sa kits

Unang beses akong napagkamalang Mexicano kanina.

Naka bonnet kasi ako at shades so hindi napansin ni lolang Pinay yung mga mata ko. May kasama siyang lolo na nung una akala ko asawa niya pero alaga niya pala.

Nung malaman niyang Pinoy ako, nakwento na siya. May sakit daw yung alaga niya. Nahihilo madalas lalo na sa bus at tren.

+++

Sabi ng tatay ko bakit ko daw siya hindi man lang dinalaw nung nagpunta akong Las Vegas para sa isang raket.

May sakit daw siya. Walang pambili ng gamot at wala man lang nag-aalaga.

Linggo yun nung nagtext sya.
Kakapadala ko lang sa kanya ng pera noong Huwebes.

Di kami nakapagkita dahil malayo ang lugar niya at kapos na sa oras.

+++

After 10,000 years, muling nagparamdam nanay ko mula sa mabuhanging lupain ng United Arab Emirates.

May sakit daw siya.
Wala daw nag-aalaga sa kanya. Pagod na daw siya.
Kawawa naman daw siya.

Yung tatay at kapatid ko anf dinramahan niya.
Hindi pa kami nakakapag-usap.

+++

Sabi ng nanay ko sa kapatid ko na baka may cancer na din daw siya gaya ng tatay ko.

Nasabi nya ito dahil sa mga cyst sa dibdib ni little sister.

Sa palagay ko, ayus naman ang kapatid ko. Bagama’t madalas may toyo at parang laging nakukulangan ng turnilyo, eh ok naman siya.

Ang pinaka obvious na sakit nya sa palagay ko eh katamaran (sa madaming aspeto).

+++

Masakit puso ko.
Heartburns na naman ito.
Ok, dibdib. Malapit naman puso dun diba? Haha.

Bawal ako magkasakit at magbreakdown. Sa ngayon, wala akong karapatan.

Naman! Tigasin ata ‘to!

Sa dinami-dami ba naman ng mga sakit na napagdaanan ko na, eh magiging mahina pa ba ako? No way any day!

+++

“I wanna go back to the Philippines. It’s hard here in America when you get old. I’s even harder if you have no work. Nobody will help you.” sabi ni lolang Pinay sa kasama niyang mayandang lalaki.

May sakit din daw siya at papunta sila sa pagtatrabahuhan niya para mag-alaga ng may-sakit.

+++

Nagpaalam siya sa akin pagbaba ko ng bus.

“Ingat po kayo lagi.” ang tangi kong nasagot.

1 Responses to “sa kits”


Leave a Reply