in your face

Rewind ilang dekada mula ngayon sa provincial national highschool sa Nueva Ecija kung saan may mga singkwentang estudyante sa isang silid-aralan. Sa abndang likuran nakaupo si Itay. Bahagya na siyang papatulog dahil sa init at ingay sa klase nang bigla siyang gisingin ng blackboard eraser na lumipad nang mabilis mula sa kamay ng kanyang nanggagalaiting guro.

Wala pang isnag segudo ang lumiupas, nilasap ng mukha ng guro yung blackboard eraser. Hinagis itong pabalik ni itay sa mukha niya. Tumahimik ang klase.

Galit nag alit siyang nilapitan ng guro. Tumayo ang hayskul na si Itay at sinabi sa guro:

“nandito po kami para mag-aral at hindi para batuhion niyo ng pambura!”

Guro:

“bakit, may naintindihan k aba sa mga tinuturo ko? Sige, ipaliwanag mo nga ang…”

Itay:

“eh napakalayo naming sa blackboard paano naminyan maiintindihan? Sa tingin niyo nakakapag-aral kami ng mabuti dito?”

Na-challenge ang guro. Iniba ang kaayusan ng silid aralan at hinila ang de-gulong na blackboard sa gitna ng classroom sabay nagsimula muling magturo. Buong period puro si Itay lang ang tinatanong niya.

***

Napag-uapan naming ito ni itay kanina sa hapag habang napagkekwentuhan naming yung nakakalunos na lagay ng edukasyon sa Pinas lalo na sa mag prubinsiya. Yun bang kung wala daw mga corrupt na nilalang sa pamahalaan at yung mag dapat paglaanan ng pera ng bayan at mga pera para sa bayan eh napupunta talaga sa dapat paglaanan, magiging maayos talagang tiyak ang edukasyon sa Pilipinas.

4 Responses to “in your face”


  • so true!
    hanggat may mga corrupt na opisyal walang mangyayari.. walng patutunguhan.. walang magiging pagbabago.. or meron din palang pagbabago na makikita.. its either mas magiging malala o stagnant ang sitwasyon..
    the sad thing is, alam ng lahat yan.. kahit elemntary student nga alam ang bagay na yan aware sa ganyang sitwasyon ng pilipinas, un pa kayang mga nakaupo sa pwesto ang hindi makaalam, pero ano ang nangyayari? wala.. nagbublag-bulagan lang sila..
    hanggat walang kumikilos tungo sa pagbabago, mananatiling ganyan ang estado..

  • tama naman. kung sama sama na gagawin ang bagay na yan sa pilipinas ng kasalukuyang administrasyon at sa tulong ng taong bayan, magagawa at magagawa ang nais. sama samang pagtutulong lang ang kailangan.

Leave a Reply