Monthly Archive for April, 2010

How do i get you alone?

Sa pagdaan ng maghapon, unti-unting namuo yung lungkot sa akin. Eto yung tipo ng lungkot na nararamdaman mo kapag may isang mahalagang tao o bagay na alam mong mawawalay o mapapalayo sa iyo. Alam mo yun pakiramdam na kapag may nakasanayan ka nang gawain o bagay tapos biglang mawawalasa iyo eh bigla kang susuntukin ng lungkot, ganun ang nararamdaman ko. Eto yung tipo ng lungkot na marahil nag-uugat sa matinding pagka-miss sa isang tao. Tanda ko naramdaman ko ito dati noong minsang umuwi saglit ang nanay ko sa Pinas tapos umalis din pagkaraan ng ilang araw. Kahit na alam kong sanay na naman ako na magkalayo kami, kahit na alam kong dapat eh di ako nga-iinarte, kahit na alam ko sa sarili kong di ako dapat nalulungkot kasi may mga magagandang bagay naman na idudulot ang pag-alis ng nanay, eh nalulungkot pa din ako. Alam mo yung lungkot na kahit na alam mong di naman talaga mapuputol ang koneksiyon niyo pero alam mong sobra mo siyang mami-miss dahil alam mong (bagamat magkalayo na kayo) lalo pa siyang lalayo ng milya milya mula sa iyo- ganun ang nararamdaman ko ngayon.

Continue reading ‘How do i get you alone?’

one day isang araw

Ilang beses na namang nasira sa ilalim ng lupa ang tren ngayong linggo. Kaya naman kahit magmaaga ako ng pasok, nale-late pa din ako.

Nakakaburat lang na sa maikling panahon nang pagsakay ko sa tren, napansin kong napakabilis dumami ng mga taong anlalakas ng toyo. Kung dati ay nakakatulog ako madalas ng matiwasay sa byahe, ngayon andaming barubal na walang magawa kundi mambasag ng trip. Kahit na di mo sila pinapakialaman sa mga kalokohang ginagawa nila, andiyang may kakanta kanta kahit napaka-sabog ng kinakanta, andiyang may baliw na sigaw ng sigaw andiyang may magdadasal bigla, andiyang may maghuhubo na lang, andiyang may magsisisigaw na inaapi sila kahit ala namang kausap, andiyang may magmumumura na lang basta basta at madmai pang ibang uri ng mga taong may samut-saring karakter.

Continue reading ‘one day isang araw’

Time to wake up

Nakakaburat talaga yung pakiramdam na parang wala kang pahinga. Di ka makapag-blog, di ka makagala, di ka makagawa ng madami pang mga bagay na gusto mong gawin. Kumusta naman ang oras sa bansang ito. Kundi nagmamadamot eh hahamunin ka palagi ng karera.

***

Kagabi may mga nagpaulan ng bala sa may kalsada malapit sa kwarto naming magkapatid. Halos walang tigil yung putukan nang humigit kumulang sampung minuto. Siyempre kaming pamilya eh nag-panic naman sa mga ligaw na bala. Nung humupa yung putukan akala ko makakapahinga na ako but wait, there’s more. Naglabasan ang mga kapulisan with all the wangwangs ang the choppers.Ang exciting hano? Nakakaloko lang dito sa bansang ito na akala mo ligtas. Nakakaloko kasi bawat araw na lumilipas, mapagtatanto mong di malayong magkatotoo sa paligid mo yung mga napapanood mongmga basta basta namamaril na mga kano sa TV at pelikula. Mas nakakatakot pa kasi sobrang halo-halo ang mga tao dito. Iba’t ibang lahi, iba’t ibang kultura, iba’t ibang takbo ng pag-iisip kaya mahirap mapalaman kung papaano mo titimplahin ang paligid. Sabi nga ni itay noon, wag kayong mag-relax masyado. Sa bansang ito, bawal ang sobrang petiks.