Mag-ingat sa taong lobo

Putang ina lang. Lahat na lang ng lugar na pinupuntahan niya minamarkahan niya. Kahit wala na siya, naiiwan at naiiwang nagpaparamdam ang nangangalabit at madalas nangungurot ang kaniyang amoy. Masahol pa sa nahinog na bulok na bayabas na pinahiran ng panis na spaghetti galing karinderya na may nabulok na pinaglagaang sabaw ng lucky me pancit canton at panis na tuna na nakulob sa naiwang baunan sa dorm ng buong sembreak ang amoy niya. Bwakanang kilikili yan. Hayup lang sa pagka-territorial itong tamad na pinsan ni boss. Para siyang lobo (wolf) eh.

Nangangagat, nananakot at nananakop ng teritoryo ang amoy.Ibang klaseng putok to mga kabayan. Diyos na mahabagin patawarin nyo na ako sa mga sala ko. Anak ng teteng naman sa putok tong hayup na tamad na to e. Di na nga sya nabibilad ngayon dito sa araw at nakatunganga lang sa loob namamaho pa siya. Potek syang taong lobo siya. Anlakas niya pumutok. Kaya mag-ingat tayo sa taong lobo. Pumuputok.

2 Responses to “Mag-ingat sa taong lobo”


  • Regaluhan mo ng tawas mula sa pinas, lol!
    or style ko dyan, i spray ng air freshener, sa office, and more spray sa area niya,yung me putok area, kamo, hindi mo alam saan galing ang amoy, baka kamo ikaw, sabay spray sa kilikili mo, kunwari lang ba, at baka matarget niya na pinatatamaan mo siya, isesante ka,ehehehe.
    Tiis lang sa work.All the best!

Leave a Reply