Holiday noong isang araw. Yehey at walang pasok. Pinagdiriwang kasi ng mga kano yung mga “kagitingan” at “katapangan” ng mga kababayan nilang isinabak nila sa gera nila kung saan-saan. Para bang ara wng mga bayani o ara wng kagitingan sa atin, ganun. Anyways, kaming mag-anak (ako, si itay at si kapatid ko) eh nanood ng prince of Persia na puno ng characters in british accent. Masaya naman ang naging lakad namin at nabusog sa Mexican resto na kinainan namin ng tanghalian kahit na di masyadong masarap ang pagkain.
Dapat pag-uusapan namin kung papaano kami magsusurvive sa bansang ito sa mga susunod na araw eh, kaso nabusog kami ng sobra at nakatulog pagkatapos. Pagdating ng hapon, kailangan na ulit pumasok ni itay sa alaga niyang laitero at palamura. Sa weekend na lang siguro kami ulit makakapag-usap ng matino. Ang buhay nga naman sa bansang ito. Sa byahe pa lang ubos na oras mo. Mga tao onti lang ang panahon sa isa’t-isa kakatrabaho. Yung iba sa gabi na lang o umaga nagkikita-kita at madalas eh wala pa ding panahon na mag-hi o mag-hello o mag-good morning. Ganun talaga. Yung mga gustong kmakapag-ipon at mag-survive dito at yung madaming mga responsibilidad at bayarin eh talagang kayod marino. Wala lang. kaya nag habang may panahon para maging memorable ang araw naming magpapamilya eh talaganfg ginagawan naming ng paraan. Manghihinayag a pa bas a 50$ na gagatusin mo pag lalabas kayong mag-anak? Malamang isasagot ni itay: “Sige nga, titigan mo yang singkwenta mo kung maipapasyal ka niya, mabubusog at mapapasaya?!”

0 Response to “memorial”