Eto yung taon kung saan nalimutan naming magkapatid ang kaarawan ni itay. Teka. Ulit.
Eto yung taon na nalimutan naming magkapatid na ipagdiwang ang kaarawan ni itay. Chura ng kapatid kong babae. Alam naman pala nyang kaarawan ni itay noong nakaraang linggo pero di ako pinaalalahanan. Medyo moody kasi si itay lately at ang nagmamaganda ko namang kapatid ay pasaway palagi kaya ayun, kahit noong araw ng kaarawan ni itay eh di sila nagpapansinan.
Ako naman pagudpaguran last week.vIkaw na magkargador buong linggo. Anyways, ito din ang gabi kung kailan binilhan ng boypren ng kapatid ko ng chocolate cake galing red ribbon si itay. Masarap naman yung cake. Ako una tumikim e. Nagiinarte pa sila. Si kapatid di maibigay kay itay. Si itay tampu-tampuhan naman ang moda.
At ayun nga, dahil sa sobrang kapaguran nagka-amnesia ata ako bigla. Katakot talaga sa bansang ‘to.
Di bale nang madaming ginagawa kesa tumunganga ng mahigit apat na oras sa pagbabantay sa mga kargador na naglilikas ng mga kahon kahong paninda namin. Nakakatanga kayang tumunganga. Takteng yan. Pwdede naman nilang isara yung gate ng compound. Wala naman sigurong gagong magtatangkang magbuhat at magnakaw ng 20kilo na kahon palabas sa mataas na gate. Lalo pa at bilad na bilad na sila sa araw at pagod na pagod. May toyo lang talaga tong mga amo ko eh. Walang matinong plano at organization kahit kelan. Hayayay. Haha. Kundi lang talaga dahil sa pera. Well ok na din naman ngayon kumpara kahapon na nagbuhat ako ng humigit kumulang 500 na mga kahon para isampa sa 18wheeler truck na magdadala ng shipment namin. Aba napahubad ako ng tshirt kahapon dahil tagaktak ang pawis ko hanggang sa kasingit singitan ng katawan ko. Pero gaya nga ng sinasabi ko noon pa sa sarili ko- bawal mag inarte sa bansang ito. Lalo ngayon at walang trabaho si itay. Di bale nang madaming ginagawa kesa walang pera at nakatunganga.
Putang ina lang. Lahat na lang ng lugar na pinupuntahan niya minamarkahan niya. Kahit wala na siya, naiiwan at naiiwang nagpaparamdam ang nangangalabit at madalas nangungurot ang kaniyang amoy. Masahol pa sa nahinog na bulok na bayabas na pinahiran ng panis na spaghetti galing karinderya na may nabulok na pinaglagaang sabaw ng lucky me pancit canton at panis na tuna na nakulob sa naiwang baunan sa dorm ng buong sembreak ang amoy niya. Bwakanang kilikili yan. Hayup lang sa pagka-territorial itong tamad na pinsan ni boss. Para siyang lobo (wolf) eh. Continue reading ‘Mag-ingat sa taong lobo’
Tangnang gala yan. Saglit lang naman yung lindol pero andami atang naalog nang husto yung utak dito.
Una-
Sa bus na sinakyan ko papuntang subway.
May lasing na sumakay. May mga barya siyang dala tas hinulog sa sahig. Pagewang gewang siyang naglalakad lakad sa bus habang nanggugulo ng mga pasahero.Yung gagong manong hinimas himas pa yung ulo ko.Takte siya. Akala ko nasagi lang eh. But noooo.Hinimas nya talaga yung ulo ko. At humimas pa. at humirit pa ng isa. Pasalamat siya di mainit ang ulo ng kalbo. Tapos umupo siya sa upuan sa harap ko sabay harap sakin.Tinititigan nya ako. Nakashades ako ng maitim kaya wala siyang makikita sakin.Nung mapansin ata na wala akong pakialam sa kanya dumura si gago. Buti nakailag ako. Pasalamat siya mapagtimpi ako. Gagong yun.
Pangalawa-
Pagbaba ko ng bus.
May nakasalubong akong aleng di naman katandaan. Maayus ang itsura. Pagkatapat na pagkatapat niya sa amin ni Hagrid opismate, biglang nagsisigaw at nagtitili. Ampocha. As in yung parang kina-cactus ang ano nya. Ganun ang pagkatili nya.
Pangatlo-
Ilang klakad after kay ateng tumitili.
May manang na madungis na nanghaharang ng mga tao na parang taya sa patintero.
Pang-apat-
Sa subway train pauwi na.
Kumusta naman na yung nakatabi kong lalaki na amoy pawis at araw eh may kinakausap sa… mga palad niya.
Naho-homesick ako. Alam mo yung pakiramdam na para kang magkakasakit kapag bigla kang nawalay sa lugar kung saan andoon ang puso mo, sa lugar kung saan ka komportable, sa lugar kung saan ka payapa, sa lugar na itinuturing mong tahanan. nanlalambot pa din ako at medyo inaatake ng hilo. Para kang nakikipagjugjugan tapos bigla kang manlalambot kasi andaming biglang mga tumatakbo sa isip mo tapos parang di mo na alam gagawin mo pagkatapos. Lutang lang ampotek.
Alam ko mawawala din ito.pero sana sa lalong madaling panahon.kailangan kong mag-focus sa mga dapat kong gawing mga bagay.
Kasabay ng pag-utot ko kagabi ay yung pag ratatatatat ng armalite sa kanto. Pagkaraan ng mga dalawang minuto (na parang dalawnag segundo lang naman talaga) napuno agad ng ingay ng sirena ng mga pulis at elisi ng helicopter ang kwarto ko. Nagsuot ako ng sando at nagkumot sa takot na baka mapuruhan ako ng mga ligaw na american bullets. Di pa ako nasanay. Ilang buwan na din mula nang nakalipat kami dito sxa bagong apartment kung saan yung kwarto ko ay katabi mismo ng kalsada.
Tuwing gabi, bago matulog, pagkatapos ko magdasal at mag-isip kung paano ulit makakaraos kinabukasan at kung paano maayus ang mga buhay namin dito, palagi na lang akong may naririnig na goodbye mula sa mga putok ng baril sa paligid. Nampucha. Napaka peaceful ng side na ito ng Tate.
********
Noong nakaraang linggo, sa sobrang pagod ata, nung nagising ako mula sa pagkakahimbing ko sa byahe sa tren eh nalito ako at tinanong ang sarili kung pauwi ba ako o papasok muli ng trabaho. Pauwi pa lang ako noon.
Habang nakapila papunta sa entablado para tanggapin ang mga ribbon at medalya, nagrerebolusyon ang utak at puso ko sag alit dahil sa lahat ng mga katangi-tanging mga batang tatanggap ng parangal noong ar aw na iyon, ako lang ang nag-iisa na wala man lang magulang o kamag-anak.
Grade 4 ako noon. Recognition day, isa sa mga mahahalagang araw sa buhay ko kung saan inaasahan kong may mga malapit na kapamilya at kapusong magsasabit ng medlaya at magkakabit ng ribbons sa akin pero wala eh, busy sila. Si Inay nasa Disyerto sa gitnang silangan, Si Itay naman may pasok, mag tito at tita? May pasok din at sa malayo sila nakatira. At dahil di pa marunong magpanggap ang mura kong kaisipan at damdamin noon, hindi ko naitago ang inis at pagtatampo ko sa mgataong dapat sana eh nandoon sa isa sa mga mahahalagang araw sa buhay ko.
Di ko nga alam isasagot ko noon sa adviser ko nung tinanong niya kung sino ang kasama kong aakyat sa entablado eh. Napayuko na lang ako. Di na siya nagsalita at sinamahan na lang ako sa stage. Sabagay, default nanay angmga adviser noong elementary, Siya nagsabit ng mga ribbons at medalya ko noon. Habang sinasabitan niya ako at habang kinukuhanan ako nglarawan ng mga manong photographers, hirap na hirap akong ngumiti, pramis. Kung maipapakita ko nga lang yung mag pictures ko noon, kundi nakayuko, nakatingin sa gilid, eh nakasimangot ako. Naiiyak kasi ako noon. Continue reading ‘2nd honor’
Nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko parang bumalik ako noong ara wna kasama ko si Hilda sa may mga upuan malapit sa Palma Hall sa UP Diliman habang kumakain kami ng isaw at pinag-uusapan ang mga maaring mangyari sa buhay namin. Bukambibig ni Hilda ang paghahanap ng trabaho, posibleng lablayp at ang kanyang graduation. Ako naman eh ang posibilidad ng bagong panimula sa kahit anong kaganapan na maaring mangyari sa akin noon- ang magpuntang Amerika o magpaiwan sa Pinas.
Kung magpapaiwan ako sa Pinas, since wala naman kaming kahit anong ari-arian at wala pa naman akong matinong trabaho noon, tiyak na back to basics ang moda. Kesyo ano ka pa nung kolehiyo, pagkagraduate mo, babalik at babalik ka pa din ilalim ng food chain. Sa kabilang banda, kung mag-a Amerika naman ako, sure manure, isang tiyak na start from scratch ang mangyayari. Wala kaming direktang kamag-anak dito, walang trabaho, at walang kaperahan. Mapapa kamon mamon ka sa saya! Nakngteteng na yan! Continue reading ‘Ground zero’
Mga kabayan, try niyo ito:
Kung pakiramdam niyo eh kayo o yung kakiala niyo o kaibigan ay papatok dito sa pakontes na ito, sali na!

Are you a farmer, teacher, fireman, soldier, construction worker?
Do you think your job is tough enough?
Then log on to www.toughjobsphilippines.com and join Alaxan FR’s ‘Search for the Toughest Jobs in the Philippines’ promo.
Share with others what you do and why you think your job is tough, and get a chance to be featured in the site and win exciting prizes.
So we’ll see you at the site… to know how tough you really are.
Hindi pa-susyal na agnes ang title ng post na ito ah. (oo na, korni na. pagpasensiyahan na ang lutang).
Kanina may matandang babae na lumapit sa akin. May dala siyang notebook. Tinanong niya kung anak daw ako ni Takeshi Kaneshiro. Joke lang. Sabi niya: “Are you Japanese?” Sabi ko “No, I am a Filipino.” Mga 6 seconds na ahhh ang sagot niya. May ipapatranslate daw sana siya sa akin na Japanese text na nakasulat sa notebook niya sa Ingles. Kung ano ano pa sinasabi niya na di ko masyadong naintindihan kasi malakas pa din yung Hapon accent niya. Oo na lang ako ng oo. Nakatulog ako agad sa tren pagkasakay namin kaninang umaga.
**** Continue reading ‘Agnas’
Holiday noong isang araw. Yehey at walang pasok. Pinagdiriwang kasi ng mga kano yung mga “kagitingan” at “katapangan” ng mga kababayan nilang isinabak nila sa gera nila kung saan-saan. Para bang ara wng mga bayani o ara wng kagitingan sa atin, ganun. Anyways, kaming mag-anak (ako, si itay at si kapatid ko) eh nanood ng prince of Persia na puno ng characters in british accent. Masaya naman ang naging lakad namin at nabusog sa Mexican resto na kinainan namin ng tanghalian kahit na di masyadong masarap ang pagkain. Continue reading ‘memorial’

Natanggap ko na ang package kanina! Totoo nga! Totoo nga! Totoo ngang astig ang damit na tinitind ang Team Manila! Hehe! Bili na sa inyong mga sukingTeam Manila shops or bisitahin ang link na ito para sa kanilang online shop: teammanilalifestyle.com/shop
Salamats mga kabayan!
Kahit na ilang beses ko nang sinabi sa sarili kong hindi na ako magtatatakbo at maghahahabol pa ng mga bus sa kalsada, ohwellpapel, ginawa ko pa din kahapon. Ewan ko ba. Parang nabuhay na lang bigla yung mga hita ko at bigla akong napatakbo nang di oras papunta sa elevator, patawid ngkalsada, at pasakay ng bus sa kabila ng takot na muling mahuli ng pulis at maticketan, at maaksidente ng di oras. Ewan ko ba. Siguro na-miss ko lang ang adrenaline rush. Kakamiss din kasi magtatakbo-takbo. Haha. Anak ng tokwa naman kasi kapag naiwan ka ng bus mo eh. Mahigit 15 minutes ka pang maghihintay ulit. Pag iniputan ka pa ng malas, 30 minutes kang tutunganga hanggang dumating ang susunod na ride. Whew.
Kakatakbo ko, ayun, pag-akyat ko ng hagdan kagabi matapos kong magtapon ng basura sa labas eh nag-cramps ang aking hita. Kamon mamon sa tigas ng maskel ng hita ko. Shet. Namilipit naman ako sa sakit sa hagdan. Buti alang taong dumaan ng mga oras na iyon. Awa ng Maykapal eh saglit na kirot na lang ang nararamdaman ko ngayon. Yehey at nakasingit akong mag-blog today. Mag-uuwian na. Di na ako tatakbo mamaya pramis.
Kung makautos kala mo wala nang bukas eh. Ratatatatatatat ang mga bibig nila sa pag-uutos. Me no likey. (pakyut na sushal amputek) ok ang sahod kahit papaano eh kaso kahit anong pagpapanggap mo na ok lang ang lahat na kailangan mong makuntento at magtiis dahil kailangan niyong mag-survive at magpasalamat na lang dahil may trabaho ka eh nakakapuno na din yung pakiramdam na wala kang fulfillment sa ginagawa mo at isa ka lang pawang hardcore na utusan. Aliping saggigilid. Aliping namimilding (alipin sa building).
Kumusta naman na may nag-eexist pan utos eh uutusan ka na naman agad ng bigboss, tapos mag-uutos yung feeling big boss tapos mag-uutos si koya kabayan, tapos mag-uutos si Riki Hagrid sa bodega. Ayayay!
Paano namanako makakahanap ng matinong asawa nito? Sana sana, pagpalain na ako ng kalawakan. Asawa where art thou?
Nakakaburat pa din palang tumayo ng mahigit dalawang oras nang walang ginagawa kundi magbantay ng mga kargador na ngbubuhat at nag-aayos ng mga shipments. Akala ko sanay na ako sa ganito. Hindi pa pala.
Habang nakatayo dito sa labas ng opisina kung saan walang maliw ang pagpatak ng ambon, di ko maiwasang mag-isip ng mga bagay kung papaano ako mapapasayus dito sa bansang ito. Kanina kasi sa TV may mayroon na namang nagdeklara na susuyurin daw niya at ipapahuli ang mga taong walang papel. Katakot lang.
Kailangang umayos na agad.
Continue reading ‘Babala’
Gusto kong manood ng opera, yung 4 parts na 17 hours opera ni Richard Wagner na pinamagatang: “Der Ring des Nibelungen (The Ring of the Nibelun)” kaso napakamahal ng ticket tapos pang-susyal pa masyado. Kelangan naka tuxedo ka. Bawal maong. Nampucha, Con todo postura ang moda. NAeexcite ako sa mga bagay na may kinalaman sa sining kaso madalas eh nakakalungkot lang din yung pagkabigo na nararamdaman ko kapag yung gusto kong makita, magawa o mapanood eh hindi ko pa magawa ngayon.
Gusto ko ding manood ng Film Festivals dito kaso, bukod sa medyo may kamahalan ang buong festival package (oo na, pwedeng mag-tingi tingi ng ticket kaso gusto ko makapanood kundi man lahat eh halos lahat ng pelikulang kalahok) eh wala akong makakasama manood. Wala naman kasing malapit na kaibigan dito na pwedeng makasama at may hilig sa mga pelikula na gaya ko.
Continue reading ‘Sam things’

Isang taos pusong pasasalamt nga pala para sa mga bumubuo ng Team Manila para sa panalong Press Coupon na ibinahagi nila sa akin! Salamat, salamat! Isang tumataginting na Apir para sa inyo! APIRRRR!
Tamang tama ang coupon na ito sa nagtitipid at medyo kailangan ng mga mumunting kaligayahan na OFW dito sa Tate.
Salamat sa Team Manila, nakalibre ako ng isang T-Shirt. Yung ibang mga T-shirts eh abot kaya naman at garantisadong okey sa orayts. Nakaranas na din kasi ako ng Team Manila Shirts noon na bigay naman ng mga kaibigan sa Pinas.
Kapag trip mong makita yung mga binebenta nilang mga damit, sugod na sa website nila: http://teammanilalifestyle.com/shop/ sa lalong madaling panahon. Wish ko lang eh sana mas madami pang pagpipilian tapos sana may mga jackets din at hoodies na tinitinda kasi medyo malamig pa din dito sa parteng ito ng Tate.
Madali lang naman bumili sa site nila. Mag-register kal ang para may account ka at para ma-track mo ang mga binili mo sa kanila. Madali lang din pumili dahil bukod sa konti lang naman ang mga styles na meron sa nagyon, may mga listahan din ng kategorya sa gilid at itaas ng website nila. Dehins kang maliligaw kung yun ang ikinababahala mo.
So sa mga kabayan ko diyan sa buong mundo, alam ko pwede silang mag-ship sa iba’t-ibang panig ng daigdig eh, yun nga lang medyo matataga ka sa shipping. Pero kung trip na trip mo naman ang mga damit nila diba, why not?! Wag nang manghinayang. Let’s go team manila na!

Maraming maraming salamat po at muling naibalik ang samjuan.com matapos ang ilang araw nitong pagkawala dahil nag-expire nap ala ang domain. Kumusta naman at medyo inaagiw na ang website ng inyong lingcod dahil sa kabusyhan sa kakakayod para sa pera, sa pamilya at sa future na aasawahin.
Anyways, maraming salamt talaga kay Lord!
Sa pagdaan ng maghapon, unti-unting namuo yung lungkot sa akin. Eto yung tipo ng lungkot na nararamdaman mo kapag may isang mahalagang tao o bagay na alam mong mawawalay o mapapalayo sa iyo. Alam mo yun pakiramdam na kapag may nakasanayan ka nang gawain o bagay tapos biglang mawawalasa iyo eh bigla kang susuntukin ng lungkot, ganun ang nararamdaman ko. Eto yung tipo ng lungkot na marahil nag-uugat sa matinding pagka-miss sa isang tao. Tanda ko naramdaman ko ito dati noong minsang umuwi saglit ang nanay ko sa Pinas tapos umalis din pagkaraan ng ilang araw. Kahit na alam kong sanay na naman ako na magkalayo kami, kahit na alam kong dapat eh di ako nga-iinarte, kahit na alam ko sa sarili kong di ako dapat nalulungkot kasi may mga magagandang bagay naman na idudulot ang pag-alis ng nanay, eh nalulungkot pa din ako. Alam mo yung lungkot na kahit na alam mong di naman talaga mapuputol ang koneksiyon niyo pero alam mong sobra mo siyang mami-miss dahil alam mong (bagamat magkalayo na kayo) lalo pa siyang lalayo ng milya milya mula sa iyo- ganun ang nararamdaman ko ngayon.
Continue reading ‘How do i get you alone?’
Ilang beses na namang nasira sa ilalim ng lupa ang tren ngayong linggo. Kaya naman kahit magmaaga ako ng pasok, nale-late pa din ako.
Nakakaburat lang na sa maikling panahon nang pagsakay ko sa tren, napansin kong napakabilis dumami ng mga taong anlalakas ng toyo. Kung dati ay nakakatulog ako madalas ng matiwasay sa byahe, ngayon andaming barubal na walang magawa kundi mambasag ng trip. Kahit na di mo sila pinapakialaman sa mga kalokohang ginagawa nila, andiyang may kakanta kanta kahit napaka-sabog ng kinakanta, andiyang may baliw na sigaw ng sigaw andiyang may magdadasal bigla, andiyang may maghuhubo na lang, andiyang may magsisisigaw na inaapi sila kahit ala namang kausap, andiyang may magmumumura na lang basta basta at madmai pang ibang uri ng mga taong may samut-saring karakter.
Continue reading ‘one day isang araw’
SamComments