Kakapanood lang namin ng coverage ng holdapan sa Maynila kanina sa GMA Pinoy TV at sa TFC. HAla kumusta naman at parang nagkekwentuhang magkapitbahay lang sina Mike Enriquez at Mel tiangco sa phone. Haha. Medyo nagiging komedya tuloy yung coverage.
Nakakapanghina yung naganap. Madaming kashungaan sa panig ng media, kinauukulan, at ng mga mamamayan sa paligid pero sino ba naman ako para pumuna diba?
Kekwento ko na lang yung mga sinabi ni Itay na points gaya ng pagbabarikada sana o yung pagpeperimeter sa area at yung Di sana pagpoprovoke sa holdaper na mainis (halimbawa: yung pagpapakit ang paghuli at pananakit sa kapatid niyang pulis) at paggamit sana ng pamilya niya bilang pampalambot ng puso niya. Sana daw eh di nagtapon ng mga tear gas sa may sasakyan gayong may mag tao pa. Sana gumamit din ng chopper para sa monitoring. Angggulo eh.
Nakakapanlumo lang. Pero gaya ng iba pang mga major na pangyayari ng bansa, pagkaraan ng ilang araw pustahan limot na naman ito ng marami sa ating mga kapwa kababayan. Nga pala, Petsa ngayon sa Pinas nung Maguindanao Massacre. Sana di tayo makalimot.
Hay kakapanlambot lang bat para sa akin eh ang pangyayring ito ay sumasalamin sa malakingbahagi ng lipunan natin. Bakit ba may nanghoholdap at bakit kaya siya nangholdap? Papansin? Di rin siguro. Well, sa panghoholdap kasi, yung holdaper, nakakakuha ng control, ng kapangyarihan, ng pera, at ng exposure. So may narsisismong anggulo din ito no? Haha. Pero ayun nga, siguro yung iba humahantong sa panghoholdap nang malakihang scale dahil malaks na ang tama ng pagkauhaw nial sa material na bagay, pera, kapoangyarihan o sa pansin, mga bagay na aminin na natin, di agad naibibigay ng lipunan sa Pilipinas.

0 Response to “KSP”