Sa digmaang ito ang nabansagang tanga ang aabante sa linya. Sapagkat natutunan nang pahalagahan ang mga karapat-dapat paglaanan ng mga luha, bawat hakbang,bawat salita, bawat pakikisalamuha ng puso ay sisiguruhing patungo sa ikapapayapa ng pagkatao. Sa digmaang ito, mas malaki ang lamang ng kalmado. Sa digmaang ito, ang puso ay di basta basta bibigay nang walang laban. Sa digmaang ito-ang rurok ng tagumpay ay hindi matatamo sa pagkapanalo kundi sa pagkakamit ng kapayapaan at kalayaan mula sa mapanakop at mapag-imbot na pagkatao ng pag-ibig.
Archive for the 'sa buhay' Category
[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=BRxrF-iSfjQ[/youtube]
Kung ako ang ating pambatong kabayan na si Maria Venus Raj, at kung ako naman yung sasagot ng tanong na natapat sa kanya, ang maaari kong isagot ay:
“Sa punto pong ito ng buhay ko, natutukso man akong baguhin ang maraming bahagi ng aking buhay, ang pag-iwan ng tatay ko sa akin, ang aming kahirapan, (punas ng mata kunwari naluluha) nakatira po kami sa bahay kubo kasama ng nanay ko at mga kapatid ko, at ang mga paghihirap na pinagdaanan ko makatungtong lang sa patimpalak na ito at marami pa pong iba. Madami akong gustong baguhin ng bonggang bongga noon pa. Pero po sa pagkakataong ito, kasama ng lahat ng mga biyayang natanggap ko, wala na po siguro akong babaguhin. Sapagka’t ang lahat ng mga pagkakamali at pangyayari sa buhay ko mula noon ay parte ng kung ano ako ngayon. Maraming salamat po. (ngiti at kaway) (moment na ng interpreter).”
Dumadagsa talaga ang tulong at suporta ng mga taong nagmamahal sa iyo sa mga panahong hindi mo inaasahan.
Sabi nga sa Lord of the Rings ni J.R.R. Tolkien, “You can find courage in the most unlikely places.”
Kakapanood lang namin ng coverage ng holdapan sa Maynila kanina sa GMA Pinoy TV at sa TFC. HAla kumusta naman at parang nagkekwentuhang magkapitbahay lang sina Mike Enriquez at Mel tiangco sa phone. Haha. Medyo nagiging komedya tuloy yung coverage.
Nakakapanghina yung naganap. Madaming kashungaan sa panig ng media, kinauukulan, at ng mga mamamayan sa paligid pero sino ba naman ako para pumuna diba?
Kekwento ko na lang yung mga sinabi ni Itay na points gaya ng pagbabarikada sana o yung pagpeperimeter sa area at yung Di sana pagpoprovoke sa holdaper na mainis (halimbawa: yung pagpapakit ang paghuli at pananakit sa kapatid niyang pulis) at paggamit sana ng pamilya niya bilang pampalambot ng puso niya. Sana daw eh di nagtapon ng mga tear gas sa may sasakyan gayong may mag tao pa. Sana gumamit din ng chopper para sa monitoring. Angggulo eh. Continue reading ‘KSP’
Naiinggit ako kina Tonee at sa kasa kasama niyang karelasyon. Mahigit sampung taon na kasi silang nagsasama at going stronger pa din sila. Pareho silang lalaki. Nakakatuwang isipin na sa panahon ngayon, may mangilan ngilan pa ding mga nilalang na marunong manindigan at mag-commit sa isang relasyon. Yun bang mga taong naiintindihan ang kahulugan ng salitang commitment.
Ako kasi kapag nag-commit ako sa isang bagay, tao o relasyon, talagang nakatuon ako nang mabuti na kulang na lang gumawa ako ng bagong mundo para lang sa bagay, tao, o relasyon na aking pinasok. Eh sa ganun ako eh. Bago ko pasukin at bago ako mag-commit sisiguruhin ko muna kung klaya ko ba at kung kaya ko bang panindigan, ganun ba. Nang di naman ako manlalaglag kalagitnaan kunsaka-sakali hehe. Continue reading ‘Pag-asa at paasa’
Rewind ilang dekada mula ngayon sa provincial national highschool sa Nueva Ecija kung saan may mga singkwentang estudyante sa isang silid-aralan. Sa abndang likuran nakaupo si Itay. Bahagya na siyang papatulog dahil sa init at ingay sa klase nang bigla siyang gisingin ng blackboard eraser na lumipad nang mabilis mula sa kamay ng kanyang nanggagalaiting guro.
Wala pang isnag segudo ang lumiupas, nilasap ng mukha ng guro yung blackboard eraser. Hinagis itong pabalik ni itay sa mukha niya. Tumahimik ang klase. Continue reading ‘in your face’
Kung batang kalye ka din noon o kung may mga nakasalamuha kang mga batangkalye na gaya ko noon, marahil kilala mo yung di napangalanang asawa ni Marie.
Siya yung taong araw-gabi walang panty. Oo, sa kanta ko yun
1-2-3 Asawa ni Marie
Araw-gabi
Walang panty
Basta alam ko ganun yung chant, tapos di ko na matandaan ang ginagawa.
Nitong huli ko na lang napagtanto na parang may mali sa kinakanta namin noon ng mga kalaro at mga kababata ko.
Eh bakit nga ba kailangan pang sabihin sa kanta na walang panty yung asawa ni Marie? Nagpapanty nga ba ang asawa niya? Hindi kaya babae ang asawa niya pero madalas walang panty kaya siya yung tinitira ng kanta? Naku sexist ito. Hmm.
EDSA yung unang highway na pinagpraktisan kong magmaneho. Sa EDSA ginitgit ng mga balasubas na bus drivers yung pawis steering na kotseng minamaneho ko noon.
Sa EDSA ako nag-Iloveyou sa isa sa mga kalaguyo ko noon. Sa EDSA ako nanonood ng float ng mga artista. Sa EDSA, sa may people power monument, kami nakiki-party tuwing Pebrero.
Sa EDSA ako nagbibyahe araw-araw papuntang trabaho noong asa Pinas pa ako. Sa EDSA ako hinipuan nung katabi kong manong na naka leather jacket na mukhang holdaper na kumakanta ng To love you more ni Sarah Geronimo.
Noong bata ako, akala ko sa tatay ko na matutunan kung paano makisama sa mga tao. Ma-karisma kasi siya. Lahat na lang kaibigan niya. Yung maong sa kabilang baranggay, yung ale sa kabilang kanto, yung bagong lipat na kapitbahay, yung tanod sa dulong kalsada, lahat yun kilala niya. Lahat yun, kilala siya at alam na anak niya ako.
Naiinsecure nga ako noon sa kanya. Pa’no ba naman palagi niya ako noong sinasabihan ng suplado. Di daw ako marunong makipagkaibigan. Hindi daw ako marunong makisama. Paano nga bang makisama? Paano nga bang makipagkilala na tila walang alinlangan sa ibang tao? Kailangan mo bang magpasikat? Kailangan ba madaldal ka? Kailangan ba mapasaya mo palagi yung ibang mga tao? Kailangan ba meron ka nung tinatawag nilang natural charm?
Pakihawi naman po ang maitim na ulap ng ilusyon na pumapaibabaw sa isip ng marami sa aming mga Pilipino sa pagpili ng iluluklok sa pamahalaan sa darating na halalan.
Nawa’y wag na pong ma-highlight si kahirapan at ma-sensationalize bilang dahilan ng krimen, at sanhi ng mga trapong nagnanakaw ngkamal-kamal na pera ng bayan.
Sana po matauhan na ang maraming mga Pilipino na hindi lang sa showbiz giginhawa ang buhay. Maisip sana ngkaramihan na hindi lahat ngpinapalabas sa Telebisyon ay pawangkatotohanang maaring mangyari sa kani-kanilang mga buhay.
Madami sa mga pinapalabas ngayon ay puro eksaherasyon at inaangkop sa kiliti ng mag manunood. Mamulat sala ngdilat na dilat ang mata ng maraming Pinoy sa mga nangyayari sa paligid.
Please, please naman po, sa iyo, na may lalang ng sangkalawakan, pagalingin niyo naman ang mga Pinoy sa sakit na kalimot nang hindi nila agad malimutan ang mga pambabarubal na ginawa, ginagawa at gagawin sa kanila ng mga nakaluklok sa kapangyarihan at naatasang mamahala sa bayan.
Bigyan niyo po ang mga Pilipino ng anti-glare feature sa mata nang di sila masilaw sa kinang ng pera at suhol mula sa kung sino-sino sa panahon ng halalan. Tapos may paulit-ulit na paalala (a la public service announcement) na basta na lang maririnig sa loob ng ulo ng lahat na ang pera ay di susi sa kaunlaran at sa ikasusulong ng bansa.
Isulong ang Kultura at ang edukasyon para lalong magising ang kamalayan ng karamihan sa ating mga Pinoy na nahimbing na sa bangungot na dulot ng mahaaaaaaaaabang panahon ng pagkakaroon ng sabog na pamahalaan at sistema sa pamayanan.
Nawa’y ang maluluklok na mamamahala sa pamahalaan ay isang Pilipinong may matibay na paninindigan, malinaw ang pag-iisip at may puso at malasakit sa kapwa. Umaasa pa din po kaming lahat sa pagbabago. Makakaasa kayong gagawin ko din ang mga makakaya ko para makatulong sa pagkakamit ng pagbabago sa maraming aspeto ng pamumuhay sa Pilipinas.
Maraming salamat po! Pagpalain niyo kami!
Harinawa.
Continue reading ‘Panalangin sa may lalang ng sangkalawakan’


SamComments