mga kwento ni samjuan, sino man, tungkol kanino man, kahit saan, kahit kailan, salamat walang anuman
Random header image... Refresh for more!

Category — sa buhay

Tungkol sa appreciation sa ating mga Pinoy at OFWs

Basta kumakain, basta may suweldo, sige na nga lang, kaysa wala.

Ang blog post na ito ay kaugnay ng nauna kong entry na pinamagatang “Mag-imagine muna tayo” tungkol sa sinabi ng isang Arabo sa mga Pinoy. Naalala ko kasi ang mga komento ni kabayang tagabukid, poging payatot at bisita. Magaganda nag kanilang mga puntong sinabi patungkol sa appreciation ng mga ibang lahi sa mga PInoy. Ayon sa kanila, hanggang appreciation lang naman daw talaga at hanggang dun na lang. Ang nangyayari madalas, underpaid pa din ang maraming mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa at madalas ay naabuso pa.

Kaugnay nito, naisip ko lang na baka may kinalaman ito sa kaugaliang Pinoy na madaling maging komportable. [Read more →]

June 23, 2008   4 Comments

Pagbabalik-loob

Paminsan-minsan, masarap ding makinig muli sa boses ni Chito at sa himig na gawa ng kanyang banda. Naglaho kasi ang pananampalataya ko sa parokya nang mapurga ako sa paulit-ulit nitong pagsesermon tungkol sa buhay pag-ibig.

Madalas kong iniiwasang patugtugin yung playlist ng parokya ni edgar sa media player sa pc kasi baka marindi lang ako sa mga kanta.

Naalala ko nung kasagsagan ng kasikatan ng kanilang banda, puro tugtog parokya na lang ang naririnig ko. sa canteen, sa school bus, sa jeep, sa bus, sa taxi, sa bahay, sa kwarto, sa classroom, sa kanto-kahit saan puro mga kantang pamparokya ang naririnig ko-wah! Nakakarindi ang paulit-ulit na pagkapit ng kumakantang boses ni Chito sa utak mo sa tuwing maglalakad ka pauwi sa bahay o sa tuwing lumulutang ang isip mo sa classroom.

Di ko naman masisi ang mga taong walang ginawa kundi gayahin ang mga kanta ng parokya; e sa madaling sundan at kantahin ang kanilang mga himig at tugtog.
Kaya naman noon, kapag hindi mo alam kantahin ang kanilang mga kanta, laos ka, olats.

Kanina, sa muling pakikinig ko ng himig parokya, naisip ko na hindi pala ako takot marindi sa kanta o sa tugtog. Naisip kong takot lang siguro ako dahil naiingit ako sa mga kanta ng parokya. Nakakainnggit ang mga kantang simple pero may tama. Nakakainggit na kahit papaano ay kayang pagtakpan ng mga simpleng kanta ang problema ninuman.
Ngayon alam ko na kung bakit maraming naaadik sa parokya.

Sana nga pwedeng daanin sa simpleng himig, tawanan o inuman ang lahat ng problema.
Kinakailangan ko yatang mas makinig ngayon ng mga himig parokya.

May 26, 2008   3 Comments