Game. Pahingi. Para lubus-lubusin na natin ang hallucinations na ito.
Putangina. Bukod sa bosing eh ako lang ang papapasukin sa bodegasina sa araw bago magpasko. Wow. Saya. Ako na walang sasakyan ha. Ako na dalawang oras ang binabyahe bago makarating ditto. Baka daw kasi sakalaing may umorder. Umuwi na lang daw ako ng 12 ng tanghali kapag walang ginagawa. Wow lang. Wow lang talaga. Buti sana kung may bayad na OT eh. Kaso wala. OTY lang haha. Anak ng tokwang kabob talaga ‘tong mga to. Si boz light year talaga pauso eh. Magpaka-scrooge nqa siya at sagarin na niya hanggang pasko. Hmpf! Mainit ang ulo? Haha.
Continue reading ‘Sino may salvia divinorum?’
Dahil isa sa mga trabaho ko sa bodegasina eh ang sumagot ng telepono para kunin ang orders at tumulong sa mga hinaing at sagutin ang mga tanong ng aming mga customers sa buong Amerika eh di maaiwsang maka-encounter ako ngmga kakaibang accents araw-araw.
Heto ang ilan sa mga accents ng mga kinakausap ko sa telepono:
Panalo kasi huling huli ng kuyang ito ang mga accents hahaha!
[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=3TTgQ99U-mQ[/youtube]
But wait there’s more! Continue reading ‘aksents’
Sorry i cannot blog much kkkkinda busy. kkinda busy. LOL
Nampucha naman o. Di na ako makablog sa trabaho dahil pa-busy na ng pa-busty at parang mawawalan na ata kami ng petiks moment di gaya noong tatlongtaon ang nakakaraan. (Anak ng tokwa tatlong taon na dnipala ako sa bansang ito.)
Andami naming shipments. Dati kasi busy kami mulaAugust hanggang huling linggo ng November dahil puro mga winter wear lang naman mga binebenta namin. Pero ngayon, dahil nagbebenta na din kami ng mga long-sleevd na damit at mga pa-sushal na pantalon, eh naging busy na kami all year round. Well, ok din naman maging busy, ibig sabihin malakas ang benta, may kita, at may trabaho pa din. yun lang, pagod paguran ang moda ko lagi tuwing uwian. Gustuhin ko mang maging mulat eh di ko maiwasang mapapikit sa tuwing sasakay ako ng bus at tren pauwi. Yun na lang ang pinaka-pahinga ko eh. Bagoing hobby ko na ang matulog sa tren at bus. Pero siyempre mababaw na tulog lang naman yun. Kakatakot din kasi matulog na mahimbing lalo na di mo alam kung sinosino yung mgatumatabi sa iyo. Isa pang nakakatakot eh baka lumampas ka sa bababaan mo (na lagi na lang muntik mangyari sa’kin haha).
Sa tuwing uuwi naman ako sa bahay, pahionga saglit tapos kailangan pang magluto, maghugas ng pinagkainan at maglinis saglit. Pwede magpahinga ng onti? Haha.
2 hours ang byahe ko one way everyday papunta at pauwi galing sa trabaho. Tatlong bus at isang tren ang sinasakyan ko. Oha parang namumrubinsya lang.
Kaya ayun, pag-uwi medyo pagod na ang inyong lingkod. Shetnamalagket! senyales ata ito ng katandaan. Boo!
Pero gaya ng sabi ko palagi, pipilitin kong buhayin muli ang inaamag ko nang blog
Madami lang mga inaayos sa buhay buhay lately at napakabusy talaga. Woooh!
Ingat kayo lagi mga kabayan!
Maari nyo nga pala akong sundan sa twitter. Sige mag tu-twit na ako ulit.
Sa isang banda, nakaka-depress isipin na para mapasok month ang mundo ng sining at mas mataas pang antas ng kaalaman sa akademiya at sa marami pang mga bagay eh kailangan month ng pera, kuneksyon at impluwensiya.
Kung pinanganak siguro ako sa pamilyang talentado, mahilig sa sining at pag-aaral, sa buhay na marangya at sa angkan na may impluwensiya, mas magiging kuntento siguro ako o masaya ng onti.
Slight lang. Kasi di mo din naman talaga masasabi na kapag mayaman ka na eh makukuntento ka na agad.
Kanina kasi nung nagkaron ako ng onting panahon sa office na gumala sa www eh nakabasa ako at nakakita ng mga gawa ng mga taong lamang sa yaman, talino, kultura at impluwensiya.
Napaisip lang ako. Eh kaya ko din yun eh. Kunh ayus lang ako. Kung mayaman lang ako. Kung ganito lang nanay ko. Kung ganun lang tatay ko.
Kung.
Eh kaso hindi eh. Hehe.
Kaya chinallenge ko na lang sarili ko. May pag-asa pa. Onting tiis, tyaga at pananalig pa. Magagawa ko din ang mga gusto ko.
Sa kabilang banda, di man kami kasing yaman ng iba, di man kasing edukado, kasing impluwensya, at kasing yaman ng iba ang mga magulang ko, eh pinagmamalaki ko pa din sila. Kundi dahil sa kanila, walang ako. Kundi dahil sa kanila, wala siguro akong pagnanasang umunlad pa ang pagkatao.
May pag-asa pa.
(Oha nakaaloko magblog sa phone pero masaya haha. Teka baba na ako ulit ng bus)
Kumusta naman kahapon, noong umaga, may nagtangkang magpakamatay sa tapat ng bus stop na sinasakyan ko papunta sa trabaho.
Noong gabi naman, pagtawid ko ng kalsada, KABAM!
May nagsalpukang mga sasakyan sa harap ko. Kitang kita ko ang pagkasira at pagtalsik ng mga nasirang piraso ng mga sasakyan in slow motion.
KAPOW!
hello araw ng mga aksidente!
Muntik na naman akong ma-late.
Hinarangan ng mga pulis yung kalsada kung saan ako sumasakay ng bus. May kano na nagtangkang magpakamatay at tumalon doon sa taas ng gusali sa tapat ng bus stop.
Saya.
Napakaraming may topak dito.
Sa amerika, lahat daw posible.
Malapit ko nang paniwalaan ito.
Kahit gaano pa ka hi-tech, kahit gaano pa ka-1st world, kahit gaano pa mukhang ligtas ang bansang ito, eh napakarami pa ding mga bagay na nangyayari na aakalain mong sa mga tv at pelikula lang nangyayari.
Nung isang araw, nabaril ng 8yr old na bata yung kapatid nyang mas bata. Kumusta naman kasing sukat isama ng tatay yung mga anak sa shooting range na walang bantay diba? Continue reading ‘Posible (daw) lahat’
Tama si Yanah na siya na lang atang tanging matiyagang bumibisita ng blog ko maliban sa mga spammers at bots.
para na nga akong abute dito na pasulpot-sulpot.
Chura naman kasi ng mga pangyayari nitong nakaraansa buhay. Medyo magulo. Haha.
Kwento ko sa susunod pramis. At babawi ako at magbablog-hop muli. Continue reading ‘Kabute’
Makisaliw muna tayo sa kanta ng e-heads:
“at ngayon di pa rin alam kung ba’t tayo andito,
pwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo?”
Kumusta naman ang umagang ito. Naglipana ang mga gumagalang disabled. Wala namang kaso yun talaga. Pero nagmamabagal ang mga pampasaherong sasakyan nang 50 porsyento. Sana kasi magdagdag sila ng bus dito diba? haha. Namimiss ko lalo ang edsa eh.
Ulat panahon naman tayo. Lumamig na naman ngayon kumpara kahapon. As usual, may contest na naman ng pabahuan. Shet na nanlilimahid na malagket! Pramis. Ibang klase yung mga mababaho sa tren. Parang amoy jebs at ihi na natuyo na lang sa katawan at balat nila. Nakakakilabot sa baho eh. Yaks!
Hay ang busy lang nitong mga nakaraang linggo. Tagal ko nang di nakakablog. Mainam naman at di masyadong nakakagala kung saan-saan ang utak ko. Bagama’t may mga nabasa akong di ko dapat mabasa-eh ok pa din ako.Hehe. Pokus! Sabi nga ng isang kaibigan.Ok.Then pokus it is.
Nanghihina buong araw. Na-overdose ata ako sa sushi kahapon. Nampucha. Tamad na tamad ako kanina. Alam mo yung pakiramdam na para kang natatae na lambot na lambot yung tuhod mo? Ganun. Napakainit pa ng panahon. Kumusta naman ang 112 degrees f? Pucha pinagbantay pa ako ng trucks kanina. Ayun. Hinigop ng araw ang aking lakas sa maghapon.
Pagkaraan ng maraming buwan, muli kong nakasabay sa byahe sa subway train yung pamilya na kumakanta at tumutugtog ng mga kanta ng the beatles. Apat sila.
Yung tatay na afrikano at yung small, medium, large nyang mga anak. Kanina tatlo na lang sila.
Patay na daw tatay nila. Continue reading ‘tuloy lang ang kanta’
Ang pangit ko daw sabi ni itay.
Humahaba na daw kasi ang mukha ko at pumapayat na ako.
Sabi ko nagpapapayat naman talaga ako. Ginusto ko ito.
Iginiit niya na dahil daw sa problema ko (sa pag-ibig o kung saan man kaya ako namamayat).
Excuse me naman po tay ah. Masayang-masaya kaya ako (BWAHAHAHAHAHA) at hinding hindi ako magpapayat dahil lamang sa problema ng puso. Asus. Natuto na ako.
Hehe. May mga paraan para mag-cope at hindi ko option ang magpapayat dahil sa problema.
Nagpa-practice lang ako ng healthier lifestyle. Nakanang. Continue reading ‘Hayaan mo na akong maging panget’
SamComments