samjuan.com » kabataan

2nd honor
Habang nakapila papunta sa entablado para tanggapin ang mga ribbon at medalya, nagrerebolusyon ang utak at puso ko sag alit dahil sa lahat ng mga katangi-tanging mga batang tatanggap ng parangal noong ar aw na iyon, ako lang ang nag-iisa na wala man lang magulang o kamag-anak.

Grade 4 ako noon. Recognition day, isa sa mga mahahalagang araw sa buhay ko kung saan inaasahan kong may mga malapit na kapamilya at kapusong magsasabit ng medlaya at magkakabit ng ribbons sa akin pero wala eh, busy sila. Si Inay nasa Disyerto sa gitnang silangan, Si Itay naman may pasok, mag tito at tita? May pasok din at sa malayo sila nakatira. At dahil di pa marunong magpanggap ang mura kong kaisipan at damdamin noon, hindi ko naitago ang inis at pagtatampo ko sa mgataong dapat sana eh nandoon sa isa sa mga mahahalagang araw sa buhay ko.

Di ko nga alam isasagot ko noon sa adviser ko nung tinanong niya kung sino ang kasama kong aakyat sa entablado eh. Napayuko na lang ako. Di na siya nagsalita at sinamahan na lang ako sa stage. Sabagay, default nanay angmga adviser noong elementary, Siya nagsabit ng mga ribbons at medalya ko noon. Habang sinasabitan niya ako at habang kinukuhanan ako nglarawan ng mga manong photographers, hirap na hirap akong ngumiti, pramis. Kung maipapakita ko nga lang yung mag pictures ko noon, kundi nakayuko, nakatingin sa gilid, eh nakasimangot ako. Naiiyak kasi ako noon.

Ansama lang sa pakiramdam na alam mong mas madami pang mga bagay na mas mahalaga kaysa sa iyo at kaya kang isantabi lang ng basta basta. Halo-halonggalit at slight na pagkamuhi ang nararamdaman ko noon sa mga magulang ko. Bagama’t alam kong kailangan nilang magtrabaho, bagama’t alam kong mas madami pang mga bagay na importante para sa akin at kailangan ko silang intindihin, nasaktan ako noon kasi tagos puso kong naramdaman kung papaano ma- take for granted kahit pa sabihin nilang sa maliit na bagay lang yun.

2nd honor ata ako noong grade 4.

Lagi naman ata akong 2nd honor lang sa madaming mga bagay. (yun yun eh! Hahaha)

Nitong nakaraang mga araw, muntiiiiiiiiiiiiiiik ko na naman maramdaman yung parang nauubusan ka ng hininga tapos nag-iinit yung pakiramdam mo sa inis na parang may kung anong kumukulo sa kaloob-looban mo na kapag di mo nailabas eh sasabog na lang basta. Muntik ko na namang maranasan yung pagkakaroon ng mga mala-munggong butil ng luha sa gilid ng mata. Muntik ko na namang maranasan yung pagkamuhi na nagmumula sa di ko mawaring lugar. muntik ko na namang maibuhos ang galit ko sa hangin. Buti na lang medyo mature mature-an na tayo at kaya nang pigilin at kontrolin ang emosyon at kaya na ding intindihin ang mga bagay-bagay.

“Gagu! Helowwwww! Hindi umiikot ang mundo sa’yo!” sigaw ng konsensiya ko.

Salamat sa champaigne at sa fresh blueberries at sa avatar na pelikula, mabilis akong nakapag-move on sa aking emotional dilemma.

Back to grade 4 recognition.

Nung tapos na ang program, nakahabol si Mamang (lola mula sa prubinsya.) Thankful ako, pero naiiyak pa din ako sag alit, inis at pagtatampo. May larawan kaming dalawa pero nakasimangot ako at di nakalingon sa camera.

hiwaga ng panahon, akbay ng ambon
Namimiss ko yung tunog ng mga patak ng ulan sa bubong noong bata pa ako sa prubinsiya namin sa Nueva Ecija. Nakaka-relax kasi. Gustong gusto ko yun kapag tanghali o kaya gabi tapos nakabalot ako ngkumot taps nakadantay yung mga paa ko sa kulay asul ko na unan na my pundang yari sa kulambo. Mmmmsarap!  Yun ang perfect eksena ko ng relaxation noon.

Nitong mga nakarang araw, muling nanumbalik sa akin yung nakaka-relax na alaalang iyon ng aking kabataan. Anak ng pokwang naman kasi binabagyo ang parteng ito ng Amerika. Kala mo naman nasa New York ako sa Washington. Jusmio ang hangin at ulan. Maghapong madilim aakalain mong uso ang eclipse nowadays. Nyemas. Namiss ko ang bagyo. At wag ka bumabaha din dito! Yay! Pinas na Pinas. Nasa Amerika ba ako? Hahahaha.

Panalo din ang mga patak ng ulan sa bubong ng pinagtatrabahuhan ko. Sorry na daw wala kaming kisame. Bubong na yero lang kaya naman dinig na dinig ko ang mga higanteng patak ng luha ng emo na panahon dito. At dahil diyan, parang bagyo din akong binabalikan ng mga alaala ng aking kabataan, ng mga simpleng hapon at gabi na hinehele ako ng mga tunog ng patak ng ulan.

Nakaka-miss kasi dito bihira ako magkaroon ng matinong tulog. Sa dami nginiisip mo at mga dapat isipin eh minsan kahit sa panaginip, naiisip mo pa din sila. Minsan naman nagpapapansin lang yung isip mo at kung ano ano mga napapanaginipan mo.

Buti sana kung pwedeng matulog dito sa opis eh. Kaso wala yung paborito kong asul na unan na may pundang gawa sa kulambo. Cannot be. Lalo pa na sa bansang ito ay hindi ka pwedeng magtulug-tulugan. Di pwedeng basta nalang takasan ang mga problema at inniisip. Dapat lagging palaban kabayan! Ohhyeh!

*ang pamagat ng entry na ito ay hiniram mula sa kanta ng bandang Rivermaya na Ulan.

Back to square Juan
Ilang buwan din bago ako unang makalanghap ng di na gaanong fresh na simoy ng hangin sa daigdig noong Miyerkules, taon ng tiger para sa mga intsik, sa buwan ng pagdiriwang ng kaarawan ng pambansang bayani, ay tinangka ng aking ina na ipalaglag ako. yan ay base naman sa kwento sa akin ni mamang, yung lola ko (nanay ng tatay ko) na nag-alaga sa akin mula pagkapanganak hanggang sa lumaki na ako at natuto akong sagutin siya at saktan ang kanyang damdamin.

Panganay kasi ako. di lang sa aming magkakapatid, kundi panganay na apong lalaki din sa linya ng lahi ng tatay ko.  Nabuo ako sa pagjujug ng sundalo kong ama at ng nars kong ina na ngakaligawan at nagkagustuhan dahil sa pambubuyo ni Tito M na asawa ng ate ng nanay ko. Sundalo si Tito M at magiging isa sa mga mahahalagang tao na tutulong sa amin sa hinaharap.

Anyways, sa tulong ni Aling Marietta, yung sikat na midwife noon sa prubinsiya namin, nailuwal ako mula sa sinapupunan ng aking ina sa bahay nina Mamang at noon ay buhay pang si Dadi (tatay ng tatay ko).  Sa kaluma-lumaan kong photo album sa prubinsya makikita ang aking unang mga larawan. Maitim lahat, mukhang malusog naman, at nakahiga sa papag na nilatagan ng makapal na kumot na may tatak na AFP sa may bandang itaas.

Sa tulong ng mga photo albums at sa mga naipon kong kwento ng aking Tito, mga Tita, Lolo at Lolo at Lola, nabuo ko ang imahe at naalala ko kahit papaano ang mga bahagi ng aking kabataan bago ko pa mapagtantong malabo pala ang aking mga mata at kaiba pala ang pagtingin ko sa mundo kumpara sa ibang mga batang kalaro ko.

Mula sa photo albums, may iba’t iba akong mga larawan na suot ang iba’t ibang mga damit. May naka pantulog, merong mga solong kuha na may dala akong bola ng basketball, may mga kuha na nakangiti, maymga pose na nakatawa, may mga kuhang umiiyak, naliligo, kumakain, naglalaro, at naka pose sa iba’t-ibang bahagi ng aming lumang bahay. May larawan din ng unang birthday cake, ng binyag at ng mga taong hindi ko naman kilala na may astigas na fashion style. Hehe.

So, sa bahay namin sa may bukid sa Nueva Ecija ako unang nakalanghap ng hangin sa mundo. Ilang taon din ako namuhay doon hanggang sa matuto akong magsalita, lumakad, umihi sa arinola, at jumebs ang nakaupo sa bowl na hindi natatakot sa higanteng gagambang bahay na naninirahan sa banyo sa likod-bahay.  Pagkaalis kasi ng nanay ko noon papuntang Saudi, sina Mamang, Dadi at ilang mga Tito at Tita na ang nag-alaga sa akin. Eto ang maikling intro at simula sa buhay ni Samjuan.

Prep lessons
Mahapdi pa din yung kurot ni Ms Punzalan sa singit ko noong tanghaling yun. Dalawang araw na yata ang nakakalipas mula ng inatake ng mga mala-sipit na daliri niya yung makinis kong singit dahil nag-panic at nagtilian yung mga batang babae nung pumasok ako at umihi sa cr nila. Nasa Preparatory school ako nito. Di ko naman talaga alam na hiwalay ang cr ng lalake at babae dahil sa bahay namin noon eh iisa lang naman ang banyo. Yun ang isa sa mga mahahalagang aral na natutunan ko noong Prep. Sa pagkakatanda ko eh nagpasa yung kurot ni teacher pero di ko na iyon sinabi sa mga magulang ko.

Noong tanghaling iyon, habang nagfa-flashback sa utak ko yung mga kantang inaral namin for the day (yung it’s I, it’s I, It’s I who build community, yung mga baa baa black sheep at iba pang mga kantang pambata) at nangingibabaw yung kirot sa aking singit, tahimik kong hinihintay yung military jeep na susundo sa akin pauwi.

Dalawa na lang kaming naiwan sa classroom noon. Yung isa eh yung classmate ko na naghihntay din ata ng sundo. Pero di gaya ko na malikot at palakad-lakad, siya eh nakaupo lang na parang naninigas sa lugar niya. Di din niya ako kinakausap. Ako eh di din masyadong madaldal noon. Ayaw mong makipag-usap? Eh di wag. Kami nalang ata yung dalawang mga bata na late ang mga sundo. Unti-unti nang nagsisidatingan yung mga bata para sa afternoon class. May mangilan ngilan ng pumapasok sa classroom para ilagay ang gamit. Pero since andun pa kami nitong isa kong kaklase, eh lumalabas sila ulit kasi nga maaga pa naman.

May kalakihan yung classroom namin, maaliwalas, may malalaking binatana, naliligiran ng mga puting dingding kung saan nakadikit yung alpabeto tsaka mga larawan ng mga hayop at mga kung ano-ano pang anik anik na karaniwan mong makikita sa loob ng isang pre-school na classroom. Kapag  nakaharap ka sa blackboard, sa bandang kaliwa eh yung mga bintana, sa bandang kanan, sa may harap din, andun ang pinto. Yung wall naman sa bandang kanan merong mga shelves kung saan nilalagay ng mga bata yung mga bags nila. Yung baunan/bag kong square na kulay blue at green na may drawing ng alien na may baril at yung bag nung kasama ko nasa shelf pa. Antagal ng tatay ko dumating. Baka pag nagpang-abot pa sila nung pang-hapon na teacher eh masabihan na naman siyang driver ko. May pagkakataon kasi minsan noong unang linggo ng pasukan, sinundo ako ng tatay ko. Sukat tanungin ba naman siya ng teacher kung nasan daw ba ang tatay ko. Wapak! Sorry na daw kulay dark chocolate ang tatay ko at ako naman eh batang maputi na mukhang hapon.

Ilang saglit pa, dumating na yung nanay ng batang ayaw tumayo sa upuan. Inaaya na siya ng nanay niya umuwi pero di pa din siya tumatayo. Siyempre tinanong ako ng nanay kung bakit. May umaway daw ba sa anak niya, inaway ko daw ba, ano daw nangyari. Mga ganun ba. Malay ko. Ansarap sabihin na “Misis, may sa-suplado ho ang anak ninyong di na tumayo ng upuan mula kanina pa.”

Mukhang doktora yung nanay niyang nakapostura. Amoy mayaman. Nakatakong. Nilapitan na niya yung anak niya pero wala. Matikas ang batang ito. Na-thumbtacks ata yung pwet sa upuan eh. Mga kinse minutos na yung nakakalipas at aligaga na yung nanay ni classmate. Ayaw pa din niyang tumayo. Hulann niyo yung ginawa ng nanay. Tenen! Hinila ang anak. Pinilit na itinayo. At boom! Nabunyag ang sikretong matagal na palang kinikimkim ni classmate. Tangina may ginto sa upuan niya. Liquid gold! Shet. I mean, shit, I mean jebs. Basta puro ipot na kulay dilaw yung upuan niya. Susme. Kaya naman pala ayaw tumayo nitong si classmate. Tangina. Di pa din mabura sa isip ko kung papaano siya kinaladkad ng nanay niya palabas ng vicinity ng school habang tumutulo yung basang jebs mula sa pwet niya. Dinig na dinig ko yung iyak niya noon. Kinurot din kaya siya ng nanay niya sa singit?

Anyways, ilang minuto pa ang lumipas eh dumating na din ang tatay ko. Kinuha ko na yung bag/baunan ko sa shelf at dali-daling lumabas ng classroom.

Sa sasakyan ng tatay ko, habang kinukwento ko yung natae kong classmate, napansin kong parang biglang bumigat yung baunan ko. Aba, wag mo sabihing may magic na naganap. Siyempre di ko na pinatagal ang suspense at ayun nga, himala! May laman ang baunan ko, Isnag bagong-bagong banana bread at chocolate cupcake at isang bagong chocolait! Paano kaya yun nangyari eh naubos ko na yung egg sandwich na baon ko tsaka zesto orange noong recess nung umaga? Hmm. Kung hindi iyon magic, eh malamang bigay yun ni Itay. Kaya out of the blue nasabi  ko sa tatay ko, “Salamat po!”

Kinabukasan, tahimik ang klase.  Nagulat na lang ako na may hawak na bag si MRs Punzalan na katulad na katulad ng baunan/bag kong square na kulay blue at green na may drawing ng alien na may baril. Hala. Bakit parehas kami ng bag? May kung anong kurot akong naramdaman sa aking murang puso.

Nag-speech si Mam. Meron daw bata sa panghapon na klase ang iyak ng iyak kahapon kasi pagbukas daw niya ng baunan niya eh wala na iyong laman. Wala daw nagawa yung bata at nagulat sa pangyayari. Shitnamalagkit! Parang umikot naman ang sikmura ko at nahiya bigla sa kinain ko kahapon. Ang inaakala kong good magic eh naging kamalasan para sa iba. Malupit ang tadhana sa mga batang may parehong bag.

Pagkatapos ng klase, kinausap ko si Mrs Punzalan at inamin na ako ang nakakuha ng isa pang bag na katulad na katulad ng baunan/bag kong square na kulay blue at green na may drawing ng alien na may baril. Akala ko magkakaroon na naman ako ng bagong kurot sa singit. Awa ng Diyos, eh pinaliguan na lang niya ako ng showers ng laway niya na puno ng mga pangaral sa buhay.

Mula noon, naging mas mabuti na akong bata. Alam ko na na hiwalay ang cr ng boys at girls at alam ko alam ko din na dapat jumebs bago umalis ng bahay para di magkalat ng liquid gold. Mula noon, alam ko na din na dapat tignan ko muna ang laman ng bag ko bago ko ito dalhin pauwi. Gumradweyt ako na valedictorian. Unang medalya ko sa tanang buhay ko bilang estudyante.

sa kabilang banda
Sa tuwing mahihiritan noon ng lola ko at ng mag tito tita ko yung mga kalaro ko o yung mga magulang ng mga kalaro ko sa kalye (yun bang tipong pipigilan nila akong makipaglaro kay ganito at ganyan dahil a]may putok daw siya b]adik daw ang magulang niya c]may utang daw sila sa amin d]masama daw silang impluwensiya) ay nasasaktan ako. Wala pa ata akong grade noon may ganung moda na yung ilan sa kapamilya ko. Noong mga panahong iyon, madalas akong magrebelde dahil mas kinakampihan ko ang mga kaibigan ko kaysa sa pamilya ko. Ganun ako noon.

Mas pabor ako sa mga kaibigan ko kasi mas may nararamdaman akong acceptance at belongingness noon sa kanila. Pinagtatanggol ko sila dahil, well, may bias ako sa mga kaibigan ko kasi ayookong mainin sa sarili ko na tama ang sinasabi ng mga lolo, lola at tito tita ko noon. Ngayon, naisip ko, kung tama man sila, magiging objective pa din ako sa pagtitimbang ng mga bagay-bagay. Sa mga taongnagdaan kasi sa buhay ko, natutunan kong makita ang madaming mukha ng mga katotohanan. Natutunan kong tignan, pakinggan, amuyin, lasahan at pakiramdaman ang bawat anggulo ng bawat kwento at natutunan kong wag maging mapanghusga kaagad.

Nitong nakaraan, may mga tampuhang nagaganap sa paligid na involved ang kapamilya ng mga kaibigan at mahal kong tao. Sa tuwing may maririnig akong kwento mula sa iba’t ibang panig, pinananatili ko ang pagtitimpi sa aking sarili. Dapat maging objective, wala akong dapat panigan since hindi ko alam ang tunay na katotohanan base sa madaming mga katotohanang nakahanay sa akin. Pero dahil involved ang mahal kong tao, aaminin ko, nasasaktan din ako sa tuwing may maririnig ako tungkol sa nanay niya.

Malungkot na araw nga pala ngayon sa pinas. Libing ni tita cory.

Condolences sa mga naiwang pamilya at kaibigan. Condolence sa sambayanang nagluluksa.

Aw!
Isa sa mga talents ko noong kabataan ko eh ang paggaya ng boses ng may boses  (kasama sa paggaya ang tono, paraan ng pananalita at tamang bigkas ng mga salita ayon sa pinaggagayahan). Nandiyang gagayahin ko yung boses ng mga kalaro ko, yung boses ng mga teachers ko, yung boses ng mga napapanood ko sa TV at saka mga boses na naririnig ko sa tabi-tabi.

Noong grade 4 yata ako, kasagsagan ng kasikatan ni Marimar sa Pilipinas, naisipan kong magpamalas ng angking talent sa pag-awit. Nampucha. Sa maniwala ka at sa hindi, parang duplicate na copy ng boses ni Thalia yung boses ko noon- “Mah-riih-mar! Aw!”

Alam ko nagsimula yun sa talent portion sa klase eh. Kelangan may talent daw bawat isa. Eh ang bo-boring ng talents nila, ayun, ginaya ko si Marimar. At dahil dun, naging instant celebrity ako for a while sa isang mababang  paaralan sa liblib na bahagi ng Lungsod Quezon sa Maynila. Pinakakanta nila ako sa ibabaw ng upuan, sa ibabaw ng lamesa at sa entablado. Saglit na naging Marimar ang pangalan ko. Tangina lang. Haha.

Nang mapagtanto kong din a ito masay ata nakakagago na, itinigil ko na ang paggaya kay Marimar. Nag-move on na ako. Mga teachers ko naman ang ginagaya ko. Ilang mgateachers din ang naaliw at nainis sa akin kasi kayak o silang iimpersonate. Pagkatapos noon, mga kaklase naman. Mapa-babae pa yan o lalake, kayang kaya kong gayahin yung boses nila sa telepono. Mga gago kong klasmeyts nagagago ko, Ganun. Kay asiguro madaming nainis sa akin noon.

May time nag nung highschool, naalala ko nung di ko mapatahimik yung klase, napilitan akong gayahin yung boses ng terror teacher taps ayun, nagsitahimikan silang bigla. Haha. Saglit ngalang, kasi wala namang teacher na lumitaw.

Anyways, nakakatanga lang yung phase na yan ng buhay ko. Parang andami kong identities, literal. Naisip ko nga noon na mag voice talent sa cartoons eh, naunahan lang ako ng hiya. Pero ika  nag nila, s apaglipas ng panahon ay matatagpuan mo din at mapagtatanto kung sino ka. I am not everyone, I have to be someone, I am Samjuan. Oha! May ganyan pa akong nalalaman noon. Haha.  Pero seryoso, napakahabang panahon ang self at soul searching ha. Para kang nagtotono ng napakaraming boses sa sarili mo. Parang andami mong safeguard konsensiyas, ganun.

Nakngteteng. Nasasabaw na ako. Akala ko naman na-tono ko na yung sarili ko eh. But noooo. MAdami pa pala akong tunog na kayang gawin bukod sa panggagaya ng boses ng may boses. Madami dami pa ang oras ko para itono ang sarili ko. Woot.

Sam ma 2
Mahilig akong lutuan ni Ma ng lucky me instant mami chicken flavor. Paborito ko yun noong bata ako kasama ng bine-bake niyang pudding cake mula sa mga paluma nang mga tinapay. Kapag wala na siyang maluto noon, mga instant na pagkain ang hinahain niya. Wala akong reklamo doon. Kuntento naman ako at di lumaking malnourished.

Mas gusto ko si Ma noon kasi di niya ako pinapagaltan madalas. Minsan lang ako nakatikim ng bonggang kurot mula s kanya. Yun yung panahong inaya ko yung mga kalaro ko na lakbayin yung mga bagong lagay na tunnels (actually eto yung mga bilog na sementong nilalagay sa mga kanal, cement pipes sa ingles, tosang tawag sa may amin noon) sa gilid ng kalsada. Basta naalala ko isang hapon, since lider-lideran ako ng mga bata sa amin, nag-dare ako sa kanila na pasukin yung canal tunnels hanggang marating namin yung kabilang dulo. Mula sa may lagusan pinakamalapit sa tirahan naming, pinasok namin yung madilim na tunnel. Ilang minute na ang lumilipas pero parang wala pa kaming nakikitang daan palabas. Dahil adventurous kami, wala kaming dalang flashlight. Unti-unti nararamdaman naming yung magtaas ng tubig mula sa paa naming hanggangs amay tuhod hanggang umabot sa balikat namin. Medyo malayo na yung nalakbay namin at mahirap nang bumalik. Nang maramdaman kong nagpapanic na nun yung mga batang kasama ko, pinakalma ko sila at sinabihang itingala ang mga ulo, onting tiis na lang, kapag nakakita kayo ng liwanag, yun na ang lagusan. So pagkaraan ng halos isang oras na paglusong sa hanggang balikat na tubig kanal, nakakita kami ng liwanag. At last! Tangina! Light at the end of the tunel na ‘to! At umahon kami, basambasa sa tubig kanal, nanlilimahid na mistulang mga batang syokoy na nasisilaw sa sinag ng araw. Para din kaming instant artistas. Sa loob ng halos 10 segundo, nakuha naming ang atensiyon ng mga tao. Sa ibang baranggay na pala kami nakalabas. Pag-uwi ko ng bahay, nakabantay si Ma sa pinto. Salubong ang makapal na kilay. Binati niya ako ng isanlibo’t isangkurot mula Aparri hanggang Jolo ng katawan ko. Halong pandidiri at pagkainis ang nakita ko sa mukha niya noong hapong iyon. Agad niya akong hinila sa damit papuntang banyo. Tanda ko pa nung kumuha siya ng hose at pinaliguan ako na parang tuta. Pagkatapos niya akong sabunin at hugasan, kumuha siya ng isang bote ng isoprophyl alcohol at pinusitsitan ang katawan ko. Tangina ang hapdi lang lalo na sa pwet.

Yun na yata ang isa sa iilang intimate moments namin ni Ma. Bukod doon, tahimik naman siya madalas. Magagalit saglit pero di ako pinapalao gaya ni Pa.

Anyways, mahilig sa instant si Ma. Instant food, instant love, instant money, instant noodles at instant solution at instant lusot sa mga problema.

Minsan naikwento sa akin ni Mamang (nanay ng tatay ko) na binalak daw nila akong ipalaglag ng nanay ko noon ng ilang beses. Yes, bagama’t mahal na mahal ko si Mamang at close kami dahil peborit apo niya ako, tinangka pa di nila akong ipalaglag dahil bigla na lang daw inuwi ng tatay ko sa bahay nila sa prubinsiya yung nanay ko na may malaking bukol sa tiyan. Kung ano-ano daw mga gamut ang sinubukan nila para malaglag ako pero sorry, malakas ang kapit ko. Hi earth, I will be Samjuan pa.  (tangina so konyo)

Nang magkagipitan noon sap era, umalis ang nanay papuntang abroad. Lumipas ang mga taon at constant na 200 USD ang pinapadala niya sa amin. Mula yun nung unang alis niya ha hanggang huli naming pagkikiita noong 2007. Nang tanungin naming siya kung bakit at kung magkano ba ang sweldo niya at kung saan ba napupunta ang mga pera niya (since nurse siya sa Dubai) eh palagi siyang walang imik. Kung hindi siya iiyak, magkukulong s akwarto, mangbaba ng phone o kaya tatahimik basta, eh magsusulat siya ng suicide note. Why not diba? Naalala ko yung suicide note na sinulat niya noon, din a daw niya kaya at magbibigti na daw siya kundi niya lang kami naisip. Err, owki.

Si Ma yung tipo ng tao na di mo man lang makukuhan ng ni katiting na spak ng hope kapag down na down ka na sa buhay mo. Siya yung parang lagging malungkot, walang opera, pagod, kawawa, pinagsakluban nglangit at lupa, malas, namatanda, nakulam, lahat na. Oy, di ako nag-o-a.a. dito ha. Pramis, pag nakita mo si Mama Juan, para siyang anito ng mga mabibigat na bagay at negatibong element sa earth. Ewan.

Panalo lang kapag umuuwi siya noon sa Pinas, imbes na mamasyal kami at gumala gala kasi nga may bagong dating galing abroad kang nanay eh wag ka, mas madalas pa kami sa bahay. Yes. Kay ma ako natuto kung ano ang irony. Madami daw siyang utang na binabayaran. Wala daw siyang pera. Sa bahay na lang daw kami.

Kapag tinatanong niya ako kung ano ang gusto kong ipabili sa kanya, mapa-sa telepono man yan o mapa-personal, ang palagi kong sagot ay wala. Eh wala naman kasi akong aasahan. Isa pa, alam ko na kahit hindi niya ako bilhan ng mga gusto ko,eh makaka-survive naman ako sa buhay. Si Ma ang nagturo sa akin na iappreciate kung ano meron ako.

Well, binibilhan naman niya ako noon ng mga gusto ko. Nang sinabi kong gusto ko ng isang set ng faber castell na coloring pens at pencils, makakatanggap ako ng isang set nga, pero yung tipo ng mga color pens at pencils na nabibili sa divisoria, yung mabilis mawalan ng tinta at kulay. Nang minsan namang nagpabili ako ng robot na nabubuo, ayun, binigyan naman niya ako. Iba nag lang pangaln, hindi ko kilala. Pero in fairness, nabubuo naman yung robot mula sa mga hayop.

Matagal-tagal na din nang huli kaming magkita at mag-usap ni Ma. Namimiss ko na yung luto niyang lucky me instant mami chicken flavor.

Sam ma 1
Isang taong gulang daw ako noon, naka-lollipop na kulay pula, may pancit canton curls sa ulo, at mahigpit ang yakap sa may balikat ni ma noong unang umalis siya papuntang Saudi para magtrabaho. Pinatotohanan din yun nung larawang naiwan sa photo album namin sa prubinsiya. Andun ang larawan ng batang ako, bilugan ang mukha, mala-guhit ang mga mata, may subong lollipop at nakayap sa balikat ni ma.

Isang buwan kada taon ang tanging panahong ginugugol ni ma sa amin kapag umuuwi siya ng Pinas. I-minus natin doon yung dalawang taon na ginugol niya sa bansa noong ginawa, pinagbuntis, at pinanganak niya yung kapatid kong babae. Isang buwan sa isang taon, ganyan katagal namin nakakasama si ma.

23 na ako ngayon. So kung umalis siya noong isang taon pa lang ako at nagtigil sa Pinas ng 2 years, at hanggang ngayon ay nasa gitnang silangan pa din siya, you do the math. Yes, ganun katagal ko pa lang nakakasama yung nanay ko. Gayumpaman, mahal ko pa din naman siya. Bagama’t di ko na siya masyadong madama.

Noong grade 1 ako, napahgtanto kong dapat ma ang tawag ko sa nanay ko at pa naman sa tatay ko. Hindi mommy o Daddy kasi pang-mayaman yun. Di naman kami mayaman. Pag Tatay naman o Nanay masyadong pang-mahirap. Mama at Papa parang ang oa lang. Kaya naisip ko, Ma at Pa na lang. Shet bata pa lang pala ako may nalalaman na akong pagsosort ng social class na ganyan. Wag kayong mag-alala. Noon pa yun. Ngayon eh wala na akong pakialam kung anumang itawag ko sa nanay at tatay ko. Pero para sa purpose ng blog entries na ito para sa nanay ko eh tawagin na lang natin siyang Ma.

Ok, so si Ma yung madalas sabihin ng mag tao na kamukha ko daw. Noong bata ako naiinis ako kasi naman ang laging description sa kanya ng tatay ko at ng mga kamag-anak namin eh yung suplada, palaging nakasimangot, etc. You get the drift? Sino ba naman gustong ma-associate sa ganun diba?

SI Ma din kasi yung tipo ng tao na parang andami-daming problema sa buhay. SIguro nga madami, pero siya yung hindi man lang nag e-effort para maikubli ng bahagya yung mga problema niya. Gayumpaman, mahal ko siya.

Mahal ko si Ma kasi di siya kasing pisikal ni Pa kung magalit. ONting kurot, onting bulyaw, keri pa yun eh. DI naman siya namamalo gaya ni Pa. Kaya nga kung papipiliin ako noon kung kanino ako sasama, walang duda at wala nang isip-isip pa, kay Ma siyempre. Andun pa din kasi yung maternal instincts niya na kahit parang pinagsakluban na siya ng langit at lupa eh magaan pa din ang loob ko sa kanya at the end of the day. Yan si Ma, noong mothers; day ang huli naming pag-uuspa. Saglit lang. Wala pang sampung minuto.

Oink
Swine flu ang nagbibida-bidahan sa mundo sa mga panahong ito. Ang target- yung mga taong may mahihinang respiratory at immune system gaya ko.  Katakot lang. Kaninang umaga may binalita s aTV na batang nagbabakasyo galing Mexico na namatay dahil sa swine flu. Buti na lang di pa uso ang swine flu noong kabataan ko, kundi baka napuruhan na din ako. Noong unang panahon kasi, madalas ang pagkakataon na kinakapos ako at naghahabol ng hininga.

Wala naman akong hika. Never akong nagka-hika noon pero sa gabi, may mga pagkakataong napapabangon ako kasi kailangan kong huminga ng malalim. Para akong uhaw sa hangin noon. Akala ko nga gawa yun ng mga kapre sa balete sa tapat ng bahay. Baka nagalit sila kasi baka natamaan sila nung naihagis kong susi ng bahay. Akala ko talaga ganun pero ayon sa lola ko at sa tatay ko, sanggol pa daw ako eh halos malunod na ako noon sa mga iniinom na gamot para lang maka-survive at umayos ang baga.

Pero gaya ng ibang parte ng katawan na gumagaling, naghihilom at nag a-adapt sa paligid (noong bata ako eh nabasag ang ear drums ko at eventually naghiom din sila), medyo umayos ang mga baga ko. Salamat na din siguro sap ala-yosi kong tatay, at sa mga kaibigan kong pala-yosi habang tumatanda ako, nasanay ang baga ko sa usok. Nasanay akong lumanghap ng sari-saring amoy, mabaho man o mabango, natuto akong lumanghap ng iba’t ibang uri ng usok, natuto akong huminga ayon sa kinalalagyan kong sitwasyon.

Ngayong araw maghapong bahing ng bahing ang bigboss ko dito. Maghapon siyangnagkakalat ng virus sa kulob naming opisina. Goodluck sa mga viruses.

Kabayan, mag-iingat ka palagi ah?

un-locked
Grade 1 ako noong unang ipagkatiwala sa akin ng nanay ko yung susi sa bahay. Gagabihin daw sila ng uwi ng Tatay kaya bahala na muna akong magbukas at magkandado ng pintuan pagdating ko sa bahay mula sa paaralan. May iniwan na naman daw na pagkain doon kaya hindi ako magugutom.

Noong mga panahong iyon, proud na proud ako sa sarili ko kasi sa unang pagkakataon, naramdaman kong pinagkatiwalaan ako ng mga magulang ko. Aba, hindi lang simpleng task yun ah. Di na lang yun simpleng pagbili ng suka, toyo, at kuya sa tindahan sa kanto. Di na lang yun simpleng paghuhugas ng mga pinggan. Iba na yun, bigboy na ako. May susi na ako! Haha!

At eto na nga, tanghaling tapat noon sa di pa aspaltadong Mapayapa Village, ibinaba ako sa tapat ng bahay naming ng kulay blue na schoolbus na may mga bakal na chicken wire fence sa bintana. Pagkababa ko, dahil nga nakadama ako ng kakarampot na bahagi ng kalayaan na di ko pa natatamo noon, nagtatalon ako, nagsisigaw at winasiwas ko ng winasiwas paikot ang aking mga braso na parang nagwawalang mga ferry’s wheel. Wooooh! Freedom! Sugar rush na ito! (sugar rush kasi bata pa lang haha) Tangina talon ako ng talon noon. Tandang tanda ko pa para akongtanga sa gitna ng kalsadsa pero wala akong pakialam sa mundo. Siguro dahil feeling ko noon din a babalik yung mga magulang ko at ako, ako , ako na ang may  hawak ng buhay ko! Ansaya ko lang! Ansaya! Wooh! Ikot pa ng mga braso! Ikot pa! Ikot paaaaaaaaaa! at pagkaraan ng ilang minute, tenen-Wala na yung susi sa kamay ko. Anakngtokwangbaboy naman oh! Wala na yung susi! Wala! Shet! Lumipad? Ewan. Wala akong narinig na kalansing sa lupa. Siguro sumabit sa puno ng balete sa taas tapos kinuha ng kapre o kaya lumipad n alang mag-isa yung susi pataas sa langit tas kinuha ng mga angels. Ewan ko. Shet. Tumilapon ata yung susi sa may kabilang bakod na puro talahib.

Nagpanic naman ako noon. Paano kung yun lang ang susi naming sa bahay? Baka bugbugin ako ng tatay. Ang kaba ko lang noon. Takteng yan, sinampa ko yung kabilangbakod para hanapin yung susi sa damuhan hanggang inabot ako ng hapon. Actually, ginabi na ako pero wala na yung susi. Gusto ko nang maniwalang kiuha ng kapre sa balete yung susi ng bahay namin.

Gaya ng sinabi nila, late na ngangdumating ang mga magulang ko. Di ko na matandaan kung nakatikim ba ng malutong na palo ang mga pisngi ng pwet ko noon. Di naaman nila ako pinalayas ng bahay. Basta alam ko pinagalitan ako noon ng todo at hindi pinaglaro at pinalabas sa lansangan para maglaro ng ilang araw. At yun ang unang pagkakataon sa buhay ko kung saan bsta ko na lang iwinasiwas ang kalayaan at tiwalang pinagkaloob sa akin ng magulang ko.