Monthly Archive for January, 2011

sa kits

Unang beses akong napagkamalang Mexicano kanina.

Naka bonnet kasi ako at shades so hindi napansin ni lolang Pinay yung mga mata ko. May kasama siyang lolo na nung una akala ko asawa niya pero alaga niya pala.

Nung malaman niyang Pinoy ako, nakwento na siya. May sakit daw yung alaga niya. Nahihilo madalas lalo na sa bus at tren.

+++

Sabi ng tatay ko bakit ko daw siya hindi man lang dinalaw nung nagpunta akong Las Vegas para sa isang raket.

May sakit daw siya. Walang pambili ng gamot at wala man lang nag-aalaga.

Linggo yun nung nagtext sya.
Kakapadala ko lang sa kanya ng pera noong Huwebes.

Di kami nakapagkita dahil malayo ang lugar niya at kapos na sa oras.

+++

After 10,000 years, muling nagparamdam nanay ko mula sa mabuhanging lupain ng United Arab Emirates.

May sakit daw siya.
Wala daw nag-aalaga sa kanya. Pagod na daw siya.
Kawawa naman daw siya.

Yung tatay at kapatid ko anf dinramahan niya.
Hindi pa kami nakakapag-usap.

+++

Sabi ng nanay ko sa kapatid ko na baka may cancer na din daw siya gaya ng tatay ko.

Nasabi nya ito dahil sa mga cyst sa dibdib ni little sister.

Sa palagay ko, ayus naman ang kapatid ko. Bagama’t madalas may toyo at parang laging nakukulangan ng turnilyo, eh ok naman siya.

Ang pinaka obvious na sakit nya sa palagay ko eh katamaran (sa madaming aspeto).

+++

Masakit puso ko.
Heartburns na naman ito.
Ok, dibdib. Malapit naman puso dun diba? Haha.

Bawal ako magkasakit at magbreakdown. Sa ngayon, wala akong karapatan.

Naman! Tigasin ata ‘to!

Sa dinami-dami ba naman ng mga sakit na napagdaanan ko na, eh magiging mahina pa ba ako? No way any day!

+++

“I wanna go back to the Philippines. It’s hard here in America when you get old. I’s even harder if you have no work. Nobody will help you.” sabi ni lolang Pinay sa kasama niyang mayandang lalaki.

May sakit din daw siya at papunta sila sa pagtatrabahuhan niya para mag-alaga ng may-sakit.

+++

Nagpaalam siya sa akin pagbaba ko ng bus.

“Ingat po kayo lagi.” ang tangi kong nasagot.

balatkayo

Kahapon may 22 years old na puying lalaki ang namaril ng mga tao sa may Arizona.

Ang balita, hindi daw siya napayagang makita agad yung government official na gusto niyang kitain dahil mahaba yung pila. Pagbalik nya, kaboom! May dala ng baril si koya tas nagsimulang mamaril ng mga tao. Madaming namatay. Mas madaming nasugatan.

Putanginang mga baliw dito.

Kaninang madaling araw naman. May matandang basta na lang binaril sa sasakyan nya. Mapapa wadapaks ka sa mga balita eh.

Itong bansang ‘to na nagpapanggap na litas eh punong puno ng mga taong may saltik at kakulangan sa turnilyo sa utak.

Nakakabahala kaya.

Nakakatanga na aakalain mong ligtas dito pero sa araw araw na kaso ng mga pamamaril at pamanaslang eh di mo maiiwasang hindi matakot eh.

Parang yung nakasabay ko kanina sa bus at train, natatakot siya para sa buhay ng pamilya nya kasi pati mga tellers dito eh minamanmanan at tinatambangan ng mga masasamang loob.

Happy New Year Itay

May bago ka na namang pangarap ha?

Yan naman talaga gusto ko sa iyo eh. Napakarami mong bagong pangarap.

Wala ka namang plano.

Parang yung pagbitbit mo sa amin dito sa bansang ito.

Akala ko naman paglapag mo dito eh parang pagbigkas lang ng ABC ang buhay. But no. Complex Paragraphs ito na nangangailangan ng semiotic analysis, statistical analysis, at mathematical formulas. Putanginang kumplikadong buhay ng tate. Haha.

Ok lang naman ‘Tay. Kung iniwan mo ako sa Pinas, malamang nagtatrabaho pa din ako sa dalwang kumpanya, maliit ang sweldo, wala pa ding laptop, walang camera, at medyo mas mababa ang tiwala sa mag tao at lipunan.

Kung titimbangin naman ang pros at cons ng pagbitbit mo sa amin dito (kahit na wala kang kaplano-planong matino) eh mas nagiging matimbang na naman ang mga positives.

Andito ang opportunities eh.

Oo, puro opportunities, pero di ko naman madakma, mahawakan, at mayakap man lang dahil di ako pwede.

Oha, ikaw ok ka na ha. Ok na mga papeles mo. Sana magtuloy-tuloy na ito.

Relax lang, makakakuha ka din ng mas matinong trabaho. Patience.

Tandaan, kakumpitensya mo pa din ang marami sa mga mga kanong shungaers na reklamo ng reklamo pero di naman naghahanap ng trabaho talaga.

Makakausad din tayo tay. Tamo naman, halos mabaon na ako sa utang mapaayos lang ang kapapelan mo diba? So this is it pancit!

Pero naman tay, hirit mo parang wala sa wisyo na naman eh. Epekto ng Thai buffet?

Di ka naman kumain ng madami eh. Oo alam ko, nagmamadali ka na naman at marahil naiinip ka na kais tatlong taon na eh ikaw pa lang ang mapapaayos sa ating tatlo, pero naman. Wag kang magsa-suggest ng business at this point.

Pucha.

Di ako nagkokontrabida ha? Pero sana tignan mo muna lahat ng anggulo. Ang mag resources, ang plano. Paano? Saan? Sige nga. Di naman to Pinas na tipong tara business tayo, tayo tayo ng karinderya o sari-sari store sa kanto.

Kailangan ng permits. Mga bagay-bagay na di kaisng simple ng iniisip mo.

Kailangan ng pera, kapapelan. Ugh.

Magkakabusiness din tayo. Promise.

Aayusin ko lalo ang buhay ko. Kundi man this year, basta, maayus tayo ok?

Happy New Year.

P.S.: Magpagamot ka na please? Pareho na kayo ng kapatid kong dinudugo eh. Wag kang papaubos ng dugo ok?

Happy New Year Inay

Happy Birthday na din.

Sana masaya ka diyan sa disyerto.

I wonder kung nung pinanganak ka ni lola eh kasalukuyang nagpuputukan o payapa na ang kalangitan mula sa mga paputok at kaguluhan mula sa selebrasyon ng bagong taon.

Gaya ng mga nakaraang taon mula nung pagkabata ko, wala akong regalo sa iyo. Tska na siguro pag nagkita tayo. Kelan kaya yun no?

Taon niyo daw ito sabi nung napanood kong New Year’s prediction sa TV. Seswertihin daw ang mga pinanganak sa year of the pig this year. Naman!

Sana swertihin kang nawa nang hindi puro reklamo sa buhay na lang ang maririnig naming mula sa iyo. As a pig, maging malusog at masagana sana ang iyong taon.

Sana matuto ka nang mag-YM.

Alam kong may davantages at disadvantages ang pagiging mag-isa diyan. Pero dahil nasa abroad na din ako ngayon at namumuhay bilang OFW, parang mas naniniwala akong mas may advantage kung mag-isa ka lang. :D

Pwede mong ituring na joke yung paghingi ko ng pera sa YM. Yaan mo nay un. Ang pera kinikita naman. Ang presence ng kapamilya hindi. Sana maramdaman ka na naming this year? Ewan ko. Sana maramdaman kong may nanay pa ako.

Happy Birthday!