Archive for the 'kabataan' Category

Page 2 of 2

tae-na

Noong bata ako, kabilin-bilinan ni Mamang na huwag titignan ang sariling jebs kapag nagbabawas ka at naglalabas ng sama ng loob sa kubeta dahil yun daw ang sanhi ng pagkalimot.  Hindi ko alam kung saan napulot ng lola ko yung kaalaman niya na yun tungkol sa jebs. Malay ko sa scientific basis nito. Ang alam ko lang, walang kaaya-aya sa pagmamasid ng sariling dumi na nakalutang sa kubeta. Pero sadyang may mga pagkakataong mapapatingin ka sa sarili mong dumi. Sadyang may mga bagay tayong nalilimutan, mga alaalang dumudulas sa isipan sa kabila ng masusi nating pagpapaalala sa ating mga sarili.

Continue reading ‘tae-na’

boy girl bakla tomboy

 

 

Isa din ba yang mga lyrics na yan sa parte ng soundtrack nung kabataan mo?

 

“Boy, girl, bakla, tomboy, butiki, baboy”

 

Kumusta naman, may pagle-label nang nagaganap sa mga kabataan noon. Di kataka-takang masyado nang madaming mga labels ang lipunan ngayon. Di din kataka-takang parang pagbili na lang ng kendi yung pagbabato ng panghuhusga ng mga tao sa isa’t-isa. Sa ngayon di na kataka-taka ang mga tao at batang judgmental.

Pero noong unang panahon, para sa akin, kataka-takang mabansagan akong boy, girl, bakla, tomboy. Yes, lahat yun. Sige, bonus na din ang butiki, baboy. Oo, lahat ng labels na yan naikabit sa pagkatao ko sa nagdaang mga taon. Heto ang mga kwento ko:

Continue reading ‘boy girl bakla tomboy’

Pebbles

Kasabay ko siya noon tumingin ng mga babae. Pasikreto kaming nangungupal at nagmamasid ng mga feeling maganda, ng mga puting ita, ng mga baluga, ng mga mababahong hininga, ng mga maagang nagdalaga, ng mga seksi, ng mga maamong mukha at ng mga babaeng may taglay na magagandang boses. Medyo magkaiba kami ng type. Crush ko si Kriselda, crush niya si Vanessa. Payat yung crush ko, malaman yung crush niya. Naiiba man ng onti ang tipo naming sa babae, masaya ako na nakakasama at nakakausap ko siya tungkol sa mga crush crush noong grade 4.

Madalas sabay kaming maglakad pauwi. Halos isang kanto lang kasi ang layo ng bahay nila sa amin at pareho pa kami ng dinadaanan kaya madalas ko siyang kasabay, Sa ilalim ng init ng katanghalian, magkaakbay kaming naglalakad at nagkukulitan ni Pebbles. Kami yung nag-aakbayan na parang solid na magbarkada. Yung tipong parehas nakaakbay sa mga balikat naming yung mga braso namin.       Continue reading ‘Pebbles’

Si Verna

Kasabay ng paghulog ng blue ballpen sa sahig yung pagkahulog ng loob ko kay Verna. Unang araw pa lang nang makatabi ko siya sa klase, iba na yung dating niya sa akin. Yun bang tipong di ka na nakaka-concentrate sa mga sinasabi ng teacher at hindi ka na nakakakopya ng lecture notes sa board dahil mas naaaliw kang panoorin siyang magsulat.

Kaibigan niya noon si Ruby Ann, yung honor student na maliit na malakas ang boses, Si Gladys, yung matangkad na babaeng malaking bulas, at yung babaeng di ko na matandaan ang pangalan na mukhang maldita pero mabait din naman kahit papaano. Kinaibigan ko yung mga kaibigan niya.
Continue reading ‘Si Verna’

Si Tukne

Kasabay ko siya noon maligo sa iisang batya. Siya ang una kong iniisip at inaantabayanan sa umagang sagana sa sikat ng araw at usok mula sa mga siga ng bundok ng mga tuyong dahon na naipon ng mga matatandang nagwawalis salikod-bahay. Siya ang kasama ko hanggang magdilim at pauwiin kami ng mga nakakatandang nag-aalaga sa amin.

Madami kaming pictures na magkasama- hubad, may damit, kumakain, naglalaro, umiiyak, naka-pose at naliligo. Siya ata ang unang crush ko.

Continue reading ‘Si Tukne’

843-281-8793

Sorry hindi kita kilala. Sabi ng google galing daw sa North Carolina ang numero mo. Sikat ka pala. Madami ka na din palang mga tinawagan bukod sa akin. Kala ko naman puro mga pogi lang yung tinatawagan mo o kaya isa kang sugo ng swerte at ikaw yung magsasabi na nanalo ako sa pakontes o kaya ikaw na yung magpapakasal sa aking kana, but  no! hobby mo lang pala magtatawag ng kung sino-sino. Buti na lang di kita sinagot. Sorry, diko kilala ang area code mo. Di tayo close at di kita kilala kaya di kita sinagot.

Ako gusto mong makilala? Dahil umalis si super big boss, at wala naman akong gagawin, bibigyan kita ng sulyap sa malabong nakaraan ngaking kabataan. Eto na siguro yung blog post na magbubukas ng ilan sa mga blog posts ng mga kwento ko noong bata pa ako.

Continue reading ’843-281-8793′