Archive for the 'sambuddies sa amerika' Category

Happy New Year Kabayan

Oo, ikaw nga, Ikaw kabayan na mambabasa ko. Oo ikaw, kahit perstatymer ka o baliktaymer, ikaw nga. Oo, ikaw nga na nasa ibang panig ng daigdig. Oo, ikaw nga, kapwa OFW. Oo, ikaw nga kapwa Pilipino. OO kabayan, ikaw nga na nagbabasa nito ngayon. Happy new year!

Isang pinagpalang taon na puno yaman, pagmamahal, kaligtasan, at kabutihan nawa ang sumaiyo sampu ng iyong mga kapamilya. Salamat sa pagdaan dito. Kundi dahil sa iyo, eh matagal na akong nilamon ng kumunoy ng katamaran at insecurities.

Salamat!

Hapinuyir! Woohoo!