Pag-asa at paasa

 

Naiinggit ako kina Tonee at sa kasa kasama niyang karelasyon. Mahigit sampung taon na kasi silang nagsasama at going stronger pa din sila. Pareho silang lalaki. Nakakatuwang isipin na sa panahon ngayon, may mangilan ngilan pa ding mga nilalang na marunong manindigan at mag-commit sa isang relasyon. Yun bang mga taong naiintindihan ang kahulugan ng salitang commitment.

Ako kasi kapag nag-commit ako sa isang bagay, tao o relasyon, talagang nakatuon ako nang mabuti na kulang na lang gumawa ako ng bagong mundo para lang sa bagay, tao, o relasyon na aking pinasok. Eh sa ganun ako eh. Bago ko pasukin at bago ako mag-commit sisiguruhin ko muna kung klaya ko ba at kung kaya ko bang panindigan, ganun ba. Nang di naman ako manlalaglag kalagitnaan kunsaka-sakali hehe.

Ang mahalaga kung papasok sa anumang uri ng relasyon, eh magingmalinaw sa simula pa lang nang di na magkasakitan sa huli diba? Madalas kasi, dahil sa expectations, nagkakasamaan ng loob, nagkakasakitan, nagkakaroon ng di pagkakaintindihan.

Gaya halimbawa ng di naming pagkakaintindihan niItay tungkol sap era. Kaya naman pala kung makapagsalita siya klagi eh parang isa akong mayamang madamot na nilalang s abahay eh dahil ang alam niya napakalaki gn sinusweldo ko. Jusmio! Sabi daw kasi ni koya Pinoy na opismate ko eh mahigit 2500 dolyares ang sinusweldo ko kada buwan. Kumusta naman koya sinungaling ka? Eh di hamak na napakababa doon ang kita ko buwan buwan, ibawa mo pa ang mga bayarin sa renta ng bahaym kuryente, cable, internet, at iba pa. Dahil sa expectatkions ni Itay sa akin, ayun, nagkalabuan kami sap era. Nito lang kami nagkaintindiohan nang ipakita ko sa kanya ang breakdown ng sweldo ko at mga gastos ko kada buwan.

Eh diba ganun din naman ang siste sa kahit anong relasyon? Kesyo pagkakaibigan yan, Besprenan (anudaw?), barkadahan, Org sa paaralan, pag-iibigan, o relasyong pampamilya, kapoag pumasokna ang expectations, dapat hindi ito mahayaang kumalat nang basta basta hangang sa di na nakokontrol. Mas mabuti pang magkaalaman nan g expectations din minsan sa simula pa lang nang alam mo kung san at paano ka gagalaw diba? Sabi nga, kapag sa relasyon naman na may intimacy na o romansahan, mabilis agad pumapasok ang expectations sa sistema ng bawat isa.

Ewan, kung ano anon a naman nasasabi ko, Inaantok na ako pero madami pang mga kailangang tapusin hehe. Goodluck na lang sa buhay buhay natin mga kabayan. Godbless at Peace be with you!

0 Response to “Pag-asa at paasa”


  • No Comments

Leave a Reply