Habang nakapila papunta sa entablado para tanggapin ang mga ribbon at medalya, nagrerebolusyon ang utak at puso ko sag alit dahil sa lahat ng mga katangi-tanging mga batang tatanggap ng parangal noong ar aw na iyon, ako lang ang nag-iisa na wala man lang magulang o kamag-anak.
Grade 4 ako noon. Recognition day, isa sa mga mahahalagang araw sa buhay ko kung saan inaasahan kong may mga malapit na kapamilya at kapusong magsasabit ng medlaya at magkakabit ng ribbons sa akin pero wala eh, busy sila. Si Inay nasa Disyerto sa gitnang silangan, Si Itay naman may pasok, mag tito at tita? May pasok din at sa malayo sila nakatira. At dahil di pa marunong magpanggap ang mura kong kaisipan at damdamin noon, hindi ko naitago ang inis at pagtatampo ko sa mgataong dapat sana eh nandoon sa isa sa mga mahahalagang araw sa buhay ko.
Di ko nga alam isasagot ko noon sa adviser ko nung tinanong niya kung sino ang kasama kong aakyat sa entablado eh. Napayuko na lang ako. Di na siya nagsalita at sinamahan na lang ako sa stage. Sabagay, default nanay angmga adviser noong elementary, Siya nagsabit ng mga ribbons at medalya ko noon. Habang sinasabitan niya ako at habang kinukuhanan ako nglarawan ng mga manong photographers, hirap na hirap akong ngumiti, pramis. Kung maipapakita ko nga lang yung mag pictures ko noon, kundi nakayuko, nakatingin sa gilid, eh nakasimangot ako. Naiiyak kasi ako noon. Continue reading ’2nd honor’
Namimiss ko yung tunog ng mga patak ng ulan sa bubong noong bata pa ako sa prubinsiya namin sa Nueva Ecija. Nakaka-relax kasi. Gustong gusto ko yun kapag tanghali o kaya gabi tapos nakabalot ako ngkumot taps nakadantay yung mga paa ko sa kulay asul ko na unan na my pundang yari sa kulambo. Mmmmsarap! Yun ang perfect eksena ko ng relaxation noon.
Continue reading ‘hiwaga ng panahon, akbay ng ambon’
Ilang buwan din bago ako unang makalanghap ng di na gaanong fresh na simoy ng hangin sa daigdig noong Miyerkules, taon ng tiger para sa mga intsik, sa buwan ng pagdiriwang ng kaarawan ng pambansang bayani, ay tinangka ng aking ina na ipalaglag ako. yan ay base naman sa kwento sa akin ni mamang, yung lola ko (nanay ng tatay ko) na nag-alaga sa akin mula pagkapanganak hanggang sa lumaki na ako at natuto akong sagutin siya at saktan ang kanyang damdamin.
Panganay kasi ako. di lang sa aming magkakapatid, kundi panganay na apong lalaki din sa linya ng lahi ng tatay ko. Nabuo ako sa pagjujug ng sundalo kong ama at ng nars kong ina na ngakaligawan at nagkagustuhan dahil sa pambubuyo ni Tito M na asawa ng ate ng nanay ko. Sundalo si Tito M at magiging isa sa mga mahahalagang tao na tutulong sa amin sa hinaharap.
Anyways, sa tulong ni Aling Marietta, yung sikat na midwife noon sa prubinsiya namin, nailuwal ako mula sa sinapupunan ng aking ina sa bahay nina Mamang at noon ay buhay pang si Dadi (tatay ng tatay ko). Sa kaluma-lumaan kong photo album sa prubinsya makikita ang aking unang mga larawan. Maitim lahat, mukhang malusog naman, at nakahiga sa papag na nilatagan ng makapal na kumot na may tatak na AFP sa may bandang itaas. Continue reading ‘Back to square Juan’
Published on
November 14, 2009 in
kabataan.
Mahapdi pa din yung kurot ni Ms Punzalan sa singit ko noong tanghaling yun. Dalawang araw na yata ang nakakalipas mula ng inatake ng mga mala-sipit na daliri niya yung makinis kong singit dahil nag-panic at nagtilian yung mga batang babae nung pumasok ako at umihi sa cr nila. Nasa Preparatory school ako nito. Di ko naman talaga alam na hiwalay ang cr ng lalake at babae dahil sa bahay namin noon eh iisa lang naman ang banyo. Yun ang isa sa mga mahahalagang aral na natutunan ko noong Prep. Sa pagkakatanda ko eh nagpasa yung kurot ni teacher pero di ko na iyon sinabi sa mga magulang ko.
Noong tanghaling iyon, habang nagfa-flashback sa utak ko yung mga kantang inaral namin for the day (yung it’s I, it’s I, It’s I who build community, yung mga baa baa black sheep at iba pang mga kantang pambata) at nangingibabaw yung kirot sa aking singit, tahimik kong hinihintay yung military jeep na susundo sa akin pauwi. Continue reading ‘Prep lessons’
Sa tuwing mahihiritan noon ng lola ko at ng mag tito tita ko yung mga kalaro ko o yung mga magulang ng mga kalaro ko sa kalye (yun bang tipong pipigilan nila akong makipaglaro kay ganito at ganyan dahil a]may putok daw siya b]adik daw ang magulang niya c]may utang daw sila sa amin d]masama daw silang impluwensiya) ay nasasaktan ako. Wala pa ata akong grade noon may ganung moda na yung ilan sa kapamilya ko. Noong mga panahong iyon, madalas akong magrebelde dahil mas kinakampihan ko ang mga kaibigan ko kaysa sa pamilya ko. Ganun ako noon. Continue reading ‘sa kabilang banda’
Isa sa mga talents ko noong kabataan ko eh ang paggaya ng boses ng may boses (kasama sa paggaya ang tono, paraan ng pananalita at tamang bigkas ng mga salita ayon sa pinaggagayahan). Nandiyang gagayahin ko yung boses ng mga kalaro ko, yung boses ng mga teachers ko, yung boses ng mga napapanood ko sa TV at saka mga boses na naririnig ko sa tabi-tabi.
Noong grade 4 yata ako, kasagsagan ng kasikatan ni Marimar sa Pilipinas, naisipan kong magpamalas ng angking talent sa pag-awit. Nampucha. Sa maniwala ka at sa hindi, parang duplicate na copy ng boses ni Thalia yung boses ko noon- “Mah-riih-mar! Aw!” Continue reading ‘Aw!’
Mahilig akong lutuan ni Ma ng lucky me instant mami chicken flavor. Paborito ko yun noong bata ako kasama ng bine-bake niyang pudding cake mula sa mga paluma nang mga tinapay. Kapag wala na siyang maluto noon, mga instant na pagkain ang hinahain niya. Wala akong reklamo doon. Kuntento naman ako at di lumaking malnourished.
Mas gusto ko si Ma noon kasi di niya ako pinapagaltan madalas. Minsan lang ako nakatikim ng bonggang kurot mula s kanya. Yun yung panahong inaya ko yung mga kalaro ko na lakbayin yung mga bagong lagay na tunnels (actually eto yung mga bilog na sementong nilalagay sa mga kanal, cement pipes sa ingles, tosang tawag sa may amin noon) sa gilid ng kalsada. Continue reading ‘Sam ma 2′
Isang taong gulang daw ako noon, naka-lollipop na kulay pula, may pancit canton curls sa ulo, at mahigpit ang yakap sa may balikat ni ma noong unang umalis siya papuntang Saudi para magtrabaho. Pinatotohanan din yun nung larawang naiwan sa photo album namin sa prubinsiya. Andun ang larawan ng batang ako, bilugan ang mukha, mala-guhit ang mga mata, may subong lollipop at nakayap sa balikat ni ma.
Isang buwan kada taon ang tanging panahong ginugugol ni ma sa amin kapag umuuwi siya ng Pinas. I-minus natin doon yung dalawang taon na ginugol niya sa bansa noong ginawa, pinagbuntis, at pinanganak niya yung kapatid kong babae. Isang buwan sa isang taon, ganyan katagal namin nakakasama si ma.
Continue reading ‘Sam ma 1′
Swine flu ang nagbibida-bidahan sa mundo sa mga panahong ito. Ang target- yung mga taong may mahihinang respiratory at immune system gaya ko. Katakot lang. Kaninang umaga may binalita s aTV na batang nagbabakasyo galing Mexico na namatay dahil sa swine flu. Buti na lang di pa uso ang swine flu noong kabataan ko, kundi baka napuruhan na din ako. Noong unang panahon kasi, madalas ang pagkakataon na kinakapos ako at naghahabol ng hininga.
Continue reading ‘Oink’
Grade 1 ako noong unang ipagkatiwala sa akin ng nanay ko yung susi sa bahay. Gagabihin daw sila ng uwi ng Tatay kaya bahala na muna akong magbukas at magkandado ng pintuan pagdating ko sa bahay mula sa paaralan. May iniwan na naman daw na pagkain doon kaya hindi ako magugutom.
Noong mga panahong iyon, proud na proud ako sa sarili ko kasi sa unang pagkakataon, naramdaman kong pinagkatiwalaan ako ng mga magulang ko. Aba, hindi lang simpleng task yun ah. Di na lang yun simpleng pagbili ng suka, toyo, at kuya sa tindahan sa kanto. Di na lang yun simpleng paghuhugas ng mga pinggan. Iba na yun, bigboy na ako. May susi na ako! Haha!
Continue reading ‘un-locked’
SamComments