Mahigit isang taon na pala ang lumipas nang huli akong makapagbilang ng siyamnapu’t dalawang eroplano at labing tatlong mga helicopters sa himpapawid sa loob ng isang araw. Sinunod ko lang naman yung payo ni Ms. Christian Living Education teacher noong highschool na binansagan nilang female Jesus dahil hawig sila ni Hesus ng buhok at features- “an idle mind is the devil’s playground!”
Huwag hayaang mabakante ang utak. Kaya naman para maitaboy ang pagkaburyong at ang mga demonyong pwedeng magsipaglaro sa utak ko, nagbilang na lang ako ng mga sasakyang panghimpapawid. Yun yung araw na sekyu ako na tagabantay ng mga kargador at ng gate habang naglilikas sila at nag-aayos ng mga dumating na shipments mula sa 18 wheeler na trucks.
Maswerte pa nga ako noong araw na yun at hindi ako pinagkargador. Tagabantay na lang ako. (Aba kung alam mo lang kung gaano kahirap magbuhat at mag-akyat ng mga higanteng kahon sa truck. Maluluslos ka sa bigat!) Bagama’t bilad din sa araw, ayus lang kasi di naman mapepwersa mga maskels ko. Alam ko katext ko noon si Rakel eh. Tska yung mahal ko. Grabe. Tag-busy na naman, Padating na ang mga shipments at tiyak magbabantay na naman ako sa labas.
Ilang eroplano at choppers kaya ang mabibilang ko ngayon?

paki-txt na lang kung ilan ang nabilang mo ha…
hehehe
ingat jan..
maglagay ka ng sunblock!
hahahah, alala ko ung mga araw naman dati summer of 2008 ganyan din ang buhay mo… tapos nung bandang mga june-august pag wala akong magawa, tatawag ako sayo gamit ung voip ekek dito sa laptop.
buhay pa rin ung app na yun pwede ko pa rin gamitin…
oo nga.
may ikukuwento ako sa iyo, pero naisip ko, huwag na lang dito.
isang taon na ba ang lumipas mula noon? di ko namalayan. ibig sabihin ba non, marami akong pinalampas na hindi ko dapat pinalampas…