Hindi pa-susyal na agnes ang title ng post na ito ah. (oo na, korni na. pagpasensiyahan na ang lutang).
Kanina may matandang babae na lumapit sa akin. May dala siyang notebook. Tinanong niya kung anak daw ako ni Takeshi Kaneshiro. Joke lang. Sabi niya: “Are you Japanese?” Sabi ko “No, I am a Filipino.” Mga 6 seconds na ahhh ang sagot niya. May ipapatranslate daw sana siya sa akin na Japanese text na nakasulat sa notebook niya sa Ingles. Kung ano ano pa sinasabi niya na di ko masyadong naintindihan kasi malakas pa din yung Hapon accent niya. Oo na lang ako ng oo. Nakatulog ako agad sa tren pagkasakay namin kaninang umaga.
**** Continue reading ‘Agnas’
Kahit na ilang beses ko nang sinabi sa sarili kong hindi na ako magtatatakbo at maghahahabol pa ng mga bus sa kalsada, ohwellpapel, ginawa ko pa din kahapon. Ewan ko ba. Parang nabuhay na lang bigla yung mga hita ko at bigla akong napatakbo nang di oras papunta sa elevator, patawid ngkalsada, at pasakay ng bus sa kabila ng takot na muling mahuli ng pulis at maticketan, at maaksidente ng di oras. Ewan ko ba. Siguro na-miss ko lang ang adrenaline rush. Kakamiss din kasi magtatakbo-takbo. Haha. Anak ng tokwa naman kasi kapag naiwan ka ng bus mo eh. Mahigit 15 minutes ka pang maghihintay ulit. Pag iniputan ka pa ng malas, 30 minutes kang tutunganga hanggang dumating ang susunod na ride. Whew.
Kakatakbo ko, ayun, pag-akyat ko ng hagdan kagabi matapos kong magtapon ng basura sa labas eh nag-cramps ang aking hita. Kamon mamon sa tigas ng maskel ng hita ko. Shet. Namilipit naman ako sa sakit sa hagdan. Buti alang taong dumaan ng mga oras na iyon. Awa ng Maykapal eh saglit na kirot na lang ang nararamdaman ko ngayon. Yehey at nakasingit akong mag-blog today. Mag-uuwian na. Di na ako tatakbo mamaya pramis.
Sa pagdaan ng maghapon, unti-unting namuo yung lungkot sa akin. Eto yung tipo ng lungkot na nararamdaman mo kapag may isang mahalagang tao o bagay na alam mong mawawalay o mapapalayo sa iyo. Alam mo yun pakiramdam na kapag may nakasanayan ka nang gawain o bagay tapos biglang mawawalasa iyo eh bigla kang susuntukin ng lungkot, ganun ang nararamdaman ko. Eto yung tipo ng lungkot na marahil nag-uugat sa matinding pagka-miss sa isang tao. Tanda ko naramdaman ko ito dati noong minsang umuwi saglit ang nanay ko sa Pinas tapos umalis din pagkaraan ng ilang araw. Kahit na alam kong sanay na naman ako na magkalayo kami, kahit na alam kong dapat eh di ako nga-iinarte, kahit na alam ko sa sarili kong di ako dapat nalulungkot kasi may mga magagandang bagay naman na idudulot ang pag-alis ng nanay, eh nalulungkot pa din ako. Alam mo yung lungkot na kahit na alam mong di naman talaga mapuputol ang koneksiyon niyo pero alam mong sobra mo siyang mami-miss dahil alam mong (bagamat magkalayo na kayo) lalo pa siyang lalayo ng milya milya mula sa iyo- ganun ang nararamdaman ko ngayon.
Continue reading ‘How do i get you alone?’
Ilang beses na namang nasira sa ilalim ng lupa ang tren ngayong linggo. Kaya naman kahit magmaaga ako ng pasok, nale-late pa din ako.
Nakakaburat lang na sa maikling panahon nang pagsakay ko sa tren, napansin kong napakabilis dumami ng mga taong anlalakas ng toyo. Kung dati ay nakakatulog ako madalas ng matiwasay sa byahe, ngayon andaming barubal na walang magawa kundi mambasag ng trip. Kahit na di mo sila pinapakialaman sa mga kalokohang ginagawa nila, andiyang may kakanta kanta kahit napaka-sabog ng kinakanta, andiyang may baliw na sigaw ng sigaw andiyang may magdadasal bigla, andiyang may maghuhubo na lang, andiyang may magsisisigaw na inaapi sila kahit ala namang kausap, andiyang may magmumumura na lang basta basta at madmai pang ibang uri ng mga taong may samut-saring karakter.
Continue reading ‘one day isang araw’
May nakausap akong call center agent ata sa Pinas. Halatang Pinay ang paraan ng pagsasalita ni ate kahit ano pang pagtatakip niya dito ng American accent. Dahil sa hindi na kami masyadong magkaintindihan sa telepono, di na ako nag-atubiling tanungin siya.
“Are you a Filipina?”
(after 10, 999 years)
Continue reading ‘Samjuan and the half’
Kahit ano pang pintas ang ibato mo sa mga bus sa Pinas, mas papaboran ko pa din yung mga karanasan ko sa mga mauusok at hazardous na bus sa atin kumpara sa mga eco-friendly, malaki at medyo maayus na mga bus dito na puro naman mga may mga toyo ang madalas mong makakasakay.
Kanina lang may timi (itim/African-American) na nag-aamok sa pampublikong sasakyan. Tama bang pagsisigawan niya yung mga tao at bus driver matapos lang i-double check yung validity ng pass niya? Kumusta naman ang pagpapadyak niya sa bus at paghihiyaw ng todo. Nang inihinto ni mamnog driver yung sasakyan at bumaba siya para tumawag siguro ng saklolo, biglang nagpunta s aunahan sig alit na timi at pinagtatadyakan yung manibela at upuan ni manong driver habangnagmumura mura pababa sa kalsada papunta sa kung saan mang sulok.
Sa Pinas, minsan pa lang ako nakasaksi ng tadyakan sa bus. Yun yung pinagtatadyakan ng konduktor ng bus palabas yung pasaherong sumakay na walang pamasahe. As in nagmamakaawa na yung manong pero pinagsisipa siya ni manong konduktor sa hagdan hanggang sa makabitiw siya at mahulog sa may gilid ng kalsada sa may Fairview. Pasko noon.
Continue reading ‘Miss ko na kayo mga kapwa pasahero noon sa EDSA’
Hinampas niya ng hinampas ng binabasa niyang libro yung hita ko. Gumising daw ako. Andami ko daw potensiyal. Mag-aral daw ako. Wag daw puro trabaho para sa pamilya. Gumawa naman daw ako ng mga bagay para sa saril ko. Ano daw mangyayari kapag matanda na ako at pagod na at wala nang lakas para gawin ang mga bagay para sa akin? Sayang daw. Sayang (with matching pailing-iling pa ng ulo si ate).
Parang nile-lecturan na naman niya ako gaya nung pangungumbinsii niya sa akin noon na sumali sa pyramiding nila. Matagal na din pala yun. Tumaba daw siya kakamaneho ng kotse. Kaya daw ngayn, nagba-bus na siya ulit para daw may exercise. Kaya heto, muling nagkrus ang aming mga landas sa bus stop kung saan kami unang nagkita. Continue reading ‘Lady S we meet again’
Naninibago. Nag-aadjust pa din ang mata sa madilim na kapaligiran. Eto na ba yun? Amerika na ‘to? Bakit andilim? Tinetext ko ng tinetext ang kaibigan kong si Nene sa Pinas. “D2 na kmi. Ampangit d2.” Ampanget naman kasi talaga ng unang impression ko. Yung airport na binabaan naming eh mas maganda pa yung sa NAIA. Then, puro mababa ang mga buildings. Mga tindahan halos puro isang palapag lang. Mayaman talaga ang Amerika. Madami pa silang lupa at mga bakanteng lupa na pwedeng pagtayuan ng mga kabahayan. Di gaya sa Pinas at sa mga karatig bansa nito sa Asya na pataasan ng palapag ang labanan ng mga gusali para magamit ng husto ang mga kakapirangggot na lupang natitira para magtamnan ng mga ari-arian.
Gaya ng inaasahan ko, puro mga paying Amerika ang una naming natamo mula sa mga malalayong kamag-anak na sumundo sa amin sa airport. Alam mo yun, yung tipo ng pag-uusap na mararamdaman mong sila yung tama at may authority kasi sila yung mas nauna at mas matagal na ditto sa Amerika. Tapos siyempre, todo benta sila sa bansang ito. Todo kwento ng mga matatanggap na benefits, ng mga maaring marating lalo na ng isang college graduate daw na tulad ko, kung papaano daw kami makakakuha ng trabaho, etcetera etcetera. Maswerte daw kami kasi buong pamilya (well, halos. Si inay ay nasa gitnang silangan pa din nagtatrabaho) eh nakatuntong na ng Amerika. Muli nilang inulit sa amin kung gaano daw kadaming mga tao ang naghahangad na makarating sa bansang ito, mga tipong nagsasangla pa ng mag ari-arian para lang maaprubahan ng consul ang visa, pero hindi nagtatagumpay. Napakaswerte daw naming, Kasi sila, may naiwan pa daw silang anak sa Pinas. Mabilis akong inaantok, Medyo hilo pa din ako di dahil sa byahe, kundi sa sitwasyon at sa katotohanan na kami ay nasa ibang bansa na, may tig-iisang maleta, at may baon na pag-asa para sa mas ayos at maliwanag na kinabukasan. Continue reading ‘Unang isang oras sa Estados Unidos’
Nabulabog ang papahimbing ko nang tulog kagabi dahil sa tawag ng Tito ko mula sa Pinas. Isang malakas na “ANO?” ang gumising sa akin mula sa tatay ko. Aba siyempre napa-:ANO?” din ako sa isip ko. Base sa naulinigan ko at sa mga sumunod na kwento ni itay, naggantso daw sina Tito at Lola sa Pinas. May nagtext daw sa kainla na may bagong roaming number na ang tatay ko at paulit-ulit daw nagpa-load ng 500. Naka tatlong libo daw silang load sa hinayufak na mapagpanggap na texter. Hirap nga naman ng buhay sa Pinas oh.
Continue reading ‘Ipot’
May nabasa ako dati na effective daw ang pakikinig ng classical music sa pagdedevelop ng utak ng mga bata. Dahil siguro sa nakaka-relax na epekto nito at sa mga imaheng posibleng binubuo ng musika, mas napapabilis ang paghasa at paglago ng kaisipan ng mga bata.
Nitong nakaraan, nawiwili din ako sa pakikinig sa mga classical pieces nina beethoven, chopin, debussy, vivaldi at von suppe. Pakiramdam ko umeepekto pa din naman siya sa akin. Alam kong developing pa din naman ang utak ko. Isa pa, madalas isip bata pa din ako kaya tiyak may impact pa din ang classical music sa akin. Masarap kaya. Tamang nakaka-relax na trip sa byahe sa tren ilalim ng lupa at sa bus araw-araw. Continue reading ‘leichte kavallerie’
SamComments