Nakakaburat pa din palang tumayo ng mahigit dalawang oras nang walang ginagawa kundi magbantay ng mga kargador na ngbubuhat at nag-aayos ng mga shipments. Akala ko sanay na ako sa ganito. Hindi pa pala.
Habang nakatayo dito sa labas ng opisina kung saan walang maliw ang pagpatak ng ambon, di ko maiwasang mag-isip ng mga bagay kung papaano ako mapapasayus dito sa bansang ito. Kanina kasi sa TV may mayroon na namang nagdeklara na susuyurin daw niya at ipapahuli ang mga taong walang papel. Katakot lang.
Kailangang umayos na agad.
************
Bakit kaya kahit umuulan na dito eh di pa din nagpapayong yung mga tao?
************
Kaninang umaga sa balita, may iniulat na babaeng basta na lang hinintuan at pinagsasaksak habang tumatawid ng kalsada.Wow.Napaka-safe talaga ng bansang ito.
Ingat mga kabayan.

sabi nga nila na my kautusan daw jan sa arizona na anytime ay puedeng icheck ang sinumang tao sa daan. kung wala kang papeles na dala, sorry na lang at dun ka sa kulungan. ang mahirap pa dito, halos magkamukha ang mga mehikano at ang pilipino.. so ingat ingat lang and laging dalin ang mga kaukulang dokumento…