Sam things

Gusto kong manood ng opera, yung 4 parts na 17 hours opera ni Richard Wagner na pinamagatang: “Der Ring des Nibelungen (The Ring of the Nibelun)” kaso napakamahal ng ticket tapos pang-susyal pa masyado. Kelangan naka tuxedo ka. Bawal maong. Nampucha, Con todo postura ang moda. NAeexcite ako sa mga bagay na may kinalaman sa sining kaso madalas eh nakakalungkot lang din yung pagkabigo na nararamdaman ko kapag yung gusto kong makita, magawa o mapanood eh hindi ko pa magawa ngayon.

Gusto ko ding manood ng Film Festivals dito kaso, bukod sa medyo may kamahalan ang buong festival package (oo na, pwedeng mag-tingi tingi ng ticket kaso gusto ko makapanood kundi man lahat eh halos lahat ng pelikulang kalahok) eh wala akong makakasama manood. Wala naman kasing malapit na kaibigan dito na pwedeng makasama at may hilig sa mga pelikula na gaya ko.

Gusto ko din magpapanood ng concerts, pero yun nga, medyo mahal at naiisip ko kapag bibili ako ng ticket, shet saying. Baka may mapaglaanan pa akong mas mahalaga nito sa hinaharap.

Sa bansang ito, madmai akonggusto. Madami naman sa mga gusto ko eh nakamit ko na. Pero napakarami pa din akong gustong makita, makuha, mapanood at maranasan. Sa bansang ito, lahat naman possible basta may pera ka. So kung may ipon ka, pwede mo namang panoorin ang mga gusto mo , pwede mong kainin ang mga gusto mo at pwede mo maranasan kahit ano basta may pera ka. Putanginang pera yan! Haha. Sana mayaman na lang ako talaga.

Ang siste eh, nasa prioritization din kasi ng mga bagay bagay eh. Kaya ayun, tamang repression mode muna habang kumakayod.

3 Responses to “Sam things”


  • Tama… Pero minsan bigyan din ang sarili ng halaga… Don’t deprive yourself with the things or pleasure na gusto mo makuha at maranasan. Life is too short to end up with regrets.

  • mag-ipon ng bonggang-bongga para pag madami ka nang ipon pwede ka ng bumalik at Pilipinas at sagot ko ticket mo sa cinemalaya. lol

  • hindi mo kailangan magsuot ng tuxedo to watch opera, basta desente and susot mo, naenjoy ko ng husto ang opera performances dito sa SF, $10.00 SRO, medyo pinalad kami dahil we can request for free tickets. paulit ulit kong pinanood yong La Boheme, Mdme Butterfly at hinihintay ko uli ipalabas ang Turandot. kakaiba kesa sa movies. research mo yon mga website nila, minsan they do give away tickets, here in SF they even show it simulcast sa AT&T park for free

Leave a Reply