Hindi pa-susyal na agnes ang title ng post na ito ah. (oo na, korni na. pagpasensiyahan na ang lutang).
Kanina may matandang babae na lumapit sa akin. May dala siyang notebook. Tinanong niya kung anak daw ako ni Takeshi Kaneshiro. Joke lang. Sabi niya: “Are you Japanese?” Sabi ko “No, I am a Filipino.” Mga 6 seconds na ahhh ang sagot niya. May ipapatranslate daw sana siya sa akin na Japanese text na nakasulat sa notebook niya sa Ingles. Kung ano ano pa sinasabi niya na di ko masyadong naintindihan kasi malakas pa din yung Hapon accent niya. Oo na lang ako ng oo. Nakatulog ako agad sa tren pagkasakay namin kaninang umaga.
****
Ang aga aga kanina sinalubong ako ng amoy ng patay na daga sa bus. Siyempr enagpalipat-lipat ako ng upuan nang makaiwas sa alingasaw. But nooooooooooo! Yung katabi ko naman walangpakundangan magpasabog ng utot, Hay. Lagi na lang nagagahasa ang ilong ko ng mga amoy dito sa parteng ito ng Amerika. Sakit sa ulo.
****
Nahihilo ako ngayon. 5:16 ng hapon. Nasa opisina pa ako pero tinatamad akong magtrabaho. Nakakapagod mag-isip kung papaano ako aayus sa punyetangbansang ‘to. Kelangang may mangyari this year.

Eh kase naman singkit-singkitan ka..poppin..poppin
Grabeh! Sa airconditioned bus pa nagpakawala ng utot +_+
kaya sumakit ang ulo mo eh dahil sa umaalingasaw na bango na nasamyo ng iyong ilong sa bus… hahahaha