Humakbang mula sa pakikialam tungo sa pakikilahok. Dahil ang nakikialam, walang-hanggan ang reklamo. Ang nakikilahok, nakikibahagi sa solusyon.
Napakatagal na pong namamayani ang pananaw na ang susi sa asenso ay ang intindihin ang sarili kaysa intindihin ang kapwa. Malinaw po sa akin: paano tayo aasenso habang nilalamangan ang kapwa?Continue reading ‘State of the Nation Address of His Excellency Benigno S. Aquino III’
Monthly Archive for July, 2010
Kung magrereklamo na naman ako at aangal kung gaano kawalang sistema at con todo utusero ang mga tao sa bodegasina eh wala din naman akong mapapala. Kahit madalas ay malapit na akong mapuno sa inis kapag ginagawa nila akong tanga at inuutusan nang sabay sabay kahit na alam nilang may ginagawa pa ako eh babalik at babalik pa din ako sa katotohanan ng aking mga pangangailangan- na wala akong karapatang magreklamo at maginarte ngayon dahil ang trabaho ko ang pangunahing source ng aming income. Continue reading ‘Haaaayy’
Eto yung taon kung saan nalimutan naming magkapatid ang kaarawan ni itay. Teka. Ulit.
Eto yung taon na nalimutan naming magkapatid na ipagdiwang ang kaarawan ni itay. Chura ng kapatid kong babae. Alam naman pala nyang kaarawan ni itay noong nakaraang linggo pero di ako pinaalalahanan. Medyo moody kasi si itay lately at ang nagmamaganda ko namang kapatid ay pasaway palagi kaya ayun, kahit noong araw ng kaarawan ni itay eh di sila nagpapansinan.
Ako naman pagudpaguran last week.vIkaw na magkargador buong linggo. Anyways, ito din ang gabi kung kailan binilhan ng boypren ng kapatid ko ng chocolate cake galing red ribbon si itay. Masarap naman yung cake. Ako una tumikim e. Nagiinarte pa sila. Si kapatid di maibigay kay itay. Si itay tampu-tampuhan naman ang moda.
At ayun nga, dahil sa sobrang kapaguran nagka-amnesia ata ako bigla. Katakot talaga sa bansang ‘to.
Di bale nang madaming ginagawa kesa tumunganga ng mahigit apat na oras sa pagbabantay sa mga kargador na naglilikas ng mga kahon kahong paninda namin. Nakakatanga kayang tumunganga. Takteng yan. Pwdede naman nilang isara yung gate ng compound. Wala naman sigurong gagong magtatangkang magbuhat at magnakaw ng 20kilo na kahon palabas sa mataas na gate. Lalo pa at bilad na bilad na sila sa araw at pagod na pagod. May toyo lang talaga tong mga amo ko eh. Walang matinong plano at organization kahit kelan. Hayayay. Haha. Kundi lang talaga dahil sa pera. Well ok na din naman ngayon kumpara kahapon na nagbuhat ako ng humigit kumulang 500 na mga kahon para isampa sa 18wheeler truck na magdadala ng shipment namin. Aba napahubad ako ng tshirt kahapon dahil tagaktak ang pawis ko hanggang sa kasingit singitan ng katawan ko. Pero gaya nga ng sinasabi ko noon pa sa sarili ko- bawal mag inarte sa bansang ito. Lalo ngayon at walang trabaho si itay. Di bale nang madaming ginagawa kesa walang pera at nakatunganga.
Putang ina lang. Lahat na lang ng lugar na pinupuntahan niya minamarkahan niya. Kahit wala na siya, naiiwan at naiiwang nagpaparamdam ang nangangalabit at madalas nangungurot ang kaniyang amoy. Masahol pa sa nahinog na bulok na bayabas na pinahiran ng panis na spaghetti galing karinderya na may nabulok na pinaglagaang sabaw ng lucky me pancit canton at panis na tuna na nakulob sa naiwang baunan sa dorm ng buong sembreak ang amoy niya. Bwakanang kilikili yan. Hayup lang sa pagka-territorial itong tamad na pinsan ni boss. Para siyang lobo (wolf) eh. Continue reading ‘Mag-ingat sa taong lobo’
Tangnang gala yan. Saglit lang naman yung lindol pero andami atang naalog nang husto yung utak dito.
Una-
Sa bus na sinakyan ko papuntang subway.
May lasing na sumakay. May mga barya siyang dala tas hinulog sa sahig. Pagewang gewang siyang naglalakad lakad sa bus habang nanggugulo ng mga pasahero.Yung gagong manong hinimas himas pa yung ulo ko.Takte siya. Akala ko nasagi lang eh. But noooo.Hinimas nya talaga yung ulo ko. At humimas pa. at humirit pa ng isa. Pasalamat siya di mainit ang ulo ng kalbo. Tapos umupo siya sa upuan sa harap ko sabay harap sakin.Tinititigan nya ako. Nakashades ako ng maitim kaya wala siyang makikita sakin.Nung mapansin ata na wala akong pakialam sa kanya dumura si gago. Buti nakailag ako. Pasalamat siya mapagtimpi ako. Gagong yun.
Pangalawa-
Pagbaba ko ng bus.
May nakasalubong akong aleng di naman katandaan. Maayus ang itsura. Pagkatapat na pagkatapat niya sa amin ni Hagrid opismate, biglang nagsisigaw at nagtitili. Ampocha. As in yung parang kina-cactus ang ano nya. Ganun ang pagkatili nya.
Pangatlo-
Ilang klakad after kay ateng tumitili.
May manang na madungis na nanghaharang ng mga tao na parang taya sa patintero.
Pang-apat-
Sa subway train pauwi na.
Kumusta naman na yung nakatabi kong lalaki na amoy pawis at araw eh may kinakausap sa… mga palad niya.
Naho-homesick ako. Alam mo yung pakiramdam na para kang magkakasakit kapag bigla kang nawalay sa lugar kung saan andoon ang puso mo, sa lugar kung saan ka komportable, sa lugar kung saan ka payapa, sa lugar na itinuturing mong tahanan. nanlalambot pa din ako at medyo inaatake ng hilo. Para kang nakikipagjugjugan tapos bigla kang manlalambot kasi andaming biglang mga tumatakbo sa isip mo tapos parang di mo na alam gagawin mo pagkatapos. Lutang lang ampotek.
Alam ko mawawala din ito.pero sana sa lalong madaling panahon.kailangan kong mag-focus sa mga dapat kong gawing mga bagay.

SamComments