samjuan.com » buhay ni sam

Happy New Year Itay
May bago ka na namang pangarap ha?

Yan naman talaga gusto ko sa iyo eh. Napakarami mong bagong pangarap.

Wala ka namang plano.

Parang yung pagbitbit mo sa amin dito sa bansang ito.

Akala ko naman paglapag mo dito eh parang pagbigkas lang ng ABC ang buhay. But no. Complex Paragraphs ito na nangangailangan ng semiotic analysis, statistical analysis, at mathematical formulas. Putanginang kumplikadong buhay ng tate. Haha.

Ok lang naman ‘Tay. Kung iniwan mo ako sa Pinas, malamang nagtatrabaho pa din ako sa dalwang kumpanya, maliit ang sweldo, wala pa ding laptop, walang camera, at medyo mas mababa ang tiwala sa mag tao at lipunan.

Kung titimbangin naman ang pros at cons ng pagbitbit mo sa amin dito (kahit na wala kang kaplano-planong matino) eh mas nagiging matimbang na naman ang mga positives.

Andito ang opportunities eh.

Oo, puro opportunities, pero di ko naman madakma, mahawakan, at mayakap man lang dahil di ako pwede.

Oha, ikaw ok ka na ha. Ok na mga papeles mo. Sana magtuloy-tuloy na ito.

Relax lang, makakakuha ka din ng mas matinong trabaho. Patience.

Tandaan, kakumpitensya mo pa din ang marami sa mga mga kanong shungaers na reklamo ng reklamo pero di naman naghahanap ng trabaho talaga.

Makakausad din tayo tay. Tamo naman, halos mabaon na ako sa utang mapaayos lang ang kapapelan mo diba? So this is it pancit!

Pero naman tay, hirit mo parang wala sa wisyo na naman eh. Epekto ng Thai buffet?

Di ka naman kumain ng madami eh. Oo alam ko, nagmamadali ka na naman at marahil naiinip ka na kais tatlong taon na eh ikaw pa lang ang mapapaayos sa ating tatlo, pero naman. Wag kang magsa-suggest ng business at this point.

Pucha.

Di ako nagkokontrabida ha? Pero sana tignan mo muna lahat ng anggulo. Ang mag resources, ang plano. Paano? Saan? Sige nga. Di naman to Pinas na tipong tara business tayo, tayo tayo ng karinderya o sari-sari store sa kanto.

Kailangan ng permits. Mga bagay-bagay na di kaisng simple ng iniisip mo.

Kailangan ng pera, kapapelan. Ugh.

Magkakabusiness din tayo. Promise.

Aayusin ko lalo ang buhay ko. Kundi man this year, basta, maayus tayo ok?

Happy New Year.

P.S.: Magpagamot ka na please? Pareho na kayo ng kapatid kong dinudugo eh. Wag kang papaubos ng dugo ok?

Happy New Year Inay
Happy Birthday na din.

Sana masaya ka diyan sa disyerto.

I wonder kung nung pinanganak ka ni lola eh kasalukuyang nagpuputukan o payapa na ang kalangitan mula sa mga paputok at kaguluhan mula sa selebrasyon ng bagong taon.

Gaya ng mga nakaraang taon mula nung pagkabata ko, wala akong regalo sa iyo. Tska na siguro pag nagkita tayo. Kelan kaya yun no?

Taon niyo daw ito sabi nung napanood kong New Year’s prediction sa TV. Seswertihin daw ang mga pinanganak sa year of the pig this year. Naman!

Sana swertihin kang nawa nang hindi puro reklamo sa buhay na lang ang maririnig naming mula sa iyo. As a pig, maging malusog at masagana sana ang iyong taon.

Sana matuto ka nang mag-YM.

Alam kong may davantages at disadvantages ang pagiging mag-isa diyan. Pero dahil nasa abroad na din ako ngayon at namumuhay bilang OFW, parang mas naniniwala akong mas may advantage kung mag-isa ka lang.

Pwede mong ituring na joke yung paghingi ko ng pera sa YM. Yaan mo nay un. Ang pera kinikita naman. Ang presence ng kapamilya hindi. Sana maramdaman ka na naming this year? Ewan ko. Sana maramdaman kong may nanay pa ako.

Happy Birthday!

Happy New Year Sister
Yes naman. Parang kanina di pa kita binati ano?

Pakabait ka jdiyan at mag-ipon ka ng pera mo.

Sana bukas sa pagpatak ng bagong araw ng taon eh malinis mo na ang kwarto mo.

Wag ka na maging choosey masyado.

Yaan mo, aayus din ang buhay natin at makakapag-aral ka din.

P.S. hahanap na ako ng baryang panlaba mo bukas

Happy New Year Ex
Scenario noong isa sa mga nakaraang New Year: (Hulaan mo na lang kung kelan)

TInatawagan kita.

Riiing. Riing. Riiiing. Kuriiiing. Annniiing. Anniiing. Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!

Tangina walang sumasagot.

RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!

Sinagot. Multiple boses personalities ang narinig ko.

Binaba.

Bwahaha.

Mga ilang minuto yun bago pumatak ang bagong taon.

Gusto ko kasing makausap ka.

Nagtext na lang ako. Gusto kong makatext ka sa unang Segundo sa pagpasok ng taon.

Eh ang putanginang cellular network tinopak. Bwahaha.

Message not sent.

Tumawag ako.

RIIINGGGGGGGG… sinagot!

Binaba.

Gusto ko lang naman sabihin noon na I love you.

Ok. Haha.

Well, initially di talaga ako naniniwala dun sa pamahiin na kung ano yung ginawa mo ng bagong taon eh yun na ang gagaiwn mo sa buong taon. Bullshittz. Kung nagjakol ka ng bagong taon eh jajakol galore ka buong taon? Di din.

Isa pa, relative din naman ang simula ng taon diba? Relative sa time zone, relative sa kalendaryo, relative sa kultura.

Anyways, magha-happy New Year na lang ako at magba-blog.

O diba, baka sakaling mas sipagin ako mag blog sa padating na taon.

noong araw bago lumipad papuntang tate
Siyempre mabigat pa din yung mga paa ko noon. Parang may magnet ang lupang Pinas na ayaw akong pakawalan.

Nag-aya ang tatay na mamili ng mga sapatos sa Gateway sa Cubao. Sabi ko wag na ayus pa yung chucks ko. Mapilit siya. Minsan lang daw kami bumili ng orig na sapatos kaya wag na ako mag-inarte. Kumuha ako ng Adidas Stan Smith na sneakers. Yung tatay ko naman nakakuha ng Lacoste na sapatos.

Paikot-ikot kami ng mall, naghahanap ng mga dadalhin pa para bukas. Oo, kinabukasan na ang lipad papuntang Tate. Handa na ang mga bagahe. Ang utak at puso ko hindi pa. Malabo pa din kasi. Nyemas. Maiwan ako o sumama, parehong back to zero ang buhay ko. Wala naman kaming ari-arian sa Pinas. Ala kaming bahay. So kung maiiwan man ako, dapat makahanap ako ng matinong trabaho. Kung sasama ako, bagong buhay din naman na wala akong katiting na idea kung ano nga  ba ang kakaharapin namin doon.

Nakatanggap ako ng text. Nagyayaya ng inuman yung mga kaibigan ko na nakilala ko sa internet. Inuman daw s amay Katipunan. Sige sugod naman ako. Pinayagan ako agad ni Itay. Di na siya humirit since iyon na marahil ang huling gimik ko at inuman sa Pinas.

Inom, kain kwentuhan,. Nakaka-miss. Siyempre nakaka-miss din yung mga tao doon. Sina maong Twig, Si kuya na mukhang Jalibi, Si Darth Vader, at shet di ko matandaan yung iba. Nag a la Cinderella ako noon dahil pinapauwi ako ni Itay ng 12. Baka daw kasi ma-jix pa ang byahe namain at harinawa eh walang mangyaring masama sa akin.

So 12 ng medaling araw, nasa gate ako ng Kampo ng mga sundalo sa Lungsod Quezon.  Maglalakad pa ako ng mga tatlo o apat na kilometro bago makarating sa Barrio, kung saan kami pansamantalang nakitira (sa bahay ng Tito at Tita) bago kami umalis. Habang naglalakad ako, siyempre di ko maiwasang maisip yung posibleng mangyari sa Amerika, yung mag kaibigan ko na hindi ko pa nasasabihan tungkol sa aking paglisan, yung kawalan ng mga bwakananginang ilaw sa loob ng kampo ng gobyerno, kung may lalapa bas a aking mga aso, kung may mga multong magpapakita sa akin, kung matutupad nab a ang mga pangarap ko, kung magpaiwan kaya ako bigla, kung mas ok kaya sa Tate at kung ano ano pa.

Nakadating ako ng bahay mag a-ala una na ng madaling araw. Tulog na halos lahat ng mga tao maliban sa pinsan na nanonood ng TV na siyang nagbukas sa akin ng pinto.

Masakit yung mga paa ko. Masaya ang pakiramdam ko. Nae-excite ako. Natatakot din ako. Pero higit sa lahat parangmay mainit na namumuo sa pakiramdam ko. Alam mo yung pag inasara ka ng kalaro mo pero mali naman siya at gusto mongpautnayang tama ka? Parang ganun. Di ako nakatulog ng mahimbing noon pero alam ko nakatulog ako nang may ngiti.

Kinabukasan, suot ko na ang bagong Adidas Stan Smith Sneakers.

hiwaga ng panahon, akbay ng ambon
Namimiss ko yung tunog ng mga patak ng ulan sa bubong noong bata pa ako sa prubinsiya namin sa Nueva Ecija. Nakaka-relax kasi. Gustong gusto ko yun kapag tanghali o kaya gabi tapos nakabalot ako ngkumot taps nakadantay yung mga paa ko sa kulay asul ko na unan na my pundang yari sa kulambo. Mmmmsarap!  Yun ang perfect eksena ko ng relaxation noon.

Nitong mga nakarang araw, muling nanumbalik sa akin yung nakaka-relax na alaalang iyon ng aking kabataan. Anak ng pokwang naman kasi binabagyo ang parteng ito ng Amerika. Kala mo naman nasa New York ako sa Washington. Jusmio ang hangin at ulan. Maghapong madilim aakalain mong uso ang eclipse nowadays. Nyemas. Namiss ko ang bagyo. At wag ka bumabaha din dito! Yay! Pinas na Pinas. Nasa Amerika ba ako? Hahahaha.

Panalo din ang mga patak ng ulan sa bubong ng pinagtatrabahuhan ko. Sorry na daw wala kaming kisame. Bubong na yero lang kaya naman dinig na dinig ko ang mga higanteng patak ng luha ng emo na panahon dito. At dahil diyan, parang bagyo din akong binabalikan ng mga alaala ng aking kabataan, ng mga simpleng hapon at gabi na hinehele ako ng mga tunog ng patak ng ulan.

Nakaka-miss kasi dito bihira ako magkaroon ng matinong tulog. Sa dami nginiisip mo at mga dapat isipin eh minsan kahit sa panaginip, naiisip mo pa din sila. Minsan naman nagpapapansin lang yung isip mo at kung ano ano mga napapanaginipan mo.

Buti sana kung pwedeng matulog dito sa opis eh. Kaso wala yung paborito kong asul na unan na may pundang gawa sa kulambo. Cannot be. Lalo pa na sa bansang ito ay hindi ka pwedeng magtulug-tulugan. Di pwedeng basta nalang takasan ang mga problema at inniisip. Dapat lagging palaban kabayan! Ohhyeh!

*ang pamagat ng entry na ito ay hiniram mula sa kanta ng bandang Rivermaya na Ulan.

Pagkain sa tamang oras
Bata pa lang ako, batas na sa pamilya ang kumain ng sabay-sabay sa hapag. Walang antok antok. Hindi isyu kung busog ka pa o masakit ang tiyan, najejebs o nasusuka. Basta ang utos ng hari, kapag oras na ng kainan, dapat kang kumain sa ayaw at sa gusto mo.

“Igalang mo ang pagkain.” Bukambibig ni Itay sa akin noong maliit pa ako.

Siyempre hinding hindi ko malilimutan kung paano niya ipinapaliwanag na ang bawat butil ng bigas na sinasayang ko ay katumbas ng pawis ng mga magsasakang nagpakahirap para may makain kami. Hindi din siya nagkulang sa pagpapaalala kung gaano kami kasuwerte at may kinakain kami kumpara sa napakaraming mga batang walang makain sa lansangan.  Golden

Gets ko naman ang punto ni Itay. Mahalagang igalang ang pagkain. Dapat kumain at di aksayahin ang pagkain. Check. Pero ang di ko lang magets, dpat ba laging namimilit sa pagkain?

Heto halimbawa, sa bahay, kahit noong nasa PInas pa kami, pagpatak ng alas siete ng umaga o alas sais, alas dose sa tanghali at madalas alas siete ng gabi, o basta kung kailan natapos na sila/kami magluto, dapat diretso hain na. Bawal umangal. Kahit pagod ka, inaantok, di ka pa nakakabihis galing school o trabaho, o sadyang busog ka lang talaga, dapat humarap ka sa hapag. Batas nga eh. Ok lang nga na kumain at alam ko naman ang halaga ng pagkaing nakahain. Eh paano kung busog ka pa diba? Mas lalong may masasayang kapag nagkataong isusuka mo lang yun kinain mo.

Ang kinakainisan ko lang talaga eh yung parte ng pamimilit. Isa pa, bakit ba kailangang sundin ang oras? Yung oras ba ang kumakain at hindi yun tao? Di pwedeng maging flexible?

Nitong nakaraan kasi,nagka sermunan galore na naman sa bahay noong dumating ako na medyo late dahil sa mga bawakanang bus na matagal na nga dumating eh ambagal pa ng takbo. So siyempre pagdating ko galit na nag Itay. Gutom na daw siya. Kakain na daw. OK, sabi ko. Pero magbibihis muna ako at maghihilamos. Ang kapatid ko tulog sa kwarto. Pagod ata sa eskwela. Paglabas ko ng banyo, tenen! Sermon galore con todo galit na si Itay. Di na lang kami nagsalita. Sa galit niya,  hindi na daw siya magluluto kinabukasan. Sabay sabay nga kami kumain. Masarap na hapunan? Sana.

Kinabukasan, nagluto pa din ng pagkain ang tatay.

Yosi Break
May nakapagsabi sa akin na sadyang masarap daw at nakakatulong sa pagjebs ang yosi. Tamang shit releaser ba. Di ako nagyoyosi pero parang natutukso akong subukan ito lalo na ngayong parang nagsisitigasan ang mga shits na dumadating sa buhay.

Pero siyempre napaisip ako. Cool pa ba magyosi sa panahong ito? Naalala ko naman ang mahina kong baga. Never naman ako nagka-hika pero alam ko noong bata ako halos di ako makahinga. May tb ata ako noon.

Sa kabilang banda, kung noong mga 50’s or 60’s siguro ako nabuhay at nauso angyosi, eh baka mapa-yosi din ako. Ang cool lang kasi sa mag larawan ng yosi o pag nagyoyosi ka.

Yung mga mahihiilg sa sining at mga pala-sining na kilala ko (patay at buhay) eh pala-yosi. Di ko sinasabing may kunek yun sa mga obra nila at disposisyon sa buhay ah. Baka lang nakakatulong din ang yosi para mapabilis ang pag-aalis ng shits sa buhay nila?

Well, kakaisip ko, naisip kong hindi na din ok ang mag-yosi these days. Bakit kamo?

Una, andami nang nagyoyosi sa panahon ngayon. Eh kumusta ka naman bilang pandagdag sa polusyon ng daigdig. Pangalawa, di gaya noong unang panahon na di hamak na mas malinis pa ang hangin at di pa gaanong madami ang nagyoyosi sa daigdig, mas maliit ang pagkakataon na maging sanhi ng madalian mong pagkatigok ang pagyoyosi. Ganito langyan eh, para bang noon, yung mag tao, can afford nila ang mag-isip ng matagal at pumetiks at mamilosopo sa mga bagay bagay dahil andami nilang oras na libre. Sa panahon ngayon, napakarami nang distractions at anlaki na ng pinagbago ng mundo kaya ang mga tao, di na masyadong nagiging palaisip.

Anyways back to yosi. Magyoyosi ba ako para majebs nang mabilis? Ewan. Not in the near future siguro kasi madami namanakong paraan na pwedeng gawin para majebs agad.ang jebs parte yan ng buhay. Lalabas at lalabas din yan kahit gaano pa katigas. May paraan din par amapalabas ito ng pwersahan. Ang mahalaga, siguraduhing makakapaghugas ka ng mabuti pagkatapos ng bawat jebs session mo.

Eto ang wish ko tonight
(kung sakali mang may mapadaang shooting star at kung sakalaing makapag blog-hop dito sa aking pahina ang panginoon ng snag-kalawakan)

Sana po ay maayus na ang buhay ko, I mean, yung stable na maayus, yung may sapat na pera at resources para mas may time akong makasama yung taong mahal ko at taong gusto kong makasama. Yung bang kaming dalawa lang pero hindi kami nag-aalinlangan sa gastos, ganun. Yung magkasama kami na kahit hindi kayo nag-uusap, eh kuntento na kayo sa isa’t-isa at magaan pareho ang pakiramdam.

boy girl bakla tomboy
Isa din ba yang mga lyrics na yan sa parte ng soundtrack nung kabataan mo?

“Boy, girl, bakla, tomboy, butiki, baboy”

Kumusta naman, may pagle-label nang nagaganap sa mga kabataan noon. Di kataka-takang masyado nang madaming mga labels ang lipunan ngayon. Di din kataka-takang parang pagbili na lang ng kendi yung pagbabato ng panghuhusga ng mga tao sa isa’t-isa. Sa ngayon di na kataka-taka ang mga tao at batang judgmental.

Pero noong unang panahon, para sa akin, kataka-takang mabansagan akong boy, girl, bakla, tomboy. Yes, lahat yun. Sige, bonus na din ang butiki, baboy. Oo, lahat ng labels na yan naikabit sa pagkatao ko sa nagdaang mga taon. Heto ang mga kwento ko:

Boy:

Una sa lahat, nais kong magpasalamat ng tagus-tagusan mula sa kaibuturan ng aking puso sa mga hindi nagkamaling tawagin akong “boy.” Salamat. =D (Ayan, isang nakangiting smiley para sa inyong lahat. Wag bastus, smiley yan.) Nitong huli na lang bihirang magkamali ang mga tao sa akin. May goatee na kasi ako, madalas magpaikli ng buhok tsaka natutunan ko nang palalimin yung boses ko. Malaki na din ang ipinagbago ng lakad ko mula noong elementary. Mas maangas na daw akong maglakad. Noon ngang kolehiyo, madalas sabihin ng mga kaibigan ko noong highschool na bawas-bawasan ko ang pag-aangas ko sa paglakad kapag mag-isa lang akong gumagala sa Cubao. Di naman daw kalakihan ang katawan ko, kaya mahirap na kung may maangasan sa akin, baka mabugbog pa ako. Sa araw na ‘to, boy pa naman as in boy totoy ang tingin sa akin ng mga Kano dito.

Girl:

Ehem, eto ang medyo madugong part. Sa tanang buhay ko, bilibit or nuts, madaming beses na akong napagkamalan, nasabihan at inakalang babae. As in tunay na biological female ah. Heto ang ilan sa mga stand-out na mga pagkakataon na hanggang ngayon eh sariwa pa din sa memorya ko-

-Minsan noong maliit pa akong bata, madalas akong isama ni Mamang (lola ko sa Tatay ko) sa may PLDT sa bayan para tumawag ng long distance pa-Maynila. Yes, uso pa ang telephone booth noon sa mga walang landline sa prubinsiya. Wala pa ding cellphones noon. Anyways, nakaupo ako sa bangketa na pahaba habang hinihintay ko si Mamang noon nang lapitan ako nung babaeng may-ari ng tindahan. Kahit di ko siya masyadong makita noon dahil sadyang malabo na ang mga mata ko nungbata ako, eh alam kong tinititigan niya ako at nakangiti siya sa akin. Lumapit siya sa akin sabay hirit ng “Ang ganda-ganda naman ng batang ito!” tapos hinimas niya mukha ko tapos tinapik ako sa balikat. Aba’t may pahabol pang “Angganda mo. Ang puti-puti!” nagulat ako noon. Seryoso. Tatayuan ko sana siya (tatayo ako at ipagtatanggol ang maliit kong sarili) pero mabilis siyang umalis at hinarap ang bagong dating niyang customer.

-Sa Lecture hall sa isang klase ko noon sa kolehiyo, Eh din agro-roll call itong si propesora. Palibhasa kilala lang niya kami sa mga larawang nilagay namin sa pinasa naming index cards, eh di ka na dapat magtaka kung malagyan ka ng label nang hindi sinasadya. Halos natawag na niya ang lahat sa klase nang biglang “Ms Juan? Ms Juan? Is Ms Juan present?” Errrrrr may kaapelyido ba ako sa klaseng ito? Walang ibang nagtataas ng kamay. Walang kumikilos, walang umanagkin sa apelyido. Gusto kong tanungin on the spot kung ako nga ba si Ms Juan na tinutukoy niya pero natalo ako ng hiya. Di ako nagtaas ng kamay. Pagkatapos ng klase, nilapitan ko ang propesora at sinabing di niya natawag ang pangalan ko sa attendance. “Ano apelyido mo?” Uhm, Juan po. “Teka, Sam Juan?” Uhm, opo. “Aynaku, akala ko naman babae ka!” Sabay tawa ng propesora habang nakaturo ang daliri sa larawan kong may mahabang buhok sa index card.

-Mga grade 6 ako nito, sa Jollibee sa may Ali Mall sa Cubao. Naka bull-cap ako, mukhang bagong gising. Bungad ng kahera sa akin: “Hi Mam, Goodmorning! What can I do for you today?”

Pilit kong pinalalim ang namimiyok kong boses noon sabay sabing “CHEESEBURGER MISS!! CHEESEBURGER”

-Sa Megamall, Unang taon ko sa kolehiyo. Naisipan kong makipagkita sa mga highschool friends. Manonood dapat kami ng sine. Pero nagugol ang oras sa panonood ng mga taong dumadaan. Oa lang ang paghihintay noon. Dahil nagkagutuman na, naisipan kong bilhan ang mga kaibigan ko ng pagkain sa pinakamalapit na hotdogan sa may sinehan. Bumili ako ng tatlong hotdogs. Nung babayaran ko na, humirit si ateng kahera, “Miss, do you want to add cups of iced tea to your meal?” Ano daw?! Tanda ko naman eh nagsalita ako nung bumili ako ng hotdogs. Chura netong babaeng to. Judgmental. Mahaba lang ang buhok ko noon eh. Bagong straight. Nampucha. Anyways, di ako sumagot for a while. Inulit ni ate yung sinabi niya “Miss, Iced tea?” Sabay ngiti siya. Binaba ko yung hotdogs sabay tumitig sa mga mata niya, inihanda ang vocal chords, at sinabi sa pinakamababaaaang boses na kaya ko ang “NO THANKS!” sabay tapik ng mga kamao sa dibdib. Imagine yung mga maskulados na tumatapik ng dibdib para magmukhang tigasin, ganun ginawa ko. Natulala si Ate saglit. Di ko na siya pinagsalita. Umalis na ako.

-Sa telepono. Mga grade4-6. Sa kampo ng mga sundalo, Lungsod Quezon. Kapag may tumatawag sa bahay, ako ang receptionist. “Hi, goodmorning sino po sila?” ang palagiang bati ko noon. Oks naman eh, pero nung magsimulang dumami yung mga sumasagot nang “Ah! Ikaw pala yung anak na babae ni Seargeant Juan…” “Ikaw na ba yung dalaga ni Master Juan?” “Goodmorning Ms beautiful, Anjan ba daddy mo?” Nakngtinapanamanoh! Ako na ang dalaga ni Itay!

-Highschool. Kasagsagan ng three-way at party-line sa telepono. Since natuklasan ng mga maloloko kong barkada na kaya kong magboses babae noon, napagtripan nilang gaguhin ang mga feeligerong pogi at crush ng bayan sa classroom. Siyempre, ako ang kunwaring babae sa telepono. Sobrangimpromptu ng mga pranks na ginagawa naming noon. MInsan mahahalata mong shunga yung felingero mong classmate kapag ipnatulan ka niya at bumigay siya sa’yo.

Sample na usapan #1:

Samjuan: Hi. Is this *toot*?

Feelingerong classmate1: Yeah, I’m *toot* Who’s this?

Samjuan: Uhm, I’m Julie. You know, like Jolina. Julie Mondragon.

Feelingerong classmate1: Oh, ok. So how did you get my number?

Samjuan:  I heard you’re one of the crush ng bayans in your school. Do you know paper roses?

Feelingerong classmate1: (Natatawa, halatang nagpapa-cute) uhm, What?

Samjuan: (Kinanta ang paper roses ni Jolina, medyo natatawa, bahagyang pumiyok) …oh how real those roses seem to me. It’s for you., paper roses.  (natatawa na. Narrinig na ang tawa sa mga ka-party lines) You’re so pogi so I give you paper roses.

Feelingerong classmate1: Taga san ka ba? Saang school?

Samjuan (Natatawa na. SUmisigaw ang lola sa background ng Saaam! Saaam!):  Oh, sorry, my grandma is calling me. I hafta go and pick up some roses from our garden. Bye! (binaba ang telepono. Nakipagtawanan sa mga kaklase sa kabiilang linya)

Kinabukasan:

Feelingerong classmate1 sa mga kaklase: Naku grabe, may tumawag saking babae kahapon. Julie daw ang name eh. Tapos kinantahan ako ng paper roses. Maganda naman boses niya. Mukhang maganda siya

ULOL.  Haha.

Sample na usapan #2:

Sa partyline. Yung mga ungas kong classmates angnag-dial ng number. Malibog daw tong si classmate. Tangina, Kausapin ko daw using my babaeng boses.

Feelingerong classmate2: Hi are you big? Coz I am big!

Samjuan: (lokong to) Oh really? How big are you?

Feelingerong classmate2:  I am as big as a tree. What do you say about that? (pramis inglisero siya kaya masarap kupalin)

Samjuan: Haha (pa-demure a tawa) but I am a cave- big enough to house a few trees.

Feelingerong classmate2: I am the biggest tree in this forest, bigger than your cave.

Samjuan: But I am the forest!

Feelingerong classmate2:  Forest huh, whale ako! Malaking whale!

Samjuan: What if I tell you that I am the ocean?! I am bigger than you think. (Natatawa na yung mga ka-partyline. Maririnig mo na yung mga pigil nilang paghinga at pagtawa sa kabilang linya)

Feelingerong classmate2: (competitive pa din) I am the earth!

Samjuan: I am the solar system!

Kinabukasan sa classroom.

Feelingerong classmate2: Grabe, ambastos nung nakausap ko kagabi. Wahaha. Malaki daw siya eh. Sabi ko puno ako, gubat daw siya. Sabi ko kasing laki ng whale ang junjun ko, yung kanya daw ocean. Whew.

Hanggang ngayon, clueless siya na ako yun. Tangina. Haha.

-Kolehiyo, Unang araw ng klase. Nakaupo ako sa harap. Nakayuko. Nakatakip sa mukha ko yung balik ayos kong bagsak na buhok. Imagine f4, yun na, mamili ka na lang ng iimaginin mo. Anyways, habang nakatulala ako sa desk ng armchair, biglang humirit ang lalaking profs sa klase.

Prof: Miss in white, can you give me an example of blahblahblah…

Walang sumasagot sa klase. Lumingon lingon ako sa paligid. Nakatakip pa din ang buhok sa may mukha. Bali kayos pa din ito.

Prof: Miss in white? Do you hera me Miss in white at front?

Shet. Nalintikan na. papalapit siya sa akin. Tinignan ko yung mga katabi ko sa front row. Ako lang ang nakaputi. Tumingala ako at hinarap siya habang nanawagan ako sa pinakamalalim na boses na kaya kong ibuga noong araw na iyon.

Samjuan: Ano yun SIR?!

Bakla:

Dahil malambot daw akong kumilos noong bata ako, bakla daw ako. Di ko pa naman noon alam kung ano ang bakla. Ang alam ko lang, negatibo yung mabansagan noon ng bakla kasi may pagkamuhi at pandidiri sa pananalita at itsura ng mga kamag-anak at mga kalaro ko na nagsasabi noon sa akin. Na para bang dahil sa bakla daw ako, eh parang may nakakahawa akong sakit. Pasintabi sa mga kabayang nabansagan ng lipunan bilang mga bakla o bading, wala akong galit sa inyo ha? Mahal ko kayo. Lalo na yung mag umamin at t anggap na sa sarili kung ano sila.

Dahil mahilig sa libro, at paborito kong tambayan noon ay national bookstore, bakla daw ako.

Dahil hindi ako sporty, at di gaanong marunong mag-basketball, bading daw ako.

Dahil marunong ako sa mga gawaing bahay (naglilinis, naglalaba, nagluluto ako) eh bakla daw ako.

Dahil masyado daw akong magalang sa mga matatanda at mga tao, bakla daw ako.

Dahil hindi ako basagulero sa paaralan at honor student ako noon, bakla daw ako.

Dahil masunurin ako noon, bakla daw ako.

Dahil mahilig ako magkulay at magdrowing, bakla daw ako.

Dahil pala-simba ako noon, bakla daw ako.

Dahil takot daw ako sa aso, bakla ako.

Dahil mukha daw akong babae, bakla daw ako. (Sorry na sabi ng anime-ish kong mga mata at ng mala-jolie kong mga labi at ng mga pa-star kong cheekbones)

Dahil masyado akong malinis tignan at palaging mabango, bakla daw ako.

Dahil madaldal daw ako, pinatawag ako nung isang teacher namin noong highschool. Pinipilit niyangumamin akong bakla ako. EH? Anudaw? Wala naman akong aaminin. Nampucha siya., as inpinipilit niya ako. Ipapadala daw niya ako sa guidance counselor. Mapilit siya. Ilang beses niya akong pinapaamin. Wala siyangnahita sa akin. Bakla daw ako kasi madaldal ako sa klase. Sorry na sir ha, class president kasi ako noon kaya madalas mo akong nakikitang nagsasalita. Anyways, bago ako gumradweyt sa Catholic School na yun, nag-out ang teacher. Siya pala ang may aaminin sa mundo. Chura niya.

At dahil diyan, natural na lang na lumagom ang boses ko. At nadevelop ko yung pagkilos ko nang hindi ko namamalayan. Pero mula highschool, hindi na naman ako nabahala ng mga bansag sa akin bilang bakla. Tinatawanan ko na lang sila.

Tomboy:

Tenen! Eto talaga di mo aasahan. Panalo lang. Tomboy daw ako , o diba?! Haha.

Kung kelan ako nagpaikli ng buhok para magmukhangmas lalaki, tsaka naman ako nababansagang tomboy.

-Grade 4 or 5 ako. Sa SM Cubao. Naglalakad akong payapa nang biglang may grupo ng mga babae akong nakasalubong. Di ko sila masyadong pinansin. Nang makalampas ako ng ilang hakbang palayo sa kanila, biglang may humirit nang malakas ng “Ay Shet! Sayang! Tibo!” Sabay naglingunan yung mag babae. Ako naman napahinto sabay lumingon sa direksiyon nila. Nakita ko sila nakatingin sa akin. Lumingon lingon ako sa paligid para maghanap ng tibo. Wala. Ako lang ang tao doon. Dahan-dahan akong nag walk-out, kunwari wala akong narinig. Nagtawanan yung grupo ngmga babae. Yung tawang parang may langgam sa kanilang mga shorts, ganun.

-Kolehiyo, sa kantina sa dormitoryo. Habang nakapila ako at naghihintay ng tray ng pagkain ko, humirit si ateng serbidora. “O para sa’yo ganda. Kay gandang bata naman nito.” Nung magsalita ako, “Juskopo.” (pabulong) “Tibo ka ba?”  Nampucha.

-Sa jeep, sa tren, sa bus at kung saan-saan pang pampublikong lugar. DI mawawala yung mapapatitig sa pwesto ko sabay hihirit ng “Pare, tibo pala!” “Lalaki ba yan o babae?” “Sayang o, maganda siya.” “Sabi sa’yo tibo eh” “Ah, lalaki pala. Ay teka, hindi. Babae.”

Butiki:

Nung panahong pumayat ako ng bahagya noong highschool (Di naman ako tingtingin na bata) tinawag na akong butiki ng mga kalaro ko maging ng mga kapamilya ko.

Baboy:

Sa maniwala ka at sa hindi, 36 ang waist line ko noon (28 na ngayon) at bilugan ako. Mapa-pisngi hanggang maskels sa hita. So , yeah, di malayong matawag akong baboy noon.

Hala kumusta naman ang mundo diba? Haha.

Matagal-tagal din akong nag-isip tungkol sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa’kin hanggang sa matutunan kong magpakatotoo sa kung ano ako. Pakialam ko sa mga bansag at labels ng lipunan. Ang mahalaga, nagpakatotoo ka sa sarili mo at wala kang inaagrabyadong tao on the process. Isa pa, hindi naman tayo pinanganak para lang sumunod sa mga kagustuhan at mga bansag ng mga tao at lipunan sa atin. Malamang mas marami pang mga ibabansag ang mapanghusgang lipunan sa atin. Di lang naman nahahati sa boy, girl, bakla, tomboy, butiki, baboy ang lahat. Noong kolehiyo nga may nakilala ako asexual daw siya. Mala-halaman ba. Oha san ka pa?! Kanya-kanya lang yan.

Kung gusto mo mabuhay ng mas matiwasay kahit papaano, eh tigilan mo na ang pag-iisip at pagiging conscious sa mga itinatawag o tinatatak na label sa’yo ng mga tao at ng lipunan. Basta gawin mo kung ano ang gusto mo at magpakatotoo ka, yun na!

Mabuhay ka kabayan!