[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=BRxrF-iSfjQ[/youtube]
Kung ako ang ating pambatong kabayan na si Maria Venus Raj, at kung ako naman yung sasagot ng tanong na natapat sa kanya, ang maaari kong isagot ay:
“Sa punto pong ito ng buhay ko, natutukso man akong baguhin ang maraming bahagi ng aking buhay, ang pag-iwan ng tatay ko sa akin, ang aming kahirapan, (punas ng mata kunwari naluluha) nakatira po kami sa bahay kubo kasama ng nanay ko at mga kapatid ko, at ang mga paghihirap na pinagdaanan ko makatungtong lang sa patimpalak na ito at marami pa pong iba. Madami akong gustong baguhin ng bonggang bongga noon pa. Pero po sa pagkakataong ito, kasama ng lahat ng mga biyayang natanggap ko, wala na po siguro akong babaguhin. Sapagka’t ang lahat ng mga pagkakamali at pangyayari sa buhay ko mula noon ay parte ng kung ano ako ngayon. Maraming salamat po. (ngiti at kaway) (moment na ng interpreter).”
Oha, magtatagalog ako para naman magka moment ang interpreter para sa atin. Di naman required mag-English.
Kung hindi ito mag wo-work eh magpapaturo ako ng swardspeak sa mag kapatid natin sa gay communities. Panalo yun diba? Gudluck sa interpreters at judges. Hahaha.
Pero since hindi naman ako si Venus, at since wala ako sa patimpalak na iyon at hindi ko naman alam ang pressure na nararamdaman niya sa kanyangkalooban, at since nasa bahay lang ako para mag-isip ng kung ano –ano gaya nito, eh wala akong karapatang humusga sa kanyang naging sagot sa nakaraang Miss Universe 2010 pageant.
Ang mahalaga, nailuklok niya ang Pinas sa top 5 at nabigyan tayo ng kahit papaano ng kolektibong pakiramdam ng tagumpay kahitna gaano pa ka-superficial ang pageants sa mata ng karamihan.
Congrats Venus! Crush kita. Sana magka pichur tayo sa hinaharap.
Tignan niyo na lang tong mga kabayan nating ito o, proud na proud at di maipinta ang kaligayahan nang masali si venus sa top 5! Tangina lang ang moment nila. Priceless! Wahaha!
[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=-HePTmrV-og&feature=player_embedded#![/youtube]
Isa pa, Di naman madali angnatapat na tanong sa kanya no. Tignan niyo ito, pati mga matataas na tao sa bansang ito eh hirap din sumagot sa tanong na natapat kay Venus. Oha? Oha?!
[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=TVGgtQR02WA&feature=player_embedded[/youtube]

Ang kulet ng reality video ng mga “kabaro”(?) mo, sam.
sabayan pa nila ng texting agad, hahahha.This video must be in tv patrol, natawa talaga ako,hahahhahha
Hello Kabayang Francesca!
Panalo lang diba?! haha
Pero wag nawa silang magalit. bagama’t di ako kabaro akonaman eh kabayan. Hahaha. Ang kulit lang.
ito ay isang sagot sa nangyaring kababalaghan sa bayan natin isang araw makalipas. at least, she makes us proud again.