Late na naman ang bus kanina.
Mga isang oras na late. Baka nasira na namano kaya may wheelchair showdown na naman kaya nagmamabagal ang bus. Pero nampucha naman. Isang oras?
Ok lang. May kausap naman ako.
Si Joanne.
Inglisera pero unang kutob ko Pinay ito. Sige lang, pinagbigyank osiya sa pag-iingles niya.
“The bus is so late. Gosh. I could’ve walked but still, I will wait.”
Oha. Pasensyosa si ate.
Nang marinig niya siguro na may kausap ako sa telepono (Tatay ko),
lumapit siya sa akin at tinanong kung Pilipino ba ako.
“Aba oo naman!” sagot ko.
Akala na naman niya ibang lahi ako. Continue reading ‘late’
Rewind ilang dekada mula ngayon sa provincial national highschool sa Nueva Ecija kung saan may mga singkwentang estudyante sa isang silid-aralan. Sa abndang likuran nakaupo si Itay. Bahagya na siyang papatulog dahil sa init at ingay sa klase nang bigla siyang gisingin ng blackboard eraser na lumipad nang mabilis mula sa kamay ng kanyang nanggagalaiting guro.
Wala pang isnag segudo ang lumiupas, nilasap ng mukha ng guro yung blackboard eraser. Hinagis itong pabalik ni itay sa mukha niya. Tumahimik ang klase. Continue reading ‘in your face’
1159 ng gabi. Bus stop sa Barstow. sa Hwy 15. 15min stop. Ilang oras pa bago ako makarating sa disyertong pagdarausang ng Miss Universe para kitain yung tanders na pwedeng magpakasal kay itay para makatulong sa pagsasaayos ng lagay nya dito. Putanginang gusto kong sumabog a la supernova. Bakit ba kasi napadpad pa kami sa putanginang bansang to eh? At bakit ngaun naman ako inuulan ng mga bulalakaw ng problema at mga bagay na kelangang solusyunan?
Why me??? Sumagot naman dw ang kalawakan- why not?!
Onga naman. Sino ba naman ako kundi pawang tinga lang sa kalingkingan ng ngipin ng sangkalawakan. Sinusumpa ko talaga pag naayos ako,kami dito,tangina. Aaaaaargh.
Ang tigas talaga ng ulo mo. Petsa na? Ilang lingo na akong walang matinong tulog. Tama na kasi ang pagjajakol ng mga ideya at mga problemang dumadalaw at madalas eh naninirahan na sa isipan mo, Samjuan. Maayos din ang lahat. Sa takdang panahon. Sa ngayon, magpahinga ka na, magdasal, matulog at may pasok ka na naman sa bodegasina mamaya.
Gudlak nga pala s apagsugal na namanggagaiwn niyong mag-anak. Sana di manggagantso ang ateng kikilalanin ninyo mamaya. Dahil kung is ana naman siyang bulaang puta, ay, sumapin siya sampu ng lahat ng kanyang kalahi-lahian. Joke lang. Tama na yan. Wag na sabing jakulin ang mga makukulit at mapagpumilit na mga problema eh. Tulog na. Ok?
Sadyang may mga tao lang talagang di gaanong marunong makipag kapwa-tao no?
Nakakwentuhan ko kasi si itay na halos kakauwi lang kaninang 10:30 ng gabi. Yung bagong matandang inaalagaan daw niya pansamantala eh nagyayang manpood ng sine kanina kasama yung mga matatanda na din nitong mga anak na naghihintay na lang dawn g mana ng kanilang ama. Ayun, nagsine daw sila pero pinalabas tatay ko. Di pala siya kasama. Continue reading ‘stay out’
Sarap lang mag OT (overtime) kapag bayad ka ng hour and a half kada patak ng oras no? Tangna kahit overtime everyday sige papayag ako. Eh kung nabihag ka ng sumpa ng OTY (Overtime na Thank You lang), naku sori ka na lang na gaya ko. Anak ng pinaghalong mababahong kanong me putok naman tong mga amo ko oh! Kung kelan mag-uuwian tsaka mag-uutos ng sangkaterba na tipong kelangan din a hora mismo. Ahmm ser tym na po. Buti sana kung sa tapat lang ako nakatira eh. Goodluck naman sa dal’wang oras pauwi. Partida alang trapik yun ah. Napakatagal lang maghintay ng mga bwakanang pampublikong sasakyan. Pwe. Ano bang sumpa ito. Kahit nung nagtatrabaho pa ako sa Pinas noon, dun sa dal’wang pinagtrabahuhan ko, eh madalas din akong mahuli ng OTY. Doon eh hardcore. Tipong alas tres ng madaling araw na ako nakakauwi pero walang bayad yun ah. Partida alas nueve pa ng umaga ang pasok namin. Napapa-haaay na lang ako eh. Continue reading ‘Umo-OTY’
Oo, tumataya ako noon sa mga peryahan kapag piyesta sa amin, tsaka nakikipaglaro din ako ng tong-its tong-itan sa mga kalaro ko at mga pinsan noong bata ako pero hanggang dun na lang ata ang pagsusugal na nagawa ko noon. Madalas kasi dati, habang nagsusugal ang mga tanders sa bahay nina tukne sa likod-bahay namin sa prubinsiya kapag tanghali eh gumagawa naman kami ng mga kababalaghan ng ilan sa mga kalaro ko, (Sa ibang pagkakataon ko na yun ikukwento). Sa ngayon, patuloy pa din kaming sumusugal na mag-anak para makaraos at mapaayos ang buhay dito.
Ang tanong, kaya pa kaya naming sumugal? Continue reading ‘Susugal pa ba?’
Di bale nang madaming ginagawa kesa tumunganga ng mahigit apat na oras sa pagbabantay sa mga kargador na naglilikas ng mga kahon kahong paninda namin. Nakakatanga kayang tumunganga. Takteng yan. Pwdede naman nilang isara yung gate ng compound. Wala naman sigurong gagong magtatangkang magbuhat at magnakaw ng 20kilo na kahon palabas sa mataas na gate. Lalo pa at bilad na bilad na sila sa araw at pagod na pagod. May toyo lang talaga tong mga amo ko eh. Walang matinong plano at organization kahit kelan. Hayayay. Haha. Kundi lang talaga dahil sa pera. Well ok na din naman ngayon kumpara kahapon na nagbuhat ako ng humigit kumulang 500 na mga kahon para isampa sa 18wheeler truck na magdadala ng shipment namin. Aba napahubad ako ng tshirt kahapon dahil tagaktak ang pawis ko hanggang sa kasingit singitan ng katawan ko. Pero gaya nga ng sinasabi ko noon pa sa sarili ko- bawal mag inarte sa bansang ito. Lalo ngayon at walang trabaho si itay. Di bale nang madaming ginagawa kesa walang pera at nakatunganga.
Kasabay ng pag-utot ko kagabi ay yung pag ratatatatat ng armalite sa kanto. Pagkaraan ng mga dalawang minuto (na parang dalawnag segundo lang naman talaga) napuno agad ng ingay ng sirena ng mga pulis at elisi ng helicopter ang kwarto ko. Nagsuot ako ng sando at nagkumot sa takot na baka mapuruhan ako ng mga ligaw na american bullets. Di pa ako nasanay. Ilang buwan na din mula nang nakalipat kami dito sxa bagong apartment kung saan yung kwarto ko ay katabi mismo ng kalsada.
Tuwing gabi, bago matulog, pagkatapos ko magdasal at mag-isip kung paano ulit makakaraos kinabukasan at kung paano maayus ang mga buhay namin dito, palagi na lang akong may naririnig na goodbye mula sa mga putok ng baril sa paligid. Nampucha. Napaka peaceful ng side na ito ng Tate.
********
Noong nakaraang linggo, sa sobrang pagod ata, nung nagising ako mula sa pagkakahimbing ko sa byahe sa tren eh nalito ako at tinanong ang sarili kung pauwi ba ako o papasok muli ng trabaho. Pauwi pa lang ako noon.
Habang nakapila papunta sa entablado para tanggapin ang mga ribbon at medalya, nagrerebolusyon ang utak at puso ko sag alit dahil sa lahat ng mga katangi-tanging mga batang tatanggap ng parangal noong ar aw na iyon, ako lang ang nag-iisa na wala man lang magulang o kamag-anak.
Grade 4 ako noon. Recognition day, isa sa mga mahahalagang araw sa buhay ko kung saan inaasahan kong may mga malapit na kapamilya at kapusong magsasabit ng medlaya at magkakabit ng ribbons sa akin pero wala eh, busy sila. Si Inay nasa Disyerto sa gitnang silangan, Si Itay naman may pasok, mag tito at tita? May pasok din at sa malayo sila nakatira. At dahil di pa marunong magpanggap ang mura kong kaisipan at damdamin noon, hindi ko naitago ang inis at pagtatampo ko sa mgataong dapat sana eh nandoon sa isa sa mga mahahalagang araw sa buhay ko.
Di ko nga alam isasagot ko noon sa adviser ko nung tinanong niya kung sino ang kasama kong aakyat sa entablado eh. Napayuko na lang ako. Di na siya nagsalita at sinamahan na lang ako sa stage. Sabagay, default nanay angmga adviser noong elementary, Siya nagsabit ng mga ribbons at medalya ko noon. Habang sinasabitan niya ako at habang kinukuhanan ako nglarawan ng mga manong photographers, hirap na hirap akong ngumiti, pramis. Kung maipapakita ko nga lang yung mag pictures ko noon, kundi nakayuko, nakatingin sa gilid, eh nakasimangot ako. Naiiyak kasi ako noon. Continue reading ’2nd honor’
SamComments