako.

Grabe, parang kahapon lang.
hays.