Nanghihina buong araw. Na-overdose ata ako sa sushi kahapon. Nampucha. Tamad na tamad ako kanina. Alam mo yung pakiramdam na para kang natatae na lambot na lambot yung tuhod mo? Ganun. Napakainit pa ng panahon. Kumusta naman ang 112 degrees f? Pucha pinagbantay pa ako ng trucks kanina. Ayun. Hinigop ng araw ang aking lakas sa maghapon.
Pagkaraan ng maraming buwan, muli kong nakasabay sa byahe sa subway train yung pamilya na kumakanta at tumutugtog ng mga kanta ng the beatles. Apat sila.
Yung tatay na afrikano at yung small, medium, large nyang mga anak. Kanina tatlo na lang sila.
Patay na daw tatay nila. Continue reading ‘tuloy lang ang kanta’
Ang pangit ko daw sabi ni itay.
Humahaba na daw kasi ang mukha ko at pumapayat na ako.
Sabi ko nagpapapayat naman talaga ako. Ginusto ko ito.
Iginiit niya na dahil daw sa problema ko (sa pag-ibig o kung saan man kaya ako namamayat).
Excuse me naman po tay ah. Masayang-masaya kaya ako (BWAHAHAHAHAHA) at hinding hindi ako magpapayat dahil lamang sa problema ng puso. Asus. Natuto na ako.
Hehe. May mga paraan para mag-cope at hindi ko option ang magpapayat dahil sa problema.
Nagpa-practice lang ako ng healthier lifestyle. Nakanang. Continue reading ‘Hayaan mo na akong maging panget’
Late na naman ang bus kanina.
Mga isang oras na late. Baka nasira na namano kaya may wheelchair showdown na naman kaya nagmamabagal ang bus. Pero nampucha naman. Isang oras?
Ok lang. May kausap naman ako.
Si Joanne.
Inglisera pero unang kutob ko Pinay ito. Sige lang, pinagbigyank osiya sa pag-iingles niya.
“The bus is so late. Gosh. I could’ve walked but still, I will wait.”
Oha. Pasensyosa si ate.
Nang marinig niya siguro na may kausap ako sa telepono (Tatay ko),
lumapit siya sa akin at tinanong kung Pilipino ba ako.
“Aba oo naman!” sagot ko.
Akala na naman niya ibang lahi ako. Continue reading ‘late’
“Alam mo naisip ko lang, kung di kita kayang panindigan at ipaglaban gaya ng ginagawa mo sa akin sa loob ng halos dalwang taon,siguro nga hindi talaga kita mahal.”
Wapak!
Siguro nga katangahan yung magmahal ka ng taong sa bandang gitna eh maiisipang di ka pala niya mahal.
Pero kahit kailan, hindi katangahan yung ipaglaban mo ang nararamdaman mo at ang pagmamahal mo para sa isang tao.
- Kuro-kuro inspired by Rosalka. Haha. Parag may ganyan siyang sinabi sa naabutan kong episode kaninang umuwi ako na late na. Panalo diba?
SamComments