Hinampas niya ng hinampas ng binabasa niyang libro yung hita ko. Gumising daw ako. Andami ko daw potensiyal. Mag-aral daw ako. Wag daw puro trabaho para sa pamilya. Gumawa naman daw ako ng mga bagay para sa saril ko. Ano daw mangyayari kapag matanda na ako at pagod na at wala nang lakas para gawin ang mga bagay para sa akin? Sayang daw. Sayang (with matching pailing-iling pa ng ulo si ate).
Parang nile-lecturan na naman niya ako gaya nung pangungumbinsii niya sa akin noon na sumali sa pyramiding nila. Matagal na din pala yun. Tumaba daw siya kakamaneho ng kotse. Kaya daw ngayn, nagba-bus na siya ulit para daw may exercise. Kaya heto, muling nagkrus ang aming mga landas sa bus stop kung saan kami unang nagkita.
Chura ni ate. Unang bungad sa akin kanina- “Hey how are you? Oh, I like your skin!” Napa “Oh, you too!” na lang ako eh. “I never looked at your skin this close. Do you wear make up?” Sabay akmang hahawak sa mukha ko. Ako naman napailag bigla. Sabi ko no. Sasabihin ko sanang nagpupulbos ako bago umalis ng bahay para di ako malangis pero di ko na sinabi. Haha.
Salamat sa walang maliw na paghampas niya sa hitya ko, medyo natauhan naman ako. Para bang, shets na malagkets anon a nangyayari sa buhay ko? Kilos Sam! Kilos! Napakarami mo pang mga pangarap at dapat gawin sa buhay. Dapat kumilos para sa pagbabago. Kilos Sam. Wag na mag-inarte. Sunggaban na ang nasa harap anupaman ang itsura. Wooooooooooooooooooh.

mabuhay si lady s! hahahahahhaa