Nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko parang bumalik ako noong ara wna kasama ko si Hilda sa may mga upuan malapit sa Palma Hall sa UP Diliman habang kumakain kami ng isaw at pinag-uusapan ang mga maaring mangyari sa buhay namin. Bukambibig ni Hilda ang paghahanap ng trabaho, posibleng lablayp at ang kanyang graduation. Ako naman eh ang posibilidad ng bagong panimula sa kahit anong kaganapan na maaring mangyari sa akin noon- ang magpuntang Amerika o magpaiwan sa Pinas.
Kung magpapaiwan ako sa Pinas, since wala naman kaming kahit anong ari-arian at wala pa naman akong matinong trabaho noon, tiyak na back to basics ang moda. Kesyo ano ka pa nung kolehiyo, pagkagraduate mo, babalik at babalik ka pa din ilalim ng food chain. Sa kabilang banda, kung mag-a Amerika naman ako, sure manure, isang tiyak na start from scratch ang mangyayari. Wala kaming direktang kamag-anak dito, walang trabaho, at walang kaperahan. Mapapa kamon mamon ka sa saya! Nakngteteng na yan!
Gaya nga ng nabanggit ko, nitong mga nakaraang araw eh para akong iniwang lasing sa gitna ng freeway. Nakakahilo, na nakakalito na nakakatakot na para bang isang maling hakbang mo eh madededs ka at masasagasaan ng mga rumaragasang agos ng mga pangyayari sa buhay. Muntik na akong makapagpakasal sa 50 anyos na babae. Muntik lang. Tsaka na ang kwento. Ang goal ko ngayon, makaipon ng sampung libong dolyares para maisakatuparan ang plano kong mapasaayus dito agad.
—-
Isang pinagpalang linggo nag sumainyo kabayan.
*Si Hilda ay isang malapit na kaibigan noong kolehiyo na mahilig sa chicken mami

hala.. haha natawa at nagulat naman ako dun… naku pag-isipan mo mabuti… but if there’s really no choice.. hehe go!!!
Goodluck, bakit ka magpapakasal sa 50 anyos? hmmm i got it na..lol – teka blog of the month etong samjuan, check it here http;//southomer.com
so 10k pala ang magpa ayos ng papel, pero mahirap pa din lalo na kung hindi pa naman sure na maaayos ung mga papeles mo..sayang ang pera. ingat ingat lang!! dasal dasal ^_^