samjuan.com » sa pilipinas

Umo-OTY
Sarap lang mag OT (overtime) kapag bayad ka ng hour and a half kada patak ng oras no? Tangna kahit overtime everyday sige papayag ako. Eh kung nabihag ka ng sumpa ng OTY (Overtime na Thank You lang), naku sori ka na lang na gaya ko. Anak ng pinaghalong mababahong kanong me putok naman tong mga amo ko oh! Kung kelan mag-uuwian tsaka mag-uutos ng sangkaterba na tipong kelangan din a hora mismo. Ahmm ser tym na po. Buti sana kung sa tapat lang ako nakatira eh. Goodluck naman sa dal’wang oras pauwi. Partida alang trapik yun ah. Napakatagal lang maghintay ng mga bwakanang pampublikong sasakyan. Pwe. Ano bang sumpa ito. Kahit nung nagtatrabaho pa ako sa Pinas noon, dun sa dal’wang pinagtrabahuhan ko, eh madalas din akong mahuli ng OTY. Doon eh hardcore. Tipong alas tres ng madaling araw na ako nakakauwi pero walang bayad yun ah. Partida alas nueve pa ng umaga ang pasok namin. Napapa-haaay na lang ako eh. Gusto kong mang away pero sabi ni Itay wag na daw. Gusto ko magreklamo pero di ko magawa.Pa’no madalas yung mga pinagtatrabahuhan ko eh napasukan ko lang ng biglaan. Walang kontrata, walang papel, walang kasunduan. Oo alam ko mali ko din yun pero masisisi mo ba ang taong kailangan magtrabaho agad agad para makapag-ambag sa mga panggastos sa bahay? Noon sa Pinas, pagka-grad trabaho agad ako. Dito naman ‘sang linggo pagkadating namin eh nagcaregiver na ako agad. Nung naburat na ako doon, heto at nambobodegasina naman ako. Hagard sa bodega, Hagard sa opisina. Con todo alipin ang moda. Wala naman din akong magawa dahil di ako pwedeng bumitaw dito sa ngayon. Ala eh. Eto ang major source ng kinabubuhay naming mag anak sa bwakanang bansang to. Isa pa, di pa ako makapormang lumipat at mag-apply dahil alam niyo na, wala pang nakakanang kana ang inyong abang bida. Wala pang kapapelan ang gustong pumapel na si samjuan. haybuhayayay. Haha . Ayan. Nagtatype ako nito ngayon sa cellphone ko habang namamangha na naman yung mga kanong nakakakita sa akin na nagtetext nang mabilis at di nakatingin sa cellphone. Late na. Ingiti na lang ang kabwisitan. Pakyu badvibes. Haha. Kuma-cranberries ako ngaun. Zaaahmbeeh eh eh ang tugtog. Papunta na ako sa ilalim ng lupa. Sa subway tren. Late na. Gan’to talaga pag umo-OTY.

2nd honor
Habang nakapila papunta sa entablado para tanggapin ang mga ribbon at medalya, nagrerebolusyon ang utak at puso ko sag alit dahil sa lahat ng mga katangi-tanging mga batang tatanggap ng parangal noong ar aw na iyon, ako lang ang nag-iisa na wala man lang magulang o kamag-anak.

Grade 4 ako noon. Recognition day, isa sa mga mahahalagang araw sa buhay ko kung saan inaasahan kong may mga malapit na kapamilya at kapusong magsasabit ng medlaya at magkakabit ng ribbons sa akin pero wala eh, busy sila. Si Inay nasa Disyerto sa gitnang silangan, Si Itay naman may pasok, mag tito at tita? May pasok din at sa malayo sila nakatira. At dahil di pa marunong magpanggap ang mura kong kaisipan at damdamin noon, hindi ko naitago ang inis at pagtatampo ko sa mgataong dapat sana eh nandoon sa isa sa mga mahahalagang araw sa buhay ko.

Di ko nga alam isasagot ko noon sa adviser ko nung tinanong niya kung sino ang kasama kong aakyat sa entablado eh. Napayuko na lang ako. Di na siya nagsalita at sinamahan na lang ako sa stage. Sabagay, default nanay angmga adviser noong elementary, Siya nagsabit ng mga ribbons at medalya ko noon. Habang sinasabitan niya ako at habang kinukuhanan ako nglarawan ng mga manong photographers, hirap na hirap akong ngumiti, pramis. Kung maipapakita ko nga lang yung mag pictures ko noon, kundi nakayuko, nakatingin sa gilid, eh nakasimangot ako. Naiiyak kasi ako noon.

Ansama lang sa pakiramdam na alam mong mas madami pang mga bagay na mas mahalaga kaysa sa iyo at kaya kang isantabi lang ng basta basta. Halo-halonggalit at slight na pagkamuhi ang nararamdaman ko noon sa mga magulang ko. Bagama’t alam kong kailangan nilang magtrabaho, bagama’t alam kong mas madami pang mga bagay na importante para sa akin at kailangan ko silang intindihin, nasaktan ako noon kasi tagos puso kong naramdaman kung papaano ma- take for granted kahit pa sabihin nilang sa maliit na bagay lang yun.

2nd honor ata ako noong grade 4.

Lagi naman ata akong 2nd honor lang sa madaming mga bagay. (yun yun eh! Hahaha)

Nitong nakaraang mga araw, muntiiiiiiiiiiiiiiik ko na naman maramdaman yung parang nauubusan ka ng hininga tapos nag-iinit yung pakiramdam mo sa inis na parang may kung anong kumukulo sa kaloob-looban mo na kapag di mo nailabas eh sasabog na lang basta. Muntik ko na namang maranasan yung pagkakaroon ng mga mala-munggong butil ng luha sa gilid ng mata. Muntik ko na namang maranasan yung pagkamuhi na nagmumula sa di ko mawaring lugar. muntik ko na namang maibuhos ang galit ko sa hangin. Buti na lang medyo mature mature-an na tayo at kaya nang pigilin at kontrolin ang emosyon at kaya na ding intindihin ang mga bagay-bagay.

“Gagu! Helowwwww! Hindi umiikot ang mundo sa’yo!” sigaw ng konsensiya ko.

Salamat sa champaigne at sa fresh blueberries at sa avatar na pelikula, mabilis akong nakapag-move on sa aking emotional dilemma.

Back to grade 4 recognition.

Nung tapos na ang program, nakahabol si Mamang (lola mula sa prubinsya.) Thankful ako, pero naiiyak pa din ako sag alit, inis at pagtatampo. May larawan kaming dalawa pero nakasimangot ako at di nakalingon sa camera.

noong araw bago lumipad papuntang tate
Siyempre mabigat pa din yung mga paa ko noon. Parang may magnet ang lupang Pinas na ayaw akong pakawalan.

Nag-aya ang tatay na mamili ng mga sapatos sa Gateway sa Cubao. Sabi ko wag na ayus pa yung chucks ko. Mapilit siya. Minsan lang daw kami bumili ng orig na sapatos kaya wag na ako mag-inarte. Kumuha ako ng Adidas Stan Smith na sneakers. Yung tatay ko naman nakakuha ng Lacoste na sapatos.

Paikot-ikot kami ng mall, naghahanap ng mga dadalhin pa para bukas. Oo, kinabukasan na ang lipad papuntang Tate. Handa na ang mga bagahe. Ang utak at puso ko hindi pa. Malabo pa din kasi. Nyemas. Maiwan ako o sumama, parehong back to zero ang buhay ko. Wala naman kaming ari-arian sa Pinas. Ala kaming bahay. So kung maiiwan man ako, dapat makahanap ako ng matinong trabaho. Kung sasama ako, bagong buhay din naman na wala akong katiting na idea kung ano nga  ba ang kakaharapin namin doon.

Nakatanggap ako ng text. Nagyayaya ng inuman yung mga kaibigan ko na nakilala ko sa internet. Inuman daw s amay Katipunan. Sige sugod naman ako. Pinayagan ako agad ni Itay. Di na siya humirit since iyon na marahil ang huling gimik ko at inuman sa Pinas.

Inom, kain kwentuhan,. Nakaka-miss. Siyempre nakaka-miss din yung mga tao doon. Sina maong Twig, Si kuya na mukhang Jalibi, Si Darth Vader, at shet di ko matandaan yung iba. Nag a la Cinderella ako noon dahil pinapauwi ako ni Itay ng 12. Baka daw kasi ma-jix pa ang byahe namain at harinawa eh walang mangyaring masama sa akin.

So 12 ng medaling araw, nasa gate ako ng Kampo ng mga sundalo sa Lungsod Quezon.  Maglalakad pa ako ng mga tatlo o apat na kilometro bago makarating sa Barrio, kung saan kami pansamantalang nakitira (sa bahay ng Tito at Tita) bago kami umalis. Habang naglalakad ako, siyempre di ko maiwasang maisip yung posibleng mangyari sa Amerika, yung mag kaibigan ko na hindi ko pa nasasabihan tungkol sa aking paglisan, yung kawalan ng mga bwakananginang ilaw sa loob ng kampo ng gobyerno, kung may lalapa bas a aking mga aso, kung may mga multong magpapakita sa akin, kung matutupad nab a ang mga pangarap ko, kung magpaiwan kaya ako bigla, kung mas ok kaya sa Tate at kung ano ano pa.

Nakadating ako ng bahay mag a-ala una na ng madaling araw. Tulog na halos lahat ng mga tao maliban sa pinsan na nanonood ng TV na siyang nagbukas sa akin ng pinto.

Masakit yung mga paa ko. Masaya ang pakiramdam ko. Nae-excite ako. Natatakot din ako. Pero higit sa lahat parangmay mainit na namumuo sa pakiramdam ko. Alam mo yung pag inasara ka ng kalaro mo pero mali naman siya at gusto mongpautnayang tama ka? Parang ganun. Di ako nakatulog ng mahimbing noon pero alam ko nakatulog ako nang may ngiti.

Kinabukasan, suot ko na ang bagong Adidas Stan Smith Sneakers.

Back to square Juan
Ilang buwan din bago ako unang makalanghap ng di na gaanong fresh na simoy ng hangin sa daigdig noong Miyerkules, taon ng tiger para sa mga intsik, sa buwan ng pagdiriwang ng kaarawan ng pambansang bayani, ay tinangka ng aking ina na ipalaglag ako. yan ay base naman sa kwento sa akin ni mamang, yung lola ko (nanay ng tatay ko) na nag-alaga sa akin mula pagkapanganak hanggang sa lumaki na ako at natuto akong sagutin siya at saktan ang kanyang damdamin.

Panganay kasi ako. di lang sa aming magkakapatid, kundi panganay na apong lalaki din sa linya ng lahi ng tatay ko.  Nabuo ako sa pagjujug ng sundalo kong ama at ng nars kong ina na ngakaligawan at nagkagustuhan dahil sa pambubuyo ni Tito M na asawa ng ate ng nanay ko. Sundalo si Tito M at magiging isa sa mga mahahalagang tao na tutulong sa amin sa hinaharap.

Anyways, sa tulong ni Aling Marietta, yung sikat na midwife noon sa prubinsiya namin, nailuwal ako mula sa sinapupunan ng aking ina sa bahay nina Mamang at noon ay buhay pang si Dadi (tatay ng tatay ko).  Sa kaluma-lumaan kong photo album sa prubinsya makikita ang aking unang mga larawan. Maitim lahat, mukhang malusog naman, at nakahiga sa papag na nilatagan ng makapal na kumot na may tatak na AFP sa may bandang itaas.

Sa tulong ng mga photo albums at sa mga naipon kong kwento ng aking Tito, mga Tita, Lolo at Lolo at Lola, nabuo ko ang imahe at naalala ko kahit papaano ang mga bahagi ng aking kabataan bago ko pa mapagtantong malabo pala ang aking mga mata at kaiba pala ang pagtingin ko sa mundo kumpara sa ibang mga batang kalaro ko.

Mula sa photo albums, may iba’t iba akong mga larawan na suot ang iba’t ibang mga damit. May naka pantulog, merong mga solong kuha na may dala akong bola ng basketball, may mga kuha na nakangiti, maymga pose na nakatawa, may mga kuhang umiiyak, naliligo, kumakain, naglalaro, at naka pose sa iba’t-ibang bahagi ng aming lumang bahay. May larawan din ng unang birthday cake, ng binyag at ng mga taong hindi ko naman kilala na may astigas na fashion style. Hehe.

So, sa bahay namin sa may bukid sa Nueva Ecija ako unang nakalanghap ng hangin sa mundo. Ilang taon din ako namuhay doon hanggang sa matuto akong magsalita, lumakad, umihi sa arinola, at jumebs ang nakaupo sa bowl na hindi natatakot sa higanteng gagambang bahay na naninirahan sa banyo sa likod-bahay.  Pagkaalis kasi ng nanay ko noon papuntang Saudi, sina Mamang, Dadi at ilang mga Tito at Tita na ang nag-alaga sa akin. Eto ang maikling intro at simula sa buhay ni Samjuan.

Aw!
Isa sa mga talents ko noong kabataan ko eh ang paggaya ng boses ng may boses  (kasama sa paggaya ang tono, paraan ng pananalita at tamang bigkas ng mga salita ayon sa pinaggagayahan). Nandiyang gagayahin ko yung boses ng mga kalaro ko, yung boses ng mga teachers ko, yung boses ng mga napapanood ko sa TV at saka mga boses na naririnig ko sa tabi-tabi.

Noong grade 4 yata ako, kasagsagan ng kasikatan ni Marimar sa Pilipinas, naisipan kong magpamalas ng angking talent sa pag-awit. Nampucha. Sa maniwala ka at sa hindi, parang duplicate na copy ng boses ni Thalia yung boses ko noon- “Mah-riih-mar! Aw!”

Alam ko nagsimula yun sa talent portion sa klase eh. Kelangan may talent daw bawat isa. Eh ang bo-boring ng talents nila, ayun, ginaya ko si Marimar. At dahil dun, naging instant celebrity ako for a while sa isang mababang  paaralan sa liblib na bahagi ng Lungsod Quezon sa Maynila. Pinakakanta nila ako sa ibabaw ng upuan, sa ibabaw ng lamesa at sa entablado. Saglit na naging Marimar ang pangalan ko. Tangina lang. Haha.

Nang mapagtanto kong din a ito masay ata nakakagago na, itinigil ko na ang paggaya kay Marimar. Nag-move on na ako. Mga teachers ko naman ang ginagaya ko. Ilang mgateachers din ang naaliw at nainis sa akin kasi kayak o silang iimpersonate. Pagkatapos noon, mga kaklase naman. Mapa-babae pa yan o lalake, kayang kaya kong gayahin yung boses nila sa telepono. Mga gago kong klasmeyts nagagago ko, Ganun. Kay asiguro madaming nainis sa akin noon.

May time nag nung highschool, naalala ko nung di ko mapatahimik yung klase, napilitan akong gayahin yung boses ng terror teacher taps ayun, nagsitahimikan silang bigla. Haha. Saglit ngalang, kasi wala namang teacher na lumitaw.

Anyways, nakakatanga lang yung phase na yan ng buhay ko. Parang andami kong identities, literal. Naisip ko nga noon na mag voice talent sa cartoons eh, naunahan lang ako ng hiya. Pero ika  nag nila, s apaglipas ng panahon ay matatagpuan mo din at mapagtatanto kung sino ka. I am not everyone, I have to be someone, I am Samjuan. Oha! May ganyan pa akong nalalaman noon. Haha.  Pero seryoso, napakahabang panahon ang self at soul searching ha. Para kang nagtotono ng napakaraming boses sa sarili mo. Parang andami mong safeguard konsensiyas, ganun.

Nakngteteng. Nasasabaw na ako. Akala ko naman na-tono ko na yung sarili ko eh. But noooo. MAdami pa pala akong tunog na kayang gawin bukod sa panggagaya ng boses ng may boses. Madami dami pa ang oras ko para itono ang sarili ko. Woot.

Sam ma 2
Mahilig akong lutuan ni Ma ng lucky me instant mami chicken flavor. Paborito ko yun noong bata ako kasama ng bine-bake niyang pudding cake mula sa mga paluma nang mga tinapay. Kapag wala na siyang maluto noon, mga instant na pagkain ang hinahain niya. Wala akong reklamo doon. Kuntento naman ako at di lumaking malnourished.

Mas gusto ko si Ma noon kasi di niya ako pinapagaltan madalas. Minsan lang ako nakatikim ng bonggang kurot mula s kanya. Yun yung panahong inaya ko yung mga kalaro ko na lakbayin yung mga bagong lagay na tunnels (actually eto yung mga bilog na sementong nilalagay sa mga kanal, cement pipes sa ingles, tosang tawag sa may amin noon) sa gilid ng kalsada. Basta naalala ko isang hapon, since lider-lideran ako ng mga bata sa amin, nag-dare ako sa kanila na pasukin yung canal tunnels hanggang marating namin yung kabilang dulo. Mula sa may lagusan pinakamalapit sa tirahan naming, pinasok namin yung madilim na tunnel. Ilang minute na ang lumilipas pero parang wala pa kaming nakikitang daan palabas. Dahil adventurous kami, wala kaming dalang flashlight. Unti-unti nararamdaman naming yung magtaas ng tubig mula sa paa naming hanggangs amay tuhod hanggang umabot sa balikat namin. Medyo malayo na yung nalakbay namin at mahirap nang bumalik. Nang maramdaman kong nagpapanic na nun yung mga batang kasama ko, pinakalma ko sila at sinabihang itingala ang mga ulo, onting tiis na lang, kapag nakakita kayo ng liwanag, yun na ang lagusan. So pagkaraan ng halos isang oras na paglusong sa hanggang balikat na tubig kanal, nakakita kami ng liwanag. At last! Tangina! Light at the end of the tunel na ‘to! At umahon kami, basambasa sa tubig kanal, nanlilimahid na mistulang mga batang syokoy na nasisilaw sa sinag ng araw. Para din kaming instant artistas. Sa loob ng halos 10 segundo, nakuha naming ang atensiyon ng mga tao. Sa ibang baranggay na pala kami nakalabas. Pag-uwi ko ng bahay, nakabantay si Ma sa pinto. Salubong ang makapal na kilay. Binati niya ako ng isanlibo’t isangkurot mula Aparri hanggang Jolo ng katawan ko. Halong pandidiri at pagkainis ang nakita ko sa mukha niya noong hapong iyon. Agad niya akong hinila sa damit papuntang banyo. Tanda ko pa nung kumuha siya ng hose at pinaliguan ako na parang tuta. Pagkatapos niya akong sabunin at hugasan, kumuha siya ng isang bote ng isoprophyl alcohol at pinusitsitan ang katawan ko. Tangina ang hapdi lang lalo na sa pwet.

Yun na yata ang isa sa iilang intimate moments namin ni Ma. Bukod doon, tahimik naman siya madalas. Magagalit saglit pero di ako pinapalao gaya ni Pa.

Anyways, mahilig sa instant si Ma. Instant food, instant love, instant money, instant noodles at instant solution at instant lusot sa mga problema.

Minsan naikwento sa akin ni Mamang (nanay ng tatay ko) na binalak daw nila akong ipalaglag ng nanay ko noon ng ilang beses. Yes, bagama’t mahal na mahal ko si Mamang at close kami dahil peborit apo niya ako, tinangka pa di nila akong ipalaglag dahil bigla na lang daw inuwi ng tatay ko sa bahay nila sa prubinsiya yung nanay ko na may malaking bukol sa tiyan. Kung ano-ano daw mga gamut ang sinubukan nila para malaglag ako pero sorry, malakas ang kapit ko. Hi earth, I will be Samjuan pa.  (tangina so konyo)

Nang magkagipitan noon sap era, umalis ang nanay papuntang abroad. Lumipas ang mga taon at constant na 200 USD ang pinapadala niya sa amin. Mula yun nung unang alis niya ha hanggang huli naming pagkikiita noong 2007. Nang tanungin naming siya kung bakit at kung magkano ba ang sweldo niya at kung saan ba napupunta ang mga pera niya (since nurse siya sa Dubai) eh palagi siyang walang imik. Kung hindi siya iiyak, magkukulong s akwarto, mangbaba ng phone o kaya tatahimik basta, eh magsusulat siya ng suicide note. Why not diba? Naalala ko yung suicide note na sinulat niya noon, din a daw niya kaya at magbibigti na daw siya kundi niya lang kami naisip. Err, owki.

Si Ma yung tipo ng tao na di mo man lang makukuhan ng ni katiting na spak ng hope kapag down na down ka na sa buhay mo. Siya yung parang lagging malungkot, walang opera, pagod, kawawa, pinagsakluban nglangit at lupa, malas, namatanda, nakulam, lahat na. Oy, di ako nag-o-a.a. dito ha. Pramis, pag nakita mo si Mama Juan, para siyang anito ng mga mabibigat na bagay at negatibong element sa earth. Ewan.

Panalo lang kapag umuuwi siya noon sa Pinas, imbes na mamasyal kami at gumala gala kasi nga may bagong dating galing abroad kang nanay eh wag ka, mas madalas pa kami sa bahay. Yes. Kay ma ako natuto kung ano ang irony. Madami daw siyang utang na binabayaran. Wala daw siyang pera. Sa bahay na lang daw kami.

Kapag tinatanong niya ako kung ano ang gusto kong ipabili sa kanya, mapa-sa telepono man yan o mapa-personal, ang palagi kong sagot ay wala. Eh wala naman kasi akong aasahan. Isa pa, alam ko na kahit hindi niya ako bilhan ng mga gusto ko,eh makaka-survive naman ako sa buhay. Si Ma ang nagturo sa akin na iappreciate kung ano meron ako.

Well, binibilhan naman niya ako noon ng mga gusto ko. Nang sinabi kong gusto ko ng isang set ng faber castell na coloring pens at pencils, makakatanggap ako ng isang set nga, pero yung tipo ng mga color pens at pencils na nabibili sa divisoria, yung mabilis mawalan ng tinta at kulay. Nang minsan namang nagpabili ako ng robot na nabubuo, ayun, binigyan naman niya ako. Iba nag lang pangaln, hindi ko kilala. Pero in fairness, nabubuo naman yung robot mula sa mga hayop.

Matagal-tagal na din nang huli kaming magkita at mag-usap ni Ma. Namimiss ko na yung luto niyang lucky me instant mami chicken flavor.

Sam ma 1
Isang taong gulang daw ako noon, naka-lollipop na kulay pula, may pancit canton curls sa ulo, at mahigpit ang yakap sa may balikat ni ma noong unang umalis siya papuntang Saudi para magtrabaho. Pinatotohanan din yun nung larawang naiwan sa photo album namin sa prubinsiya. Andun ang larawan ng batang ako, bilugan ang mukha, mala-guhit ang mga mata, may subong lollipop at nakayap sa balikat ni ma.

Isang buwan kada taon ang tanging panahong ginugugol ni ma sa amin kapag umuuwi siya ng Pinas. I-minus natin doon yung dalawang taon na ginugol niya sa bansa noong ginawa, pinagbuntis, at pinanganak niya yung kapatid kong babae. Isang buwan sa isang taon, ganyan katagal namin nakakasama si ma.

23 na ako ngayon. So kung umalis siya noong isang taon pa lang ako at nagtigil sa Pinas ng 2 years, at hanggang ngayon ay nasa gitnang silangan pa din siya, you do the math. Yes, ganun katagal ko pa lang nakakasama yung nanay ko. Gayumpaman, mahal ko pa din naman siya. Bagama’t di ko na siya masyadong madama.

Noong grade 1 ako, napahgtanto kong dapat ma ang tawag ko sa nanay ko at pa naman sa tatay ko. Hindi mommy o Daddy kasi pang-mayaman yun. Di naman kami mayaman. Pag Tatay naman o Nanay masyadong pang-mahirap. Mama at Papa parang ang oa lang. Kaya naisip ko, Ma at Pa na lang. Shet bata pa lang pala ako may nalalaman na akong pagsosort ng social class na ganyan. Wag kayong mag-alala. Noon pa yun. Ngayon eh wala na akong pakialam kung anumang itawag ko sa nanay at tatay ko. Pero para sa purpose ng blog entries na ito para sa nanay ko eh tawagin na lang natin siyang Ma.

Ok, so si Ma yung madalas sabihin ng mag tao na kamukha ko daw. Noong bata ako naiinis ako kasi naman ang laging description sa kanya ng tatay ko at ng mga kamag-anak namin eh yung suplada, palaging nakasimangot, etc. You get the drift? Sino ba naman gustong ma-associate sa ganun diba?

SI Ma din kasi yung tipo ng tao na parang andami-daming problema sa buhay. SIguro nga madami, pero siya yung hindi man lang nag e-effort para maikubli ng bahagya yung mga problema niya. Gayumpaman, mahal ko siya.

Mahal ko si Ma kasi di siya kasing pisikal ni Pa kung magalit. ONting kurot, onting bulyaw, keri pa yun eh. DI naman siya namamalo gaya ni Pa. Kaya nga kung papipiliin ako noon kung kanino ako sasama, walang duda at wala nang isip-isip pa, kay Ma siyempre. Andun pa din kasi yung maternal instincts niya na kahit parang pinagsakluban na siya ng langit at lupa eh magaan pa din ang loob ko sa kanya at the end of the day. Yan si Ma, noong mothers; day ang huli naming pag-uuspa. Saglit lang. Wala pang sampung minuto.

un-locked
Grade 1 ako noong unang ipagkatiwala sa akin ng nanay ko yung susi sa bahay. Gagabihin daw sila ng uwi ng Tatay kaya bahala na muna akong magbukas at magkandado ng pintuan pagdating ko sa bahay mula sa paaralan. May iniwan na naman daw na pagkain doon kaya hindi ako magugutom.

Noong mga panahong iyon, proud na proud ako sa sarili ko kasi sa unang pagkakataon, naramdaman kong pinagkatiwalaan ako ng mga magulang ko. Aba, hindi lang simpleng task yun ah. Di na lang yun simpleng pagbili ng suka, toyo, at kuya sa tindahan sa kanto. Di na lang yun simpleng paghuhugas ng mga pinggan. Iba na yun, bigboy na ako. May susi na ako! Haha!

At eto na nga, tanghaling tapat noon sa di pa aspaltadong Mapayapa Village, ibinaba ako sa tapat ng bahay naming ng kulay blue na schoolbus na may mga bakal na chicken wire fence sa bintana. Pagkababa ko, dahil nga nakadama ako ng kakarampot na bahagi ng kalayaan na di ko pa natatamo noon, nagtatalon ako, nagsisigaw at winasiwas ko ng winasiwas paikot ang aking mga braso na parang nagwawalang mga ferry’s wheel. Wooooh! Freedom! Sugar rush na ito! (sugar rush kasi bata pa lang haha) Tangina talon ako ng talon noon. Tandang tanda ko pa para akongtanga sa gitna ng kalsadsa pero wala akong pakialam sa mundo. Siguro dahil feeling ko noon din a babalik yung mga magulang ko at ako, ako , ako na ang may  hawak ng buhay ko! Ansaya ko lang! Ansaya! Wooh! Ikot pa ng mga braso! Ikot pa! Ikot paaaaaaaaaa! at pagkaraan ng ilang minute, tenen-Wala na yung susi sa kamay ko. Anakngtokwangbaboy naman oh! Wala na yung susi! Wala! Shet! Lumipad? Ewan. Wala akong narinig na kalansing sa lupa. Siguro sumabit sa puno ng balete sa taas tapos kinuha ng kapre o kaya lumipad n alang mag-isa yung susi pataas sa langit tas kinuha ng mga angels. Ewan ko. Shet. Tumilapon ata yung susi sa may kabilang bakod na puro talahib.

Nagpanic naman ako noon. Paano kung yun lang ang susi naming sa bahay? Baka bugbugin ako ng tatay. Ang kaba ko lang noon. Takteng yan, sinampa ko yung kabilangbakod para hanapin yung susi sa damuhan hanggang inabot ako ng hapon. Actually, ginabi na ako pero wala na yung susi. Gusto ko nang maniwalang kiuha ng kapre sa balete yung susi ng bahay namin.

Gaya ng sinabi nila, late na ngangdumating ang mga magulang ko. Di ko na matandaan kung nakatikim ba ng malutong na palo ang mga pisngi ng pwet ko noon. Di naaman nila ako pinalayas ng bahay. Basta alam ko pinagalitan ako noon ng todo at hindi pinaglaro at pinalabas sa lansangan para maglaro ng ilang araw. At yun ang unang pagkakataon sa buhay ko kung saan bsta ko na lang iwinasiwas ang kalayaan at tiwalang pinagkaloob sa akin ng magulang ko.

The American Dream
Sa gitna ng mabundok at mabatong lugar may patag na lupa, mga kasing lawak ng isang kwartong pang-sampuan, na napapalibutan ng mga bakal na bakod (yung parang mga pa-diamond ang hugis ng mga butas na dikit-dikit) ang pinagkukumpulan ng madaming mga tao. Kasama ako at ang pamilya ko sa kumpol ng mga tao sa loob. Madaming mga pagkain, sigurado ako doon, bagama’t madilim dahil tanging liwanag lang ng bilog na buwan ang ilaw na dumadampi sa kadiliman, kita ko pa din ang mga nakahaing pagkain. Parang may pista. Sa kalagitnaan ng kaguluhan bigla akong kinabahan. Nawawala ang aso ko. Alam ko sa sarili ko na kailangan ko siyang hanapin kundi ay di matatahimik ang kalooban ko.

Nang buksan ko ang lock ng bakal na bakod, biglang napahinto yung mundo ng mgatao sa loob. Nang humakbang ako palabas, narinig ko ang sabay-sabay nilang paghinga ng malalim. Para silang choir na nagsasabing kasalanan ang ginawa ko. Bumaba ako sa mabatong lugar. Kinapa ko yung magkabilang bulsa ko, meron akong dalawang 45 na baril. Sa mga sandaling iyon parang nakatigil lang ang gabi. Tahimik na pinagmamasdan ako habang pinagmamasdan ko ang paligid. Maging ang hangin ay parang takot bumulong kung nakita ba niya yung aso na hinahanap ko hindi. Ilang minuto din akong nakatayo nang tuwid sa batuhan habang nagmamasid sa paligid. Ilang minuto din akong nakiramdam sa maingat na paghinga ng lupa, sa pagkaway ng mga munting damo sa batuhan, at sa pagkurap ng mga bituwin sa itaas. Ilang saglit pa, may paggalaw na bumulabog ng sagradong katahimikan ng gabi. Base sa kabog na naramdaman ko sa dibdib ko, sigurado akong yun yung aso ko na hinahanap ko. Dagli akong bumaba sa may batuhan para sundan siya. Mabilis, mailap yung asong hinahabol ko.

Pakiramdam ko noon isa akong hangin na kayang suungin ang anumang batuhan nang pigilan ako ng pagtawa ng anino na biglang lumitaw sa harapan ko. Sa gulat ko, napabunot ako ng mga baril.

Mula sa kinatatayuan ko, dahan-dahang lumitaw mula sa kadiliman ang imahe ng matanda na hawig ng pinagsamang Freddy Kreuger at Uncle Sam. Dahan dahan siyang lumakad papalapit sa akin hanggang sa maliwanagan siya ng buwan. Mula sa likod niya, inabot niya yung shotgun niya tapos tinutok sa akin. Nagsalita siya ng Espanyol. Espanyol angsinasabi niya pero naiintindihan ko siya.

TInutukan ko siya ng dalawang baril. Para kaming nasa duelo pero sa batuhan. Dahan dahan,naglalakad ako papaikot sa kanya habang nakatutok ang baril ko sa kanya. Kinausap ko din siya sa Espanyol. Espanyol ang salita namin pero Pinoy ako mag-isip nun. Sadyang Espanyol lang yung salitang lumalabas sa bibig ko.

Madami kaming mga salitang binato sa isa’t-isa. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Masyado siyang madaming sinasabi. Nang tumawa siya ng malakas, nabulabog ang hangin at hinipan kami. Nakatutok pa din yung baril ko sa kanya.

Di nagtagal, may mga yabag na pababa mula sa batuhan. Sa tabi ko, tumayo ang tatay ko, nanay ko at kapatid ko. Yung tatay ko, matanda na, nakasalamin. Yung kapatid ko, iba na ang itsura. Naka todo porma.Yung nanay ko, naka apple-cut na buhok. Blonde. Lahat sila nag i-English. At kelan pa naging Inglisero ang pamilya ko? Anak ng teteng. Nakatutok pa din yung mga baril ko sa matandang kamukha ni Freddy Kreuger at Uncle Sam. Nag-eespanyol pa din siya. Hiniritan ko siya ng Espanyol.

Nag e-Espanyulan kami ng kalaban ko nang biglang nagsalita yung kapatid ko. Yung boses niyang pang-kana na maartey na may twang. Tapos napatigil ako at biglang hindi ko na naiintindihan yung sinasabi ni manong Kreuger-Uncle Sam sa harap ko. TUmawa siya. Sabi ko sa kapatid ko, ilabas niya yung English-Spanish Dictionary ko. Pagkalapag niya ng dictionary sa bato, para akong tangang naghanap ng mga tamang salitang ipupukol sa matandang may nakatutok na baril sa akin. Tinutukan ko ulit siya ng baril. Nag-espanyol ako ulit. Nagising na ako.

Panaginip ko yan mga tatlong buwan bago kami mapadpad dito sa bansang ‘to. Wala. Wala akong ideya noon na mapapadpad kami dito. Hindi planado. As inpoof! Ay! Andito na kami? Haha. Ganun.

Minsan sa buhay ko kinamuhian ko ang pagtulog dahil sa kung ano-anong mga napapanaginipan ko. Nandiyang may binabaril sa harap ko, may mga higantengahas, may bombahan, mga eroplanong bumabagsak, gumuguhong minahan, post world war, murder, at madami pang mga di kaaya-ayang mga pangitain.

Naliwanagan lang ako ng bahagya sa panaginip kong ito nung mapadpad kami dito- Uncle Sam, ang naglipanang mga MexiKano, Mga Espanyol na salita sa maraming lugar. Awa naman ngkalawakan wala pang matandang hukluban ang tumututok sakin ng baril. Madami pa din akong hindi na-gets sa panaginip ko na yun. Ang alam ko lang, patungkol yun sa Tate.

Sa katotohanan wala akong aso. Hindi ako mahilig sa aso. Di nila ako masyadong gusto. Sa panaginip na ito, meron akong aso at malinaw sa utak ko kung ano ang itsura niya. Parang hawig niya si Scooby Doo na may lahi ni Lassie. Oo, magulo, pero ganun talaga yung itsura niya, pramis.

Anywas, feeling ko yan ang unang senyales sa akin ngtadhana na mapapadpad ako dito eh.

tae-na
Noong bata ako, kabilin-bilinan ni Mamang na huwag titignan ang sariling jebs kapag nagbabawas ka at naglalabas ng sama ng loob sa kubeta dahil yun daw ang sanhi ng pagkalimot.  Hindi ko alam kung saan napulot ng lola ko yung kaalaman niya na yun tungkol sa jebs. Malay ko sa scientific basis nito. Ang alam ko lang, walang kaaya-aya sa pagmamasid ng sariling dumi na nakalutang sa kubeta. Pero sadyang may mga pagkakataong mapapatingin ka sa sarili mong dumi. Sadyang may mga bagay tayong nalilimutan, mga alaalang dumudulas sa isipan sa kabila ng masusi nating pagpapaalala sa ating mga sarili.

Bakit kaya nitong nakaraan, yung mga nangyari noong nakaraang taon, mga tipong August pa o Oktubre pa eh sariwang-sariwa pa sa isip ko na parang kahapon lang sila nangyari? Nagulat na lang ako nung binalikan ko yung mga drafts ko sa email na tandang tanda ko pa ang laman. Parang kahapon ko lang isnulat yung tungkol sa pagbibilang ko ng mga eroplano habang nagbabantay ng mga higanteng trucks sa bodega. Sa katotohanan eh noong Oktubre ng nakaraang taon ko pa naman yun naisulat.

Madalas akong tanungin ng tatay kung gaano na kami katagal sa bansang ito. Palagi niya kasing sinasabi na dalawang taon na kami dito, eh sa katotohanan, nakaka-isang taon pa lang naman kami.

Kahapon ng tanghali, nakaharap ko na sa wakas yung Pinoy na kapitbahay namin. SIya yung tatay ni Nikow, yung batang echusera. Pagpasok na pagpasok niya sa bahay habang nagtatanghalian ako, tinadtad niya na ako agad ng mga tanong. “Saan ka nagtatrabaho?” “Anong ginagawa mo dun?” “Siguro malaki ang sweldo mo ‘no?” “Magkano?”

Pinuno ko ng pagkain yung bibig ko. Isa lang ang sinagot ko sa mga tanong niya bago siya yayain ng tatay na mag-yosi sa labas. Yun ay kung saan ako nagtatrabaho.  Dati daw siyang radio announcer/commentator sa Pinas.

Kagabi nawalan na naman kami ng kuryente. Palyado talaga yung mga saksakan at linya ng kuryente sa bahay. Wala din kaming masagap na matinong signal ng wi-fi sa kapitbahay. Dahil doon, tinawagan ng kapatid ko yung echuserang kapitbahay para manghiram nung usb na pang-konekta sa internet. Nang marinig namin ng tatay ang ginawa niyang pagtawag, agad namin siyang pinigilan. Kabilin-bilinan namin sa kanya na hangga’t maiiwasan, huwag hihingi ng pabor sa mga kapitbahay na Pinoy lalo na kung ehusera sila at masyadong matanong.  Nagtalo-talo kami kagabi hanggang sa makatulog ako ng maaga.

Pasado alas siete na ng umaga ako nagising kanina. Dagli akong bumangon at nagbihis nang hilahin ng kapatid ko yung kumot ko at sinabing, huy! Alas siete na! Lintek! Dapat gising na ako ng alas sais eh. Pasaway na Daylight Savings Time yan.

Ayon kasi sa nasanay ko nang katawan, alas sais pa lang ng umaga yung alas siete na kanina.

15 minutes akong late kanina.

May nadaanan akong dumi ng aso sa kalsada. Bihiran bihira ito dito. Nawala sa loob ko nadapat na pala akong tumawid sa tawiran.