Archive for the 'buhay ni sam' Category

noong araw bago lumipad papuntang tate

Siyempre mabigat pa din yung mga paa ko noon. Parang may magnet ang lupang Pinas na ayaw akong pakawalan.

Nag-aya ang tatay na mamili ng mga sapatos sa Gateway sa Cubao. Sabi ko wag na ayus pa yung chucks ko. Mapilit siya. Minsan lang daw kami bumili ng orig na sapatos kaya wag na ako mag-inarte. Kumuha ako ng Adidas Stan Smith na sneakers. Yung tatay ko naman nakakuha ng Lacoste na sapatos.

Continue reading ‘noong araw bago lumipad papuntang tate’

Pagkain sa tamang oras

Bata pa lang ako, batas na sa pamilya ang kumain ng sabay-sabay sa hapag. Walang antok antok. Hindi isyu kung busog ka pa o masakit ang tiyan, najejebs o nasusuka. Basta ang utos ng hari, kapag oras na ng kainan, dapat kang kumain sa ayaw at sa gusto mo.

“Igalang mo ang pagkain.” Bukambibig ni Itay sa akin noong maliit pa ako.

Siyempre hinding hindi ko malilimutan kung paano niya ipinapaliwanag na ang bawat butil ng bigas na sinasayang ko ay katumbas ng pawis ng mga magsasakang nagpakahirap para may makain kami. Hindi din siya nagkulang sa pagpapaalala kung gaano kami kasuwerte at may kinakain kami kumpara sa napakaraming mga batang walang makain sa lansangan.  Continue reading ‘Pagkain sa tamang oras’

Yosi Break

May nakapagsabi sa akin na sadyang masarap daw at nakakatulong sa pagjebs ang yosi. Tamang shit releaser ba. Di ako nagyoyosi pero parang natutukso akong subukan ito lalo na ngayong parang nagsisitigasan ang mga shits na dumadating sa buhay.

Pero siyempre napaisip ako. Cool pa ba magyosi sa panahong ito? Naalala ko naman ang mahina kong baga. Never naman ako nagka-hika pero alam ko noong bata ako halos di ako makahinga. May tb ata ako noon.

Sa kabilang banda, kung noong mga 50’s or 60’s siguro ako nabuhay at nauso angyosi, eh baka mapa-yosi din ako. Ang cool lang kasi sa mag larawan ng yosi o pag nagyoyosi ka.

Yung mga mahihiilg sa sining at mga pala-sining na kilala ko (patay at buhay) eh pala-yosi. Di ko sinasabing may kunek yun sa mga obra nila at disposisyon sa buhay ah. Baka lang nakakatulong din ang yosi para mapabilis ang pag-aalis ng shits sa buhay nila?

Well, kakaisip ko, naisip kong hindi na din ok ang mag-yosi these days. Bakit kamo? Continue reading ‘Yosi Break’

Eto ang wish ko tonight

(kung sakali mang may mapadaang shooting star at kung sakalaing makapag blog-hop dito sa aking pahina ang panginoon ng snag-kalawakan)  Continue reading ‘Eto ang wish ko tonight’

Words for the days to come

Umayos ka ha?!

Yan yung tatlong salitang madalas sabihin sa’kin ngmga kaibigan ko kapag may gusto silang iparating sa akin nang mabilisan. Tulad ng Oo na ng mga kababaihan na may maraming kahulugan, dinadagsa din ako ng mga bagay-bagay sa isipan kapag may bumira na sa akin ng Umayos ka ha?!

Nitong nakaraan mahigit sampung beses kong narinig at nabasa yung tatlong tumataginting na mga salitang yun. Para bang isang malaking billboard na nakabalandra sa harap ko na nagsasabing ayusin ko na ang buhay ko.

Continue reading ‘Words for the days to come’

Nay, contacts

Sana nababasa mo din itong blog ko diyan sa Dubai.

Mag-blog ka na din, nay! Ayus na ayus pangtanggal ng kahit kaunting stress na nararamdaman mo diyan.

Kapag may extra ka namang pera, padalhan mo ako ng pampagawa ng bagong contact lens. Halos magtatalong taon na ksi tong gamit ko. Madalas nang mag-dry kapag tumatawid ako sa kalsada o kaya bumababa ng hagdan papuntang subway. Pag may extra kang pera, padalhan mo naman ako ng kaunti para mas malinaw kong makita ang aking mga dinadaanan. Continue reading ‘Nay, contacts’

OOHMAHYYGHAAHHD

OMG na lang para maikli. Yun ang madalas sabihin ng big boss ko kapag nagugulat siya o kaya may kausap siya sa telepono at may kakaiba siyang nadiskubre, nakita o dagling naranasan.

OHHMAAAAHHYGHHAAAHHHDD.

Minsan mas mahaba pa dun.

OA lang.

Pero kanina hindi siya nakasigaw ng ganun. Di siya nakapag-react. Pinalabas niya lang kami ng opisina habangkinukuyog ng pagyanig ng lupa ang opisina at bodega.

Umatake na naman ang pasma ni mother earth.

Continue reading ‘OOHMAHYYGHAAHHD’

Tungkol sa appreciation sa ating mga Pinoy at OFWs

Basta kumakain, basta may suweldo, sige na nga lang, kaysa wala.

Ang blog post na ito ay kaugnay ng nauna kong entry na pinamagatang “Mag-imagine muna tayo” tungkol sa sinabi ng isang Arabo sa mga Pinoy. Naalala ko kasi ang mga komento ni kabayang tagabukid, poging payatot at bisita. Magaganda nag kanilang mga puntong sinabi patungkol sa appreciation ng mga ibang lahi sa mga PInoy. Ayon sa kanila, hanggang appreciation lang naman daw talaga at hanggang dun na lang. Ang nangyayari madalas, underpaid pa din ang maraming mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa at madalas ay naabuso pa.

Kaugnay nito, naisip ko lang na baka may kinalaman ito sa kaugaliang Pinoy na madaling maging komportable. Continue reading ‘Tungkol sa appreciation sa ating mga Pinoy at OFWs’