Sa digmaang ito ang nabansagang tanga ang aabante sa linya. Sapagkat natutunan nang pahalagahan ang mga karapat-dapat paglaanan ng mga luha, bawat hakbang,bawat salita, bawat pakikisalamuha ng puso ay sisiguruhing patungo sa ikapapayapa ng pagkatao. Sa digmaang ito, mas malaki ang lamang ng kalmado. Sa digmaang ito, ang puso ay di basta basta bibigay nang walang laban. Sa digmaang ito-ang rurok ng tagumpay ay hindi matatamo sa pagkapanalo kundi sa pagkakamit ng kapayapaan at kalayaan mula sa mapanakop at mapag-imbot na pagkatao ng pag-ibig.
Archive for the 'sa pag-ibig' Category
Naiinggit ako kina Tonee at sa kasa kasama niyang karelasyon. Mahigit sampung taon na kasi silang nagsasama at going stronger pa din sila. Pareho silang lalaki. Nakakatuwang isipin na sa panahon ngayon, may mangilan ngilan pa ding mga nilalang na marunong manindigan at mag-commit sa isang relasyon. Yun bang mga taong naiintindihan ang kahulugan ng salitang commitment.
Ako kasi kapag nag-commit ako sa isang bagay, tao o relasyon, talagang nakatuon ako nang mabuti na kulang na lang gumawa ako ng bagong mundo para lang sa bagay, tao, o relasyon na aking pinasok. Eh sa ganun ako eh. Bago ko pasukin at bago ako mag-commit sisiguruhin ko muna kung klaya ko ba at kung kaya ko bang panindigan, ganun ba. Nang di naman ako manlalaglag kalagitnaan kunsaka-sakali hehe. Continue reading ‘Pag-asa at paasa’
Bihira ako ng mag- “Thank you” sa mga bus drivers ng sinasakyan kong bus kapag papunta o pauwi sa trabaho. Ayoko na kasing makadagdag sa pagod nila sa pagsagot ng “You’re welcome!” sa bawat pasaherong magte-thank you sa kanila. Biruin mo, halos 40 o 50 ang laman ng bus at kapag lahat yun ay isa-isang nag-thank you sa driver, eh goodluck naman sa kanya. Isa pa, Ayoko lang mag-”Thank you” Kapag hindi ko feel. Minsan badtrip din kasi yung driver. O.a. sa bagal magpatakbo ng bus. Minsan naman barubal kasi nakita nang pasakay ka, biglang aandar at isasara ang pinto. Bihira akong mag-”Thank you.” Promise. Continue reading ‘TY’

SamComments