Di bale nang madaming ginagawa

Di bale nang madaming ginagawa kesa tumunganga ng mahigit apat na oras sa pagbabantay sa mga kargador na naglilikas ng mga kahon kahong paninda namin. Nakakatanga kayang tumunganga. Takteng yan. Pwdede naman nilang isara yung gate ng compound. Wala naman sigurong gagong magtatangkang magbuhat at magnakaw ng 20kilo na kahon palabas sa mataas na gate. Lalo pa at bilad na bilad na sila sa araw at pagod na pagod. May toyo lang talaga tong mga amo ko eh. Walang matinong plano at organization kahit kelan. Hayayay. Haha. Kundi lang talaga dahil sa pera. Well ok na din naman ngayon kumpara kahapon na nagbuhat ako ng humigit kumulang 500 na mga kahon para isampa sa 18wheeler truck na magdadala ng shipment namin. Aba napahubad ako ng tshirt kahapon dahil tagaktak ang pawis ko hanggang sa kasingit singitan ng katawan ko. Pero gaya nga ng sinasabi ko noon pa sa sarili ko- bawal mag inarte sa bansang ito. Lalo ngayon at walang trabaho si itay. Di bale nang madaming ginagawa kesa walang pera at nakatunganga.

2 Responses to “Di bale nang madaming ginagawa”


  • kahit ano pa ang trabaho mo, basta desente, hindi ka nag nanakaw, aba eh, pambayad din yan ng upa, padala sa pinas, pang beer after a hard day’s work. Enjoy the fruits of your labor, ika nga.Init din dito sa France, grabeh!while sa Pinas, bagyo!!! salamat sa comments sa blog ko. Napatawa kita kahit pagod sa work.

Leave a Reply