Sa isang banda, nakaka-depress isipin na para mapasok month ang mundo ng sining at mas mataas pang antas ng kaalaman sa akademiya at sa marami pang mga bagay eh kailangan month ng pera, kuneksyon at impluwensiya.
Kung pinanganak siguro ako sa pamilyang talentado, mahilig sa sining at pag-aaral, sa buhay na marangya at sa angkan na may impluwensiya, mas magiging kuntento siguro ako o masaya ng onti.
Slight lang. Kasi di mo din naman talaga masasabi na kapag mayaman ka na eh makukuntento ka na agad.
Kanina kasi nung nagkaron ako ng onting panahon sa office na gumala sa www eh nakabasa ako at nakakita ng mga gawa ng mga taong lamang sa yaman, talino, kultura at impluwensiya.
Napaisip lang ako. Eh kaya ko din yun eh. Kunh ayus lang ako. Kung mayaman lang ako. Kung ganito lang nanay ko. Kung ganun lang tatay ko.
Kung.
Eh kaso hindi eh. Hehe.
Kaya chinallenge ko na lang sarili ko. May pag-asa pa. Onting tiis, tyaga at pananalig pa. Magagawa ko din ang mga gusto ko.
Sa kabilang banda, di man kami kasing yaman ng iba, di man kasing edukado, kasing impluwensya, at kasing yaman ng iba ang mga magulang ko, eh pinagmamalaki ko pa din sila. Kundi dahil sa kanila, walang ako. Kundi dahil sa kanila, wala siguro akong pagnanasang umunlad pa ang pagkatao.
May pag-asa pa.
(Oha nakaaloko magblog sa phone pero masaya haha. Teka baba na ako ulit ng bus)

SamComments