Kung magrereklamo na naman ako at aangal kung gaano kawalang sistema at con todo utusero ang mga tao sa bodegasina eh wala din naman akong mapapala. Kahit madalas ay malapit na akong mapuno sa inis kapag ginagawa nila akong tanga at inuutusan nang sabay sabay kahit na alam nilang may ginagawa pa ako eh babalik at babalik pa din ako sa katotohanan ng aking mga pangangailangan- na wala akong karapatang magreklamo at maginarte ngayon dahil ang trabaho ko ang pangunahing source ng aming income. Hay. Kung may trabaho lang si itay at kung may kusa sanang tumulong yung kapatid ko eh di mas ok sana. Hayyyy. Ansarap lang minsan mag haaaayyy. Kahit papano nakakagaan na din ng loob. Kahit papano nailalabas mo kahit sa hangin man lang yung pakiramdam na wala kang kapangyarihan at kontrol sa buhay mo. Haayy.
Dighayyyy.
*busog pala eh no? hahaha

at least busog. hehe.