Monthly Archive for March, 2010

Samjuan and the half

May nakausap akong call center agent ata sa Pinas. Halatang Pinay ang paraan ng pagsasalita ni ate kahit ano pang pagtatakip niya dito ng American accent. Dahil sa hindi na kami masyadong magkaintindihan sa telepono, di na ako nag-atubiling tanungin siya.

“Are you a Filipina?”

(after 10, 999 years)

Continue reading ‘Samjuan and the half’

Naiinis ako sa sarili ko

Alas dos na ng madlaing araw at hindi pa din ako makatulog kakaisip sa iyo.

Again, naiinis ako sa SARILI ko.

—–

Siya nga pala mga kabayan, ang samjuan.com ay maari nang mabasa sa iba’t-ibang mga lenggwahe ng daigdig. There is an available translator at the sidebar of the page. I-click lamang ang larawan ng bandila ng lenggwaheng nais gamitin para sa samjuan.com at poof! translated na ang wika dito. Bagamat wala itong kasiguruhan ng malinaw at direktong pagsasalin, pwede na din sigurong pagtiyagaan.

Mabuhay kayong lahat!

Miss ko na kayo mga kapwa pasahero noon sa EDSA

Kahit ano pang pintas ang ibato mo sa mga bus sa Pinas, mas papaboran ko pa din yung mga karanasan ko sa mga mauusok at hazardous na bus sa atin kumpara sa mga eco-friendly, malaki at medyo maayus na mga bus dito na puro naman mga may mga toyo ang madalas mong makakasakay.

Kanina lang may timi (itim/African-American) na nag-aamok sa pampublikong sasakyan. Tama bang pagsisigawan niya yung mga tao at bus driver matapos lang i-double check yung validity ng pass niya? Kumusta naman ang pagpapadyak niya sa bus at paghihiyaw ng todo. Nang inihinto ni mamnog driver yung sasakyan at bumaba siya para tumawag siguro ng saklolo, biglang nagpunta s aunahan sig alit na timi at pinagtatadyakan yung manibela at upuan ni manong driver habangnagmumura mura pababa sa kalsada papunta sa kung saan mang sulok.

Sa Pinas, minsan pa lang ako nakasaksi ng tadyakan sa bus. Yun yung pinagtatadyakan ng konduktor ng bus palabas yung pasaherong sumakay na walang pamasahe. As in nagmamakaawa na yung manong pero pinagsisipa siya ni manong konduktor sa hagdan hanggang sa makabitiw siya at mahulog sa may gilid ng kalsada sa may Fairview. Pasko noon.

Continue reading ‘Miss ko na kayo mga kapwa pasahero noon sa EDSA’

emo-mercial sa araw na ito: bilogangmundo

Di kaya ang dahilan kung bakit ka nakakaramdam ng pangungulila at pag-iisa sa kabila ng napakaraming mga taong gusting makipag-usap sa iyo eh dahil matagal ka nang nagkulong sa binuo mong mundo kasama ang taong gustong gusto mo pero palagi namang wala para kausapin ka?   Continue reading ‘emo-mercial sa araw na ito: bilogangmundo’

Mmmasangsang na umaga Amerika

Yung katabi ko kanina lang sa tren amoy sibuyas. Hindi puting sibuyas ah. Kaamoy nya yung masangsang na maliliit na sibuyas sa Pinas. Grabe anlakas lang. Itinulog ko na nga pero nahilo pa din ako. Mula subway paakyat sa kalsada,babatiin ka naman ng sari-saring amoy ng kalye- basura, suka (puke), alak, jebs, ihi, putok, kilikiling amoy suka (vinegar), tuyong laway, ipot ng pusa, ipot ng mga kalapati, katawang di napaliguan ng ilang linggo, kape, yosi, coke, menthos, hiningang may halitosis, usok ng sasakyan, bvlgari, burberry, polo black, mami, burrito at madami pang mga amoy na walang awang gagahasa sa ilong mo. This Samjuan’s side of amerika. At angganda dito kami napadpad. Sabi nga nung nabasa ko: Harajusku! Sabagay pwede na din kasi dito naman nakatira ang napakaraming mga artista. Haha.

Gudluck talaga sa amoy sa downtown. Sanayan lang ng ilong ito.

100 araw countdown to the may 10 2010 elections

Mga kabayan sa buong mundo, dahil malapit na ang halalan sa ating pinakamamahal na bansnag Pilipinas, heto at ibabahagi ko sa inyo ang website na 100araw.com.  Sa website, makakakita tayo ng iba’t ibang mga impormasyon, mga chismis at mga bali-balita ukol sa halalan. Magandang tanawin din nating mga OFWs yung section doon tungkol sa absentee voting at kung papaano natin mas maipaparating ang ating mga kuro kuro at mga opinyon tungkol sa papalapit na halalan sa bansa.

Muli, inaanyayahan ko po kayong lahat na bisitahin ang website na 100araw.com

Mabuhay tayong lahat!

emo-mercial bunga ng di inaasahang pagmumuni muni

Di bale nang masaktan, huwag lang maging manhid.

Awwwww.

Continue reading ‘emo-mercial bunga ng di inaasahang pagmumuni muni’

at muling yumanig ang (kama) lupa

Ok, nagising ako ng mag-a alas kwatro ng madaling araw, Martes, Pacific time. Ika-16 ng Marso, Amerika. Tanginang lindol yan!

Pngalawang lindol ko na ‘to dito. shet. baka si godzilla nasa ilalim na ng lupa. Ok iidlip muna ako ulit. Nanginginig pa din yung mga laman laman ko. Shetnamalagket

403 pm

Mahigit isang taon na pala ang lumipas nang huli akong makapagbilang ng siyamnapu’t dalawang eroplano at labing tatlong mga helicopters sa himpapawid sa loob ng isang araw. Sinunod ko lang naman yung payo ni Ms. Christian Living Education teacher noong highschool na binansagan nilang female Jesus dahil hawig sila ni Hesus ng buhok at features- “an idle mind is the devil’s playground!”

Continue reading ’403 pm’

Samjuan’s NPA (no permanent address)

Nakakapagod mag-impake. Pero bagama’t mas marami kaming mga gamit ngayon na inimpake at binitbit, parang mas napagod ako mag-impake noong naglipat kami ng apartment halos isnag taon na ang nakakaraan. Siguro dahil labag sa loob kong lumipat noon. Siguro dahil mas mahal yung renta ng lilipatan namin (700 lang noon tapos sa lilipatan eh 850 na kada buwan). Siguro dahil panibagong mga pagsubok na naman at kailangan na namang mag-adjust at kumawala sa nakasanayan ko nang comfort zones.

Continue reading ‘Samjuan’s NPA (no permanent address)’