Category — samjuan's opinions
Hostage
Sa ginagawa ng pamahalaan na pagsuporta at pagsusulong mga programa tungkol sa migration, eh parang basta na lang nilang isinasangkalan yung mga OFWs para maging sakripisyo upang maisalba ang lagay ng ekonomiya sa bansang PIlipinas.
Palagi na lang ibinabalandra sa mga manggagawa sa Pinas yung mga pinapangakong magandang buhay sa ibayong dagat, yung pagkakataong mamuhay ng maginhawa at makapagpadala ng di hamak na mas malakaing pera sa mga kapamilyang naiwan sa Pinas, nang hindi nabibigyang pansin yung kakulangan ng oportunidad na matino sa mga Pilipino. Oo, madaming trabahong pwedeng mapasukan, (sa maniwala kayo o hindi, madaming pwedeng mapasukang trabaho) pero sasapat ba naman yung sweldong kikitain ng mga manggagawa sa patuloy na pagtaas ng pamasahe, ng langis at nga mga pang araw-araw na gastusin?
November 13, 2008 1 Comment
Ooohbama! (Congrats sa bagong pangulo ng Amerika-Barack Obama)
Kakapanalo pa lang ni dating US Senator Barack Obama bilang Presidente nang bansang ito nang bigalang may magtanong sa akin ng: “Bakit ba ang mga Pinoy eh sobrang excited at tuwang-tuwa sa pagkapanalo ni Obama?” Oo nga naman. Bakit ba parang mas malapit pa sa Amerika ang mga Pinoy kesa sa madaming mga kano? Muntik ko na siyang tanungin kung yun bang naobserbahan niyang pagka-excited at pagkatuwa ng mag Pinoy sa pagkapanalo ni Obama eh tulad ng pagka-updated nila sa mga TV series na gawa ng Amerika, pero hindi ko na siya tinanong.
November 5, 2008 4 Comments
Kumusta ka?
Yan yung dalawang simpleng mga salita na madalas makapagpangiti sa’kin. Simpleng mga salita pero milya-milyang kaligayahan ang naidudulot nito sa aking mga pagod na maskels, mga pagod na mata, pagod na isip at pagod na damdamin.
Makatanggap lang ako ng kumusta ka sa text, sa email, sa ym o may bumati lang sa akin ng kumusta sa personal, masaya na ako. Bakit kamo? Kasi dito sa Amerika, bagama’t maraming mga kano ang babati sa ‘yo ng “How are you?” “How are you doing?” alam mong nakasanayan lang nila yun. Tipong programmed ba, ganun. Kaya walang masyadong laman. Walang masyadong impact. Walang dating. Mapapangiti ka pero yung generic na ngiti lang din. Yung tipo ng ngiti na walang spunk sa puso.
Pero kumusta na nga ba ako? Madalas kong sagot, ok lang. Para mapaniwala ko ang sarili ko na kahit papaano ay ok lang talaga ako at para mapanatag na din at di mag-alala yung kausap ko na nagtatanong. Isa pa, yun ang pinakamadaling sagot sa maikling pangungumusta.
Pero kung tatanungin mo ang halos karaniwang nangayari sa akin sa maghapon, uhm, sige, magkukwento ako ng saglit.
October 15, 2008 24 Comments
TY
Bihira ako ng mag- “Thank you” sa mga bus drivers ng sinasakyan kong bus kapag papunta o pauwi sa trabaho. Ayoko na kasing makadagdag sa pagod nila sa pagsagot ng “You’re welcome!” sa bawat pasaherong magte-thank you sa kanila. Biruin mo, halos 40 o 50 ang laman ng bus at kapag lahat yun ay isa-isang nag-thank you sa driver, eh goodluck naman sa kanya. Isa pa, Ayoko lang mag-”Thank you” Kapag hindi ko feel. Minsan badtrip din kasi yung driver. O.a. sa bagal magpatakbo ng bus. Minsan naman barubal kasi nakita nang pasakay ka, biglang aandar at isasara ang pinto. Bihira akong mag-”Thank you.” Promise. [Read more →]
July 2, 2008 3 Comments
Tungkol sa appreciation sa ating mga Pinoy at OFWs
Basta kumakain, basta may suweldo, sige na nga lang, kaysa wala.
Ang blog post na ito ay kaugnay ng nauna kong entry na pinamagatang “Mag-imagine muna tayo” tungkol sa sinabi ng isang Arabo sa mga Pinoy. Naalala ko kasi ang mga komento ni kabayang tagabukid, poging payatot at bisita. Magaganda nag kanilang mga puntong sinabi patungkol sa appreciation ng mga ibang lahi sa mga PInoy. Ayon sa kanila, hanggang appreciation lang naman daw talaga at hanggang dun na lang. Ang nangyayari madalas, underpaid pa din ang maraming mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa at madalas ay naabuso pa.
Kaugnay nito, naisip ko lang na baka may kinalaman ito sa kaugaliang Pinoy na madaling maging komportable. [Read more →]
June 23, 2008 4 Comments
Galing Pinoy?
Panalo naman talaga ang mga pinoy pagdating sa pagkakakitaan. Kani-kanina lang napanood ko sa TV Patrol sa TFC yung bagong modus operandi ng mga magnanakaw ng pera sa ATM.
Ang nangyayari, nilalagyan nila ng aluminum foil na may pandikit yung nilalabsan ng perang wini-withraw sa ATM. Kaya naman kapag may nagwi-withraw, walang lumalabas na pera. At siyempre, kapag nabinyagan ka ng ganitong karanasan, eh magtataka ka at maari mong isiping may sira ang makina ng pera. Tapos sa susubukan mong tumawag sa 1-800 na customer service kaso , mas madalas na wala naman sasagot na tao sa iyo. Kaya ikaw, bilang taong nagulat sa pangyayari ay uuwi na lang na puno ng pagtataka at tanong sa pangyayari. Maiinis ka kasi wala kang pera na na-withraw. At iisipin mo na lang na i-report ang pangyayari sa susunod na pagkakataong mapapadaan ka sa branch ng bangko. [Read more →]
June 15, 2008 3 Comments
Pagbabalik-loob
Paminsan-minsan, masarap ding makinig muli sa boses ni Chito at sa himig na gawa ng kanyang banda. Naglaho kasi ang pananampalataya ko sa parokya nang mapurga ako sa paulit-ulit nitong pagsesermon tungkol sa buhay pag-ibig.
Madalas kong iniiwasang patugtugin yung playlist ng parokya ni edgar sa media player sa pc kasi baka marindi lang ako sa mga kanta.
Naalala ko nung kasagsagan ng kasikatan ng kanilang banda, puro tugtog parokya na lang ang naririnig ko. sa canteen, sa school bus, sa jeep, sa bus, sa taxi, sa bahay, sa kwarto, sa classroom, sa kanto-kahit saan puro mga kantang pamparokya ang naririnig ko-wah! Nakakarindi ang paulit-ulit na pagkapit ng kumakantang boses ni Chito sa utak mo sa tuwing maglalakad ka pauwi sa bahay o sa tuwing lumulutang ang isip mo sa classroom.
Di ko naman masisi ang mga taong walang ginawa kundi gayahin ang mga kanta ng parokya; e sa madaling sundan at kantahin ang kanilang mga himig at tugtog.
Kaya naman noon, kapag hindi mo alam kantahin ang kanilang mga kanta, laos ka, olats.
Kanina, sa muling pakikinig ko ng himig parokya, naisip ko na hindi pala ako takot marindi sa kanta o sa tugtog. Naisip kong takot lang siguro ako dahil naiingit ako sa mga kanta ng parokya. Nakakainnggit ang mga kantang simple pero may tama. Nakakainggit na kahit papaano ay kayang pagtakpan ng mga simpleng kanta ang problema ninuman.
Ngayon alam ko na kung bakit maraming naaadik sa parokya.
Sana nga pwedeng daanin sa simpleng himig, tawanan o inuman ang lahat ng problema.
Kinakailangan ko yatang mas makinig ngayon ng mga himig parokya.
May 26, 2008 3 Comments
The Crispin Beltran Narrative
“Hindi lang siya kaibigan, di
lang siya kapatid. Di lang kasintahan, o kaisang-dibdib. Di lang siya asawa, o inang uliran.
Siya’y aking kasama, sa mapagpalayang kilusan.”
-kasama mula kay Gary Granada
For the last two decades, the name Crispin B. Beltran has been associated with pickets,
demonstrations, strikes, and generally everything connected to the militant labor
movement. Not surprising with him being the chairman of the Kilusang Mayo Uno (KMU).
Since August of 2001, however, he has become known as something else - a member of
one of the biggest, most influential bastions of conservatism in the country, the House of
Representatives. From 2001-2003, he was one of three Bayan Muna solons. From 2004 up
to present, he now stands as the chairman and representative for labor and urban poor
concerns of the Anakpawis partylist. Ka Bel breathes, lives and practices the politics of
change and nationalism with the same fervor he does as a leader of the parliament of the
streets.
But no less interesting than his politics is his personal life. His love life alone is the stuff of
movies, megged by the late Lino Brocka or Ysmael Bernal, crossed with Jose Javier Reyes.
Since 1956, Ka Bel has been married to the former Rosario Soto from Malolos, Bulacan.
There’s a joke circulating around activist circles that goes “Ka Bel is a voice who should be
heard in the Lower House, but in his own house, it’s Ka Osang whom he listens to.”
This is their love story.
Ka Osang is the product of a broken home. Her parents separated early in her childhood,
and as the youngest among the three children, she was left to an elderly relative, her
father’s aunt who lived in Gagalangin, Tondo. Ka Osang grew up wanting for nothing - she
was given new dresses and jewelry whenever she asked for them.
But in exchange, she had to be obedient to the very strict, and sometimes unreasonable
rules of her grandmother. She was entered in La Concepcion, a convent- school, and was
told never to look at members of the opposite sex. “Wala talaga akong kaalam-alam sa
mga lalaki nun. Si Papa lang at yung mga kapatid ko ang pwede kong kausapin.” (”I knew
the least thing about boys or men.The only males I was aware of were my father and my
brothers.”) [Read more →]
May 22, 2008 No Comments
Buhay Amerika (galing sa email)
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.
Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. [Read more →]
May 21, 2008 24 Comments
Joke sa araw na ito
Q. What’s the difference between corruption in the US and corruption in the Philippines ?
May 14, 2008 6 Comments
na-coup po!
“Do you guys have laws in the Philippines?”
tanong sa akin ng amo ko habang nagkekwentuhan kami isang gabi.
Siyempre natangahan naman ako sa tanong niya. Hindi ba niya naisip na simula noong unang panahon, bumuo na ng batas ang mga tao para mabigyang ayus ang kanilang lipunan para mabigyang daan ang pagkakabuo ng kanilang sibilisasyon? Nagulat ako sa tanong niya, kaya agad akong napasagot ng “Yes, Of course!” Pinaliwanag ko sa kanya na sa katunayan, napakaraming mga magagandang batas ng Pilipinas, yun nga lang, hindi ko alam lahat ng dahilan kung bakit ito hindi mapatakbong maayos ng pamahalaan.
“…cause I’ve heard stories that people there do not follow laws and can easily bail their way out of the law’s punishments…”
Okey. May pinupunto naman pala siya. Ni hindi ko man lang agad napansin na may halong sarcasm yung tanong niya. Nanibago lang siguro ako. Iba pala kapag mga taga ibang bansa na ang pumupuna sa lupang kinalikihan mo, sa bayang kinagisnan, at sa bayang kumanlong sa’yo ng maraming taon. Mas malakas ang tama sa’yo. Yung tipong gusto mo ibangon yung dignidad ng lahi mo bilang pinoy pero sadyang madaming mga di magandang kapuna-punang mga bagay ang napapansin sa bansa mo. Mapapatigil ka na lang bigla at mapapaisip. Babalik pa kaya ako sa Pinas gayong halos karamihan ng mga Pinoy na nakakausap ko dito sa bansang ito ay nagsasabing ‘wag na’kong bumalik dun. Madami nang Pilipino ang nawalan ng tiwala sa gobyerno, pati sa kagandahan ng bansa natin.
“Putakte…wag ka na bumalik sa Pinas…tarantado gobyerno natin. Witness ako dun kay Trillanes. Napakalapit ko.”
Kamakailan lang ay natanggap ko ang mensaheng yan sa isa sa mga matalik kong kaibigan na nagtatrabaho sa Makati. Siya ang unang nagbalita sa’kin ng nangyari kamakailan lang kina Senator Trillanes.
“Nag walk-out sila Trillanes along with Brig. Gen. Lim and 30 soldoers sa hearing. Tapos nagpunta sila sa Manila Pen, eh di namn kudeta yun diba kasi dun lang sila dumiretso. Wala namang armas yung mga yun. Eh ang tarantadong gobyerno, ang daming pinadalang sundalo at tangke. Potangena, nagpaputok pa nung ayaw lumabas nila Trillanes. Tang ina. Ginawa ng gobyerno? yung mga media sa loob tineargas (inispray-an ng tear gas) at pinosasan. Tas ‘lamo? Ang potangena, sinira ng tangke yung pinto para makapasok. What a brute use of force! May curfew ngayon sa Pinas. 12-5. Sinong Paranoid ngaun?”
Matagal na namang paranoid ang gobyerno ng Pilipinas sa maraming mga bagay. Takot ang gobyerno sa pagpapalit ng pamamahal;a, takot ang gobyerno sa paglilipat ng kapangyarihan, takot ang gobyerno na mawalan ng kontrol sa mga nasasakupan nito. Yung paranoiang iyon ng pamahalaan ng Pilipinas ang isa sa mga sakit nito kaya hindi ito makakilos ng akma para sa ikabubuti ng nakararaming mga Pilipino.
Ang madalas na headline pag nagtatanong ako tungkol sa Pilipinas ay,
“Naku, walang bago! magulo pa din dito!”
Kung ang batas ng isang bansa ang isa sa mga nagbibigay ayos sa lipunan nito, baka nga joke lang yung mga batas sa Pilipinas. Baka nga wala namn talagang batas gaya ng napapansin ng mga dayuhan. Kunge meron man, tinutulugan naman ng mga kinauukulan. Babalik pa ba ako ng Pinas? Oo naman.
Lingid sa kaalaman ng maraming dayuhan dito, kahit mistulang magulo ang Pilipinas, napakaraming mga simpleng dahilan na gugustuhin mong balik-balikan doon. Isa lamang yun sa mga tatalakayin ko sa mga susunod na entries ng blog na ito.
Sa blog na ito ibabahagi ko sa inyo ang aking mga karanasan dito sa Amerika bilang isang OFW na nakikipagsapalaran sa uri ng buhay dito.
December 2, 2007 No Comments

