Samjuan’s NPA (no permanent address)

Nakakapagod mag-impake. Pero bagama’t mas marami kaming mga gamit ngayon na inimpake at binitbit, parang mas napagod ako mag-impake noong naglipat kami ng apartment halos isnag taon na ang nakakaraan. Siguro dahil labag sa loob kong lumipat noon. Siguro dahil mas mahal yung renta ng lilipatan namin (700 lang noon tapos sa lilipatan eh 850 na kada buwan). Siguro dahil panibagong mga pagsubok na naman at kailangan na namang mag-adjust at kumawala sa nakasanayan ko nang comfort zones.

Nakakapagod mag-ayos. At mas nakakapagod mag-ayos kapag may kasama kayong iba ulit sa bahay. Yes, May housemate kami ulit. Isang Pinay na nakilala ng tatay ko sa pagsakay-sakay niya sa bus. Tawagin natin siyang ate Lordina. Mabait naman si ate, kay alang andami niyang mga gamit na mabibigat, nagdesisyon ang tatay ko na makisama sa ibang tao para mahati ang renta ng bahay na 1100 dolyares  kada buwan.

Ika-anim na lipat ko na ng tirahan dito sa Amerika.

Lumipat kami noon dahil sa trabaho. Lumipat kami para magkaroon ng sariling space. Lumipat kami noon para magkaroon ng peace of mind, lumipat kami noon  para makaiwas sa peligro, lumipat kami nito lang para makatakas sa mga ipis sa buhay namin.

Ibang klase naman kasi mga ipis ditto sa Amerika. Mga mutants! PInatay mo na’t lahat mabubuhay pa ulit. Inisprayan mo na ng baygon at raid, wala lang. Hinahabol mo na ng pamalo, kebs. Magmamabagal pa sila na tipong, “ohhkeeey, mabubuhay kami ulit at dadami pa lalo! Churaneto!”.

Kahit gaano ang linis mo ng bahay araw-araw, ala pa din, Sadyag ambilis magparami ng mga mutant ipis dito sa Tate. Sa inalisan namingapartment andami na din kasing mga gumugulo sa amin. Mga kapitbahay na usisero pati na mga mapanlokong kana at kano at Pinay,

Sana maging matiwasay agn pansamantala naming pagtira sa bagoong nalipatan.

3 Responses to “Samjuan’s NPA (no permanent address)”


  • mukhang parehas pala tayo na ginawa ng hobby ang paglipat bahay.. hahahaha
    kumustahin naman ang kaibigan mong ipis…hahaha talagang pinamumukha nila saung teritoryo nila yan at nauna sila kaya magtiyaga kang makita silang pakalat-kalat ebriwer.. hahaha

    namiss ko tong pahina mo!

  • baka panahon na para palitan ang metaphor. ang mga ipis daw, kapag nagkaron ng holocaust, lamang ang matitira sa mundo. kaya para magkaroon ng kamatayan ang mga pumepeste sa buhay natin, baka ang kailangang gawin ay palitan ang metaphor, at least.

Leave a Reply