Archive for the 'galing pinoy' Category

in your face

Rewind ilang dekada mula ngayon sa provincial national highschool sa Nueva Ecija kung saan may mga singkwentang estudyante sa isang silid-aralan. Sa abndang likuran nakaupo si Itay. Bahagya na siyang papatulog dahil sa init at ingay sa klase nang bigla siyang gisingin ng blackboard eraser na lumipad nang mabilis mula sa kamay ng kanyang nanggagalaiting guro.

Wala pang isnag segudo ang lumiupas, nilasap ng mukha ng guro yung blackboard eraser. Hinagis itong pabalik ni itay sa mukha niya. Tumahimik ang klase. Continue reading ‘in your face’

Don't fear Kukoman is here

Panalo ‘to! kahit tunog brand ng toyo yung title, super angas naman at astig yung trailer na napanood ko sa website ng animation na ito. (i-click ito para sa trailer)

Natagpuan ko si kukoman kakagala ko sa mga websites habang hindi ako inuutusan ni super big boss sa opisina.

Puntahan niyo yung website. Mukhang astig ‘to.

Dalawin niyo din sila sa megatrade hall. Alam ko may cosplay doon.

Sayangat hindi ako makakapunta, kaya kung nababasa mo ito at hindi ka naman busy sa June 14, hala sugod na sa Megatrade Hall 2 at 3 sa SM Megamall.

[youtube]http://youtube.com/watch?v=rQlEx4EzihI[/youtube]

*Eto ata yung unang release nila ng trailer para sa astig na animation na ito