Habang nakapila papunta sa entablado para tanggapin ang mga ribbon at medalya, nagrerebolusyon ang utak at puso ko sag alit dahil sa lahat ng mga katangi-tanging mga batang tatanggap ng parangal noong ar aw na iyon, ako lang ang nag-iisa na wala man lang magulang o kamag-anak.
Grade 4 ako noon. Recognition day, isa sa mga mahahalagang araw sa buhay ko kung saan inaasahan kong may mga malapit na kapamilya at kapusong magsasabit ng medlaya at magkakabit ng ribbons sa akin pero wala eh, busy sila. Si Inay nasa Disyerto sa gitnang silangan, Si Itay naman may pasok, mag tito at tita? May pasok din at sa malayo sila nakatira. At dahil di pa marunong magpanggap ang mura kong kaisipan at damdamin noon, hindi ko naitago ang inis at pagtatampo ko sa mgataong dapat sana eh nandoon sa isa sa mga mahahalagang araw sa buhay ko.
Di ko nga alam isasagot ko noon sa adviser ko nung tinanong niya kung sino ang kasama kong aakyat sa entablado eh. Napayuko na lang ako. Di na siya nagsalita at sinamahan na lang ako sa stage. Sabagay, default nanay angmga adviser noong elementary, Siya nagsabit ng mga ribbons at medalya ko noon. Habang sinasabitan niya ako at habang kinukuhanan ako nglarawan ng mga manong photographers, hirap na hirap akong ngumiti, pramis. Kung maipapakita ko nga lang yung mag pictures ko noon, kundi nakayuko, nakatingin sa gilid, eh nakasimangot ako. Naiiyak kasi ako noon.
Ansama lang sa pakiramdam na alam mong mas madami pang mga bagay na mas mahalaga kaysa sa iyo at kaya kang isantabi lang ng basta basta. Halo-halonggalit at slight na pagkamuhi ang nararamdaman ko noon sa mga magulang ko. Bagama’t alam kong kailangan nilang magtrabaho, bagama’t alam kong mas madami pang mga bagay na importante para sa akin at kailangan ko silang intindihin, nasaktan ako noon kasi tagos puso kong naramdaman kung papaano ma- take for granted kahit pa sabihin nilang sa maliit na bagay lang yun.
2nd honor ata ako noong grade 4.
Lagi naman ata akong 2nd honor lang sa madaming mga bagay. (yun yun eh! Hahaha)
Nitong nakaraang mga araw, muntiiiiiiiiiiiiiiik ko na naman maramdaman yung parang nauubusan ka ng hininga tapos nag-iinit yung pakiramdam mo sa inis na parang may kung anong kumukulo sa kaloob-looban mo na kapag di mo nailabas eh sasabog na lang basta. Muntik ko na namang maranasan yung pagkakaroon ng mga mala-munggong butil ng luha sa gilid ng mata. Muntik ko na namang maranasan yung pagkamuhi na nagmumula sa di ko mawaring lugar. muntik ko na namang maibuhos ang galit ko sa hangin. Buti na lang medyo mature mature-an na tayo at kaya nang pigilin at kontrolin ang emosyon at kaya na ding intindihin ang mga bagay-bagay.
“Gagu! Helowwwww! Hindi umiikot ang mundo sa’yo!” sigaw ng konsensiya ko.
Salamat sa champaigne at sa fresh blueberries at sa avatar na pelikula, mabilis akong nakapag-move on sa aking emotional dilemma.
Back to grade 4 recognition.
Nung tapos na ang program, nakahabol si Mamang (lola mula sa prubinsya.) Thankful ako, pero naiiyak pa din ako sag alit, inis at pagtatampo. May larawan kaming dalawa pero nakasimangot ako at di nakalingon sa camera.

0 Response to “2nd honor”