Monthly Archive for December, 2010

Happy New Year Sister

Yes naman. Parang kanina di pa kita binati ano?

Pakabait ka jdiyan at mag-ipon ka ng pera mo.

Sana bukas sa pagpatak ng bagong araw ng taon eh malinis mo na ang kwarto mo.

Wag ka na maging choosey masyado.

Yaan mo, aayus din ang buhay natin at makakapag-aral ka din.

P.S. hahanap na ako ng baryang panlaba mo bukas

Happy New Year Bespren

Salamat at di mo ako binitawan sa hirap at ginhawa.

Salamat sa tiwala, at pagiging karamay ko kahit na gaano pa man kakumplikado ang buhay ko. :D

Makakabawi din ako sa iyo.

Salamat ng madami. Manigong bagong taon na puno ng pagpapala sa iyo at sa buong pamilya mo.

Ngumiti ka palagi.

Happy New Year Ex

Scenario noong isa sa mga nakaraang New Year: (Hulaan mo na lang kung kelan)

TInatawagan kita.

Riiing. Riing. Riiiing. Kuriiiing. Annniiing. Anniiing. Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!

Tangina walang sumasagot.

RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!

Sinagot. Multiple boses personalities ang narinig ko.

Binaba.

Bwahaha.

Mga ilang minuto yun bago pumatak ang bagong taon.

Gusto ko kasing makausap ka.

Nagtext na lang ako. Gusto kong makatext ka sa unang Segundo sa pagpasok ng taon.

Eh ang putanginang cellular network tinopak. Bwahaha.

Message not sent.

Tumawag ako.

RIIINGGGGGGGG… sinagot!

Binaba.

Gusto ko lang naman sabihin noon na I love you.

Ok. Haha.

Well, initially di talaga ako naniniwala dun sa pamahiin na kung ano yung ginawa mo ng bagong taon eh yun na ang gagaiwn mo sa buong taon. Bullshittz. Kung nagjakol ka ng bagong taon eh jajakol galore ka buong taon? Di din.

Isa pa, relative din naman ang simula ng taon diba? Relative sa time zone, relative sa kalendaryo, relative sa kultura.

Anyways, magha-happy New Year na lang ako at magba-blog.

O diba, baka sakaling mas sipagin ako mag blog sa padating na taon.

Happy New Year Kabayan

Oo, ikaw nga, Ikaw kabayan na mambabasa ko. Oo ikaw, kahit perstatymer ka o baliktaymer, ikaw nga. Oo, ikaw nga na nasa ibang panig ng daigdig. Oo, ikaw nga, kapwa OFW. Oo, ikaw nga kapwa Pilipino. OO kabayan, ikaw nga na nagbabasa nito ngayon. Happy new year!

Isang pinagpalang taon na puno yaman, pagmamahal, kaligtasan, at kabutihan nawa ang sumaiyo sampu ng iyong mga kapamilya. Salamat sa pagdaan dito. Kundi dahil sa iyo, eh matagal na akong nilamon ng kumunoy ng katamaran at insecurities.

Salamat!

Hapinuyir! Woohoo!

Sino may salvia divinorum?

Game. Pahingi. Para lubus-lubusin na natin ang hallucinations na ito.

Putangina.  Bukod sa bosing eh ako lang ang papapasukin sa bodegasina sa araw bago magpasko. Wow. Saya. Ako na walang sasakyan ha. Ako na dalawang oras ang binabyahe bago makarating ditto. Baka daw kasi sakalaing may umorder. Umuwi na lang daw ako ng 12 ng tanghali kapag walang ginagawa. Wow lang. Wow lang talaga. Buti sana kung may bayad na OT eh. Kaso wala. OTY lang haha.  Anak ng tokwang kabob talaga ‘tong mga to. Si boz light year talaga pauso eh. Magpaka-scrooge nqa siya at sagarin na niya hanggang pasko. Hmpf! Mainit ang ulo? Haha.

Continue reading ‘Sino may salvia divinorum?’

topak

May topak ata ang kapatid ko. Hindi na naman natulog kagabi.
Nag-break daw sila ng boyfriend niya.
Binreak na niya.

Dahil dito, nagulat naman ako at nagluto siya ng masarap na agahan.
Unang beses ito, for the record.

Corned beef na may sausage at itlog. Experiment nya peri masarap naman.

Sana gabi-gabi nagbe-break sila.

****
Lakas din ng trip ng mga tren kanina. Ibang label yung nakalagay.

Andami tuloy nalito.

Na-late tuloy ako ng uwi.
****

Yung router ng computer dito ayaw makisama. Putangina kung kelan ko pa naman kailangan mag-internet sa pc.

Churanetong router na ‘to. Di madaan sa troubleshooting!

****

May nahlalampungang mga pusa sa labas. Parang pinas lang haha.

****
Masakit ang ulo ko. Migraigne.

Anak ng tokwa.

****

Lumabas na naman kapatid ko.

12:30 na ng madaling araw.

Kasama ang ex boyfriend.

Sana may breakfast ako ulit mamaya.

aksents

Dahil isa sa mga trabaho ko sa bodegasina eh ang sumagot ng telepono para kunin ang orders at tumulong sa mga hinaing at sagutin ang mga tanong ng aming mga customers sa buong Amerika eh di maaiwsang maka-encounter ako ngmga kakaibang accents araw-araw.

Heto ang ilan sa mga accents ng mga kinakausap ko sa telepono:

Panalo kasi huling huli ng kuyang ito ang mga accents hahaha!

[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=3TTgQ99U-mQ[/youtube]

But wait there’s more!  Continue reading ‘aksents’

sino'ng busy?

Sorry i cannot blog much kkkkinda busy. kkinda busy. LOL

Nampucha naman o. Di na ako makablog sa trabaho dahil pa-busy na ng pa-busty at parang mawawalan na ata kami ng petiks moment di gaya noong tatlongtaon ang nakakaraan. (Anak ng tokwa tatlong taon na dnipala ako sa bansang ito.)

Andami naming shipments. Dati kasi busy kami mulaAugust hanggang huling linggo ng November dahil puro mga winter wear lang naman mga binebenta namin. Pero ngayon, dahil nagbebenta na din kami ng mga long-sleevd na damit at mga pa-sushal na pantalon, eh naging busy na kami all year round. Well, ok din naman maging busy, ibig sabihin malakas ang benta, may kita, at may trabaho pa din. yun lang, pagod paguran ang moda ko lagi tuwing uwian. Gustuhin ko mang maging mulat eh di ko maiwasang mapapikit sa tuwing sasakay ako ng bus at tren pauwi. Yun na lang ang pinaka-pahinga ko eh. Bagoing hobby ko na ang matulog sa tren at bus. Pero siyempre mababaw na tulog lang naman yun. Kakatakot din kasi matulog na mahimbing lalo na di mo alam kung sinosino yung mgatumatabi sa iyo. Isa pang nakakatakot eh baka lumampas ka sa bababaan mo (na lagi na lang muntik mangyari sa’kin haha).

Sa tuwing uuwi naman ako sa bahay, pahionga saglit tapos kailangan pang magluto, maghugas ng pinagkainan at maglinis saglit. Pwede magpahinga ng onti? Haha.

2 hours ang byahe ko one way everyday papunta at pauwi galing sa trabaho. Tatlong bus at isang tren ang sinasakyan ko. Oha parang namumrubinsya lang.

Kaya ayun, pag-uwi medyo pagod na ang inyong lingkod. Shetnamalagket! senyales ata ito ng katandaan. Boo!

Pero gaya ng sabi ko palagi, pipilitin kong buhayin muli ang inaamag ko nang blog :D

Madami lang mga inaayos sa buhay buhay lately at napakabusy talaga. Woooh!

Ingat kayo lagi mga kabayan!

Maari nyo nga pala akong sundan sa twitter. Sige mag tu-twit na ako ulit. :D