Monthly Archive for October, 2010

pananabik, minsan

Paminsan-minsan Sabik ang Puso sa Mangga
ni Jose Maria Sison

Paminsan-minsan sabik ang puso

sa mangga kung nariyan ang mansanas

sa init kung nariyan ang ginaw

sa mabundok na kapuluan

kung nariyan ang kapatagan

kay layo ng kaib’han sa tahanan

at sa daloy ng mga kaibigan at kamag-anakan.

Ang mga di kinasanayan at kinasasanayang

bagay at lugar na naghuhudyat

sa hapdi ng mga patid na ugnayan

ang mga kawalang dulot ng antala at kaligta.

Direct dialing at fax machine

computer disc at video cassette

mga bisitang lulan ng supersonic jet

ay bigong paglapitin ang agwat

ng mga aral na pagpapamalas

at mga kaalwaan sa tahanan.

May mga kasama at kaibigang

nakakapagpa-ibig sa lupang dinayuhan

subalit sila’y may sariling gawi,

may sariling buhay

na di abot ng pang-unawa at pakialam ng dayuhan.

Silang ibig ipagkait sa distiyero

ang tahanan, mga kaibigan at kamag-anakan

ang buhay, katawan at kalayaan

ay sila ring pinakamaingay;

Na siya raw ay nakalutang

sa dagat matapos siyang hugutin

sa lupang pinag-ugatan.

Ang distiyerong may layunin

ay patuloy na nakikibaka

para sa inang bayan

laban sa nagpalayas sa kanya

ang mga mapagsamantala,

at kahit tiyak na nananahanan

sa kanyang bayan at sandaigdigan.

______________________
;)

Masyado akong inaaliw ng kalawakan

Kumusta naman kahapon, noong umaga, may nagtangkang magpakamatay sa tapat ng bus stop na sinasakyan ko papunta sa trabaho.

Noong gabi naman, pagtawid ko ng kalsada, KABAM!

May nagsalpukang mga sasakyan sa harap ko. Kitang kita ko ang pagkasira at pagtalsik ng mga nasirang piraso ng mga sasakyan in slow motion.

KAPOW!

hello araw ng mga aksidente!

Posible (daw) lahat

Muntik na naman akong ma-late.

Hinarangan ng mga pulis yung kalsada kung saan ako sumasakay ng bus. May kano na nagtangkang magpakamatay at tumalon doon sa taas ng gusali sa tapat ng bus stop.

Saya.

Napakaraming may topak dito.

Sa amerika, lahat daw posible.

Malapit ko nang paniwalaan ito.

Kahit gaano pa ka hi-tech, kahit gaano pa ka-1st world, kahit gaano pa mukhang ligtas ang bansang ito, eh napakarami pa ding mga bagay na nangyayari na aakalain mong sa mga tv at pelikula lang nangyayari.

Nung isang araw, nabaril ng 8yr old na bata yung kapatid nyang mas bata. Kumusta naman kasing sukat isama ng tatay yung mga anak sa shooting range na walang bantay diba? Continue reading ‘Posible (daw) lahat’

Kabute

Tama si Yanah na siya na lang atang tanging matiyagang bumibisita ng blog ko maliban sa mga spammers at bots.

para na nga akong abute dito na pasulpot-sulpot.

Chura naman kasi ng mga pangyayari nitong nakaraansa buhay. Medyo magulo. Haha.

Kwento ko sa susunod pramis. At babawi ako at magbablog-hop muli. Continue reading ‘Kabute’

Pumo Florence + the machines

Biglang gusto kong marinig ang mga dagundong ng drums sa mga kanta ng Florence and the machines. Tipong kalabog ng bass, drums at percussions ng cosmic love nilang kanta. Sawak lang sa nararamdaman ko ngayon. Kaboom!

Spoliarium

Makisaliw muna tayo sa kanta ng e-heads:

“at ngayon di pa rin alam kung ba’t tayo andito,

pwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo?”

Kumusta naman ang umagang ito. Naglipana ang mga gumagalang disabled. Wala namang kaso yun talaga. Pero nagmamabagal ang mga pampasaherong sasakyan nang 50 porsyento. Sana kasi magdagdag sila ng bus dito diba? haha. Namimiss ko lalo ang edsa eh.

Ulat panahon naman tayo. Lumamig na naman ngayon kumpara kahapon. As usual, may contest na naman ng pabahuan. Shet na nanlilimahid na malagket! Pramis. Ibang klase yung mga mababaho sa tren. Parang amoy jebs at ihi na natuyo na lang sa katawan at balat nila. Nakakakilabot sa baho eh. Yaks!

Hay ang busy lang nitong mga nakaraang linggo. Tagal ko nang di nakakablog. Mainam naman at di masyadong nakakagala kung saan-saan ang utak ko. Bagama’t may mga nabasa akong di ko dapat mabasa-eh ok pa din ako.Hehe. Pokus! Sabi nga ng isang kaibigan.Ok.Then pokus it is.