Category — buhay
taghiyawat at pag-aartista
Sa tuwing makikita ko yung present pimples ko, naalala ko yung sinabi sa’kin nung kaklase ko nung high school: “Bakit ba conscious na conscious ka sa pimples mo? Mag-aartista ka ba?!”
Siyempre sinagot ko siya ng tumataginting na hindi, pero alam ko deep inside, andoon pa din yung pangarap ko noon na mapasok sa showbiz, o kaya lumabas o mapansin sa TV at kumita ng kamal kamal na salapi.
Oo, isa ako sa madaming mga bata noon na nangarap ding mag-artista. Hindi ko naman binalak na sumali sa that’s my boy. Iba ang trip ko noon. Gusto ko sumali sa 5 and Up o kaya dun sa palabas sa channel 2 na For Kids Only kung saan may mga batang mayayaman na naglalaro lang buong timeslot ng mag bagong labas na mga mamahaling laruan na hindi mabibili ng batang dukha na katulad ko.
November 20, 2008 2 Comments
huminto tayo saglit para sa katahimikan
Puno ng ingay ng mga kanong nagdadaldalan pati na ng babaeng nagbebenta ng kung ano-ano sa lcd TV yung bus na sinasakyan ko kanina. Maingay sila at nag-iingay na din yug pinapakinggan kong albums ng bandang Muse sa tenga ko. Ang aga-aga maingay ang mundo ko. Feeling ko magiging maingay din ang maghapon ko pero wag ka, bigla akong pinatahimik nung mag-inang nakita ko.
Umupo yung cute na bata sa may upuan malapit sa kinatatayuan ko. Yung nanay niyang mukhang Pinay naman eh tumayo malapit sa kanya, sa may tabi ko para kumapit sa may hawakan ng kamay. Madaldal silang mag-ina. Mantakin mong sa daldal nila, eh wala akong masyadong na-gets sa pinag-uusapan nila. Ang alam ko lang at angnagpatahimik sa akin, ayaw na ng cute na batang umiyak pa yung nanay niya. Kasi umaarte siya na parang lumuluha sabay turo sa nanay sabay punas ng luha sabay senyas na wag nang lumuha sabay smile. Nagsa-sign language silang mag-ina.
November 19, 2008 No Comments
Words for the days to come
Umayos ka ha?!
Yan yung tatlong salitang madalas sabihin sa’kin ngmga kaibigan ko kapag may gusto silang iparating sa akin nang mabilisan. Tulad ng Oo na ng mga kababaihan na may maraming kahulugan, dinadagsa din ako ng mga bagay-bagay sa isipan kapag may bumira na sa akin ng Umayos ka ha?!
Nitong nakaraan mahigit sampung beses kong narinig at nabasa yung tatlong tumataginting na mga salitang yun. Para bang isang malaking billboard na nakabalandra sa harap ko na nagsasabing ayusin ko na ang buhay ko.
November 17, 2008 6 Comments
Oughta know
Linggo na dito. Sa wakas naka get-over na ako sa’yo. Tama din pala yung desisyon kong di magpakita sa iyo noong Biyernes ng gabi. Ikaw naman kasi, napakamahal mo. Di ka na kinaya ng savings ko sa bangko. Sorry. Pero di ako nagsisisi. Alam kong may next time pa. Tandaan mo yan.
November 16, 2008 8 Comments
Ang cute na homeless sa bus
Bilib naman talaga ako sa mga homeless dito. Talagang may programa yung gobyerno para mapakain ang mnga homeless at mabigyan ng temporary shelter. Yung iba, alam ko may pera pa ngang natatanggap. Gaya ng a nung isang homeless na Afrikan-American na nakasabay ko sa bus dati na kaboses ni Shrek, “Yah know, I am homeless for 5 years and look at me! Look at me! I am still eating and surviving!” Naman. Literal na malaki si kuya. Sa lapad at tangkad. Kaya agad naman akong naniwala sa kanya.
Kanina habang nakasakay ako sa huling bus na sinasakyan ko papasok sa opisina, may nakasabay akong babae na kamukha ni Drew Barrymore. Tipong Drew Barrymore na homeless na sabog ang buhok na may kargang bata na 4 months old at may hila-hilang baby walker na di magkanda-ugaga sa pagsasaway sa 2 years old niyang anak na kulot na patakbo-takbo sa gitna ng tumatakbong bus.
November 10, 2008 8 Comments
Samjuan’s undas sa Amerika
Maaga din akong gumising gaya ng ginagawa ko sa Pinas. Yun nga lang, hindi sa sementeryo ang punta ko kundi sa trabaho. Isa itong normal na araw ng trabaho para sa’kin pero parang ito na yung pasko ng mga tao dito. Ilang linggo pa lang bago dumating ang araw ng undas eh abala na ang karamihan dito sa pagsasaayos ng kani-kanilang mga costumes at pang trick or treats.
Ganun daw talaga sila dito. Mga bahay ng buhay ang binibisita at hindi mga patay. Araw ng mga candies at treats at parties ang araw naman ng paggunita sa mga patay sa Pinas.
Naalala ko minsan, may narinig ako ditong kwento ng kababayang OFW na hindi pinayagan ng amo niyang magpunta sa burol nang magpaalam siya. Kasi naman daw patay na naman yung pupuntahan niya at mas mahalaga daw ang mag gawain ng mga buhay na nilalang. Well, sa isang banda may punto naman ang boss niya, pero hindi mo pa rin maiaalis sa dugong Pinoy ang pagbibigay ng galang at huling pagpupugay sa kanyang yumaong kaanak o kaibigan.
November 10, 2008 2 Comments
Ooohbama! (Congrats sa bagong pangulo ng Amerika-Barack Obama)
Kakapanalo pa lang ni dating US Senator Barack Obama bilang Presidente nang bansang ito nang bigalang may magtanong sa akin ng: “Bakit ba ang mga Pinoy eh sobrang excited at tuwang-tuwa sa pagkapanalo ni Obama?” Oo nga naman. Bakit ba parang mas malapit pa sa Amerika ang mga Pinoy kesa sa madaming mga kano? Muntik ko na siyang tanungin kung yun bang naobserbahan niyang pagka-excited at pagkatuwa ng mag Pinoy sa pagkapanalo ni Obama eh tulad ng pagka-updated nila sa mga TV series na gawa ng Amerika, pero hindi ko na siya tinanong.
November 5, 2008 4 Comments
Bagong taon
Mahigit isang taon na din ang nakalipas nang mapagtanto namin ng kaibigan kong si Niga na simula sa puntong lumabas na kami sa unibersidad, eh back to zero na ang labanan.
Kung noon eh presidente kami ng mga organizations namin, namumuno sa student council at sa klase at animo’y nasa taas kami ng food chain noong senior years sa college, pagka-graduate, balik ulit kami sa ibaba. Pahirapang humanap ng trabaho, bagong pakikisama, panibagong paggapang paakyat sa hagdan ng panibagong palapag ng pakikipagsapalaran. Back to zero.
Isang taon at isang araw na ang nakalipas mula nang lumapag ako dito. Tandang tanda ko pa noon kung gaano kalutang ang isipan ko at damdamin- ikaw na pumuntang Amerika na dala ang isang maletang may pang isang linggong set ng damit, isang sapatos, isang libro at planner kahit na alam mong wala kayong malinaw na plano ng tatay mo kung paano nga ba kayo mabubuhay at magsisimula sa bansang wala naman kayong kamag-anak, walang kaibigan, walang siguradong matitirhan, walang mapapasukang trabaho, walang back-up na pera, at walang matinong kapapelan. Back to zero.
November 4, 2008 3 Comments
midweek crisis
STFU! Tang Ina! Ke aga-aga kung makapag-utos ka kala mo super bosing ka. May pa “YOU! YOU DO THIS! YOU DO THAT!” ka pa diyan. Trabaho mo yan eh! Mukha nito. Kalat mo papaayos mo sa’kin. Ang laki-laki mong bakulaw utusero ka. Isa pa, ke aga-aga eh yosi ka ng yosi sa loob ng opisina. Pasalamat ka walang smoke alarm dito, kundi noon ka pa naging sanhi ng emergency. Pucha! Kung gusto mong mamatay ng maaga at magpaliit ng etits, eh magsolo ka sa isang kwartong sarado na ikaw lang angmakakalanghap ng usok mo! Gets? Nampucha. Palagi kang nagmamagaling hindi mo alam na ang second hand smoke eh mas delikado pa sa amoy ng putok mo?! Takteng yan.
October 29, 2008 16 Comments
How’s your adobo?
Kapag ipapatapon ka sa isang malaaaaaaaaaaaaaayong isla na walang ibang tao kundi ikaw, ano ang tatlong bagay na dadalhin mo? Libro? Ipod? Satellite phone? Isanghigantengbaul ng pagkain? Fuck doll? Alak?
Kung ako ang tatanungin, wala pa akong clear cut na sagot. Ang hirap mag-isip. Pero kung si manong African-American na nag e-español sa bus stop ang tatanungin, may isa na siyang siguradong siguradong sagot- Adobow.

October 21, 2008 19 Comments
Kumusta ka?
Yan yung dalawang simpleng mga salita na madalas makapagpangiti sa’kin. Simpleng mga salita pero milya-milyang kaligayahan ang naidudulot nito sa aking mga pagod na maskels, mga pagod na mata, pagod na isip at pagod na damdamin.
Makatanggap lang ako ng kumusta ka sa text, sa email, sa ym o may bumati lang sa akin ng kumusta sa personal, masaya na ako. Bakit kamo? Kasi dito sa Amerika, bagama’t maraming mga kano ang babati sa ‘yo ng “How are you?” “How are you doing?” alam mong nakasanayan lang nila yun. Tipong programmed ba, ganun. Kaya walang masyadong laman. Walang masyadong impact. Walang dating. Mapapangiti ka pero yung generic na ngiti lang din. Yung tipo ng ngiti na walang spunk sa puso.
Pero kumusta na nga ba ako? Madalas kong sagot, ok lang. Para mapaniwala ko ang sarili ko na kahit papaano ay ok lang talaga ako at para mapanatag na din at di mag-alala yung kausap ko na nagtatanong. Isa pa, yun ang pinakamadaling sagot sa maikling pangungumusta.
Pero kung tatanungin mo ang halos karaniwang nangayari sa akin sa maghapon, uhm, sige, magkukwento ako ng saglit.
October 15, 2008 24 Comments
Sam where nitong nakaraan
Dumayo ako sa Madrid, sa Italia, at sa France nitong nakaraan. Hindi tuloy ako makapag blog-hop. Sa opisina/bodega man eh sobrang utusero ng utusero kong boss. Di na din makasingit mag-blog.
Buti na nga lang nagkaroon ako ng pagkakataong makabisita sa Spain, sa Italy at sa France sa loob ng isang Linggo. Paano?
October 12, 2008 2 Comments
Now na
Caregiver na Pinoy na magpaparelieve sa tatay ko (CP): Pare, punta ka dito ngayon na, palitan mo muna ako may pupuntahan ako.
Tatay ko na excited magkaroon ng trabaho kahit isang araw lang: Sige, mag-aayos lang ako ng gamit. Anong oras mo ba ako kailangan?
CP: Ngayon na! As in ngayon na!
Tatay: Ha? Bigyan mo ako ng dalawang oras. Eh biyahe pa lang papunta diyan halos dalawang oras na eh.
CP: Eh wala na. Wag na. Sabi ko ngayon na eh.
Tatay: Alam mo di bagay sa’yo nagbibiro.
CP: Sa tingin mo nagbibiro ako? Sabi ko punta ka dito ngayon na. As in now na.
Tatay: Dalawang oras ang kailangan ko bago makapunta diyan. Alam mo yun. O siya, sige salamat na lang.
October 3, 2008 1 Comment
NO is the answer
Kanina habang hinihintay kong mag GO signal yung tawiran ng mga tao, may lumapit sa akin na lalaking naka blue shirt, di katangkaran, mga 5′5 o 5′6, balingkinitan ang katawan, at amoy chiko na may alkohol ang hininga. May sinasabi siya na hindi ko maintindihan. Parang tungkol sa bus. Kung hinahabol ko daw ba yung bus, ganun. Pero hindi ko nga naindihan nang mabuti kaya sabi ko na lang, “NO.”
Mapilit ang loko. Feeling ko nga tungkol sa bus yung tinatanong niya kaya nagulat siya nung sumagot ako ng NO. Nakita niya siguro akong tumatakbo papunta sa bus stop kaya ako yung napagtripan niya.
Di naman masyadong hayok sa kausap tong kuyang to. Ibalandra ba yung mukha niyang malaki sa harap ng mukha ko habang nagsasalita siya. Medyo kinabahan ako. Parang holdaper kasi ang dating. Although madaming tao kaya pilit kong napakalma ang sarili ko.
October 1, 2008 2 Comments
Kung bakit minsan kailangan magising sa pagkakahimbing
Isa sa mga abilities na nadevelop ko habang lumilipas ang panahon ay ang mabilisang pagtulog. Basta pumikit ako at naikondisyon ko na nag sarili kong makakatulog ako, kesyo nakatayo, nakaupo, naka squat o anupamang posisyon ako, makakatulog ako. Di lang basta tulog ah, yung masarap na tulog, may bonus pang mga panaginips.
Nang matuto akong magtren at mag-bus dito sa Amerika, nalaman kong malaking tulong pala ang ability kong makatulog in an instant. Bakit? Well, sa maraming dahilan, nakakatulong ang pagtulog sa iyong panandaliang pagtakas sa mga bagay na hindi mo kayang kalabanin as of the moment. Tulad halimbawa ng mga nagpapalakasang amoy ng mga tao. Mamili ka: may amoy bayabas na hinog na kilikili, may amoy suka na pawisang katawan, amoy curry na balat, amoy di naligo ngisang lingo, amoy araw at lupa (yung amoy ng mga batang naglalaro sa ilalim ng araw na natuyuan na ng pawis at nanlilimahid sa libag), amoy ng singit, amoy ng paa, amoy ng damit na di naarawan, amoy ng laway ng di nagtu-toothbrush na natuyo sa damit, at marami pang iba.
September 30, 2008 8 Comments
Hapon
Maganda ang arrangement ng mga ulap kaninang hapon pag-uwi ko. Nakalatag sila sa kalawakan na parang mga maliliit na bulak na sumasalo sa sinag ng araw habang nakikihalo sa nagpapalit-kulay na canvass sa itaas. Nakakatuwa. Para lang larawang kuha gamit ang HDR (High Definition Range) na technique. Tamang exposure ng mga buildings, Di gaanong maliwanag, di din madilim. Sakto. Nakakapagpagaan ng mabigat na isip, ng nararamdaman.
August 14, 2008 3 Comments
Nay, contacts
Sana nababasa mo din itong blog ko diyan sa Dubai.
Mag-blog ka na din, nay! Ayus na ayus pangtanggal ng kahit kaunting stress na nararamdaman mo diyan.
Kapag may extra ka namang pera, padalhan mo ako ng pampagawa ng bagong contact lens. Halos magtatalong taon na ksi tong gamit ko. Madalas nang mag-dry kapag tumatawid ako sa kalsada o kaya bumababa ng hagdan papuntang subway. Pag may extra kang pera, padalhan mo naman ako ng kaunti para mas malinaw kong makita ang aking mga dinadaanan. [Read more →]
July 30, 2008 8 Comments
OOHMAHYYGHAAHHD
OMG na lang para maikli. Yun ang madalas sabihin ng big boss ko kapag nagugulat siya o kaya may kausap siya sa telepono at may kakaiba siyang nadiskubre, nakita o dagling naranasan.
OHHMAAAAHHYGHHAAAHHHDD.
Minsan mas mahaba pa dun.
OA lang.
Pero kanina hindi siya nakasigaw ng ganun. Di siya nakapag-react. Pinalabas niya lang kami ng opisina habangkinukuyog ng pagyanig ng lupa ang opisina at bodega.
Umatake na naman ang pasma ni mother earth.
July 29, 2008 3 Comments
super-sam
Pakiramdam ko isa akong super-man kanina.
Halong, gulat, pagkamangha, takot, at galit ang ibinungad sa akin ni manong bus driver.
Madami siyang sinabi pagkatapos ng kisapmatang pagniniig ng kanyang mga emosyon sa kanyang mukha.
Ang natandaan ko lang, “You could get yourself killed!”
Kalimitan dito sa Amerika, meron kang labinlimang segundo para tumawid sa kalye. Yung kumikisap na ilaw na simbolo ng taong tumatawid o kaya naman minsan ay may nakalagay na salitang “Walk” ang magsisilbing hudyat mo sa pagtawid. Bawal ang pasaway. Kapag pasaway ka ay nahuli ng mga pulis na nagtatago sa mga sulok-sulok at naghahanap ng huli nila for the day, lagot na. May tiket ka at record sa kanila. Minsan may bayad pa. [Read more →]
July 10, 2008 5 Comments
Tungkol sa appreciation sa ating mga Pinoy at OFWs
Basta kumakain, basta may suweldo, sige na nga lang, kaysa wala.
Ang blog post na ito ay kaugnay ng nauna kong entry na pinamagatang “Mag-imagine muna tayo” tungkol sa sinabi ng isang Arabo sa mga Pinoy. Naalala ko kasi ang mga komento ni kabayang tagabukid, poging payatot at bisita. Magaganda nag kanilang mga puntong sinabi patungkol sa appreciation ng mga ibang lahi sa mga PInoy. Ayon sa kanila, hanggang appreciation lang naman daw talaga at hanggang dun na lang. Ang nangyayari madalas, underpaid pa din ang maraming mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa at madalas ay naabuso pa.
Kaugnay nito, naisip ko lang na baka may kinalaman ito sa kaugaliang Pinoy na madaling maging komportable. [Read more →]
June 23, 2008 4 Comments


