Sa digmaang ito ang nabansagang tanga ang aabante sa linya. Sapagkat natutunan nang pahalagahan ang mga karapat-dapat paglaanan ng mga luha, bawat hakbang,bawat salita, bawat pakikisalamuha ng puso ay sisiguruhing patungo sa ikapapayapa ng pagkatao. Sa digmaang ito, mas malaki ang lamang ng kalmado. Sa digmaang ito, ang puso ay di basta basta bibigay nang walang laban. Sa digmaang ito-ang rurok ng tagumpay ay hindi matatamo sa pagkapanalo kundi sa pagkakamit ng kapayapaan at kalayaan mula sa mapanakop at mapag-imbot na pagkatao ng pag-ibig.
Monthly Archive for August, 2010
[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=BRxrF-iSfjQ[/youtube]
Kung ako ang ating pambatong kabayan na si Maria Venus Raj, at kung ako naman yung sasagot ng tanong na natapat sa kanya, ang maaari kong isagot ay:
“Sa punto pong ito ng buhay ko, natutukso man akong baguhin ang maraming bahagi ng aking buhay, ang pag-iwan ng tatay ko sa akin, ang aming kahirapan, (punas ng mata kunwari naluluha) nakatira po kami sa bahay kubo kasama ng nanay ko at mga kapatid ko, at ang mga paghihirap na pinagdaanan ko makatungtong lang sa patimpalak na ito at marami pa pong iba. Madami akong gustong baguhin ng bonggang bongga noon pa. Pero po sa pagkakataong ito, kasama ng lahat ng mga biyayang natanggap ko, wala na po siguro akong babaguhin. Sapagka’t ang lahat ng mga pagkakamali at pangyayari sa buhay ko mula noon ay parte ng kung ano ako ngayon. Maraming salamat po. (ngiti at kaway) (moment na ng interpreter).”
Dumadagsa talaga ang tulong at suporta ng mga taong nagmamahal sa iyo sa mga panahong hindi mo inaasahan.
Sabi nga sa Lord of the Rings ni J.R.R. Tolkien, “You can find courage in the most unlikely places.”
Kakapanood lang namin ng coverage ng holdapan sa Maynila kanina sa GMA Pinoy TV at sa TFC. HAla kumusta naman at parang nagkekwentuhang magkapitbahay lang sina Mike Enriquez at Mel tiangco sa phone. Haha. Medyo nagiging komedya tuloy yung coverage.
Nakakapanghina yung naganap. Madaming kashungaan sa panig ng media, kinauukulan, at ng mga mamamayan sa paligid pero sino ba naman ako para pumuna diba?
Kekwento ko na lang yung mga sinabi ni Itay na points gaya ng pagbabarikada sana o yung pagpeperimeter sa area at yung Di sana pagpoprovoke sa holdaper na mainis (halimbawa: yung pagpapakit ang paghuli at pananakit sa kapatid niyang pulis) at paggamit sana ng pamilya niya bilang pampalambot ng puso niya. Sana daw eh di nagtapon ng mga tear gas sa may sasakyan gayong may mag tao pa. Sana gumamit din ng chopper para sa monitoring. Angggulo eh. Continue reading ‘KSP’
Naiinggit ako kina Tonee at sa kasa kasama niyang karelasyon. Mahigit sampung taon na kasi silang nagsasama at going stronger pa din sila. Pareho silang lalaki. Nakakatuwang isipin na sa panahon ngayon, may mangilan ngilan pa ding mga nilalang na marunong manindigan at mag-commit sa isang relasyon. Yun bang mga taong naiintindihan ang kahulugan ng salitang commitment.
Ako kasi kapag nag-commit ako sa isang bagay, tao o relasyon, talagang nakatuon ako nang mabuti na kulang na lang gumawa ako ng bagong mundo para lang sa bagay, tao, o relasyon na aking pinasok. Eh sa ganun ako eh. Bago ko pasukin at bago ako mag-commit sisiguruhin ko muna kung klaya ko ba at kung kaya ko bang panindigan, ganun ba. Nang di naman ako manlalaglag kalagitnaan kunsaka-sakali hehe. Continue reading ‘Pag-asa at paasa’
Sa gitna ng napakaraming dadaan at dadaan sa buhay natin, di maiiwasang makatagpo ka ng isa o ilang mga taong iiwan ka sa panahong kailangang kailangan mo sila. Sa pagkakataong ito, hindi luha at panghihinayang ang dapat na mamayani sa ating pagkatao, bagkus, dapat pa nga tayong magpakatatag at at mas maging matapang sa patuloy na pagharap sa mga inihahaing mga pagsubok ng buhay. Cheers sa mag kapw ako Pinoy na patuloy na lumalaban sa mga tsunami ng buhay! Mabuhay kayo!
Rewind ilang dekada mula ngayon sa provincial national highschool sa Nueva Ecija kung saan may mga singkwentang estudyante sa isang silid-aralan. Sa abndang likuran nakaupo si Itay. Bahagya na siyang papatulog dahil sa init at ingay sa klase nang bigla siyang gisingin ng blackboard eraser na lumipad nang mabilis mula sa kamay ng kanyang nanggagalaiting guro.
Wala pang isnag segudo ang lumiupas, nilasap ng mukha ng guro yung blackboard eraser. Hinagis itong pabalik ni itay sa mukha niya. Tumahimik ang klase. Continue reading ‘in your face’
Ok na sana yung tulog ko sa tren eh. Guma- gnarls barkley pa ako. Tangina panira yung bumulaga sakin pagkamulat ko . Kumusta naman yung manong na naka shorts na di abot tuhod. Madungis siya at amoy araw at suka at pawis. Puti na mga buhok nya. Nakasuot siya ng coat na kulay malamyang binateng itlog. Yung coat nya parang pang majikero na puro ribbons na maliliit at sequins. Tapos eto ang pamatay. May kabayo sya sa ulo. Yes, mga kapatid. May laruang kabayo na madungis at malambot na pakyut na nakapatong s aulo niyia sheeeeht! Cute yung toy horse pero hindi kyut pag nakapatong sa ulo nya. Tangna lang. Gumigiling giling pa siya at nag po-pole dancing sa pole sa gitna ng tren habang kinikiskis dun yung pwet nya.
Ibang klase talaga mga tao dito!
1159 ng gabi. Bus stop sa Barstow. sa Hwy 15. 15min stop. Ilang oras pa bago ako makarating sa disyertong pagdarausang ng Miss Universe para kitain yung tanders na pwedeng magpakasal kay itay para makatulong sa pagsasaayos ng lagay nya dito. Putanginang gusto kong sumabog a la supernova. Bakit ba kasi napadpad pa kami sa putanginang bansang to eh? At bakit ngaun naman ako inuulan ng mga bulalakaw ng problema at mga bagay na kelangang solusyunan?
Why me??? Sumagot naman dw ang kalawakan- why not?!
Onga naman. Sino ba naman ako kundi pawang tinga lang sa kalingkingan ng ngipin ng sangkalawakan. Sinusumpa ko talaga pag naayos ako,kami dito,tangina. Aaaaaargh.

SamComments